Wait, ano ba itong iniisip ko tungkol sa lalaki na ito? Pinapantasya ko ba siya or pinag nanasahan? My god Patricia wag mo ng dagdagan ang isipin mo.

"Miss? Are you okay?" Winagayway niya pa ang kanyang kamay sa harap ng aking mukha. "Pansin ko kapag kinakausap kita lagi kang natutulala huh?"

Huh? Napakafeelingero naman! Pero bakit nga ba natutulala ako, I just can't believe at hindi ko alam.

"Huh? Eh, Wait kukuhanin ko lang ang cellphone mo." Dali dali kong kinuha sa salas ang cellphone niya pagtapos nun ay inabot ko ito sa kanya. "Actually, kanina ko pa dapat sayo ibabalik yan. Sorry pala, wag kang mag alala wala naman akong pinakailaman diyan or binuksan."

He just smirked then leave. Hindi siguro nauso ang pasasalamat sa lalaki na yun. Sobrang dami niya ng utang na thank you sa akin ah. Sinundan ko siya ng tingin, may tinawag pa ito at hindi naman malayo kaya medyo narinig ko. I heard my name, hindi ako nagkakamali dinig na dinig ng dalwang tenga ko. Sinabi niya ang pangalan ko sa kausap niya.

Nagtataka akong sinara ang pinto, Kilala niya ba ako? Oo nga at nagpakilala ako sa kanya dahil tinanong niya pangalan ko pero yung sabihin sa kausap ang pangalan parang sobrang weird naman. Pinapulis niya ba ako o sinumbong ang pangalan ko sa pulis? Pero sinauli ko naman yun.

Nakakunot ang noo ko, gusto ko siyang puntahan para itanong. Hindi na naman ako patutulugin ng isipan ko, sa bawat araw na lumilipas laging nadadagdagan ang isipin ko.

Dahil hindi na ako mapakali, natagpuan ko na lang ang sarili ko na nasa harapan ng pinto niya. Ilang minuto na ako dun pero hindi ko magawang pindutin ang doorbell. Nakatitig lang ako dun at kinagulat ko nang biglang may pumindot nun. Tiningnan ko kung sino yun, janitress to at ngumiti sa akin. "Miss pipindutin lang po yan." Napahampas ako sa noo ko, gusto kong tumakbo ng mga oras na yun ngunit huli na ang lahat, nagbukas na ang pinto at lumantad sa akin ang hubad na katawan ng lalaki.

Napalunok ako dahil dun. "What are you doing here? May kailangan ka ba?" I look to him, basa basa pa ang buhok niya, ang tubig ay dahan dahang tumutulo sa kanyan mukha at umaagos pababa sa dibdib ni Carlton.

Nanginginig na ang mga tuhod ko at hindi ko na kayang patagalin, kaunte na lang babagsak na ako. "Patricia." He call me by my name. Bigla akong natauhan dahil dun.

"I just want to ask, kung bakit mo sinabi ang pangalan ko sa katawagan mo kanina? Pinapulis mo ba ako? You know what, hindi ko naman talaga intensyon na makuha yung cellphone mo, nagkamali lang talaga ako ng kuha." I explained to him, he just staring at me hindi umiimik at nakatitig lang sa akin. "Promise, hindi ko talaga pinaklman yan. I have so many problems, marami din akong iniisip ng oras na yun kaya hindi ko napansin."

Rinig ko ang mahinang pagtawa niya. "It's just okay. Anong pinapulis ba ang sinasabi mo?"

"I heard my name kase kanina sa katawagan mo. You said Patricia David Castro."

Tumawa pa ulit siya. "Do I need to explain?" Inayos niya ng bahagya ang tuwalya na nakapulupot sa kanyang bewang, parang hindi mahigpit ang pagkakapulupot kaya kaunteng galaw lang nito malalaglag na ang tuwalya. "Okay, my friend ask."

"Huh?"

"Tinanong niya kung sino ba daw yung kasama kong babae nung gabi na nasa condo kita, So binanggit ko ang pangalan mo. Nung gabi na yun, I have speacial event nalate ako dahil hindi naman kita pwedeng iwan dito sa condo ko. Tumawag ako ng medic para mag assist sayo pero sakto naman at nagising ka na." Saad niya, hindi ko naiwasan na alalahanin ang mga sinabi niya sa akin ng gabi na yun. NANAGINIP AKO NUNG ARAW NA YUN! "Yun lang yun, hindi kita pinapulis, kung pinapulis kita edi sana pinusasan na lang kita." Bigla akong napatingin sa sinabi niyang yun.

"Pinusasan? Bakit pulis ka ba?" Napailing siya at mahinang napatawa.

"Napakaganda mo naman kung ipapakulong kita." Sobrang hina ng pagkakasabi niya kaya naman hindi ko gaanong dinig, napukaw ng atensyon ko ang mabangong aroma na galing ata sa kusina niya. "Wait me for a seconds." Mukhang nagluluto nga siya dahil nagmamadali siyang pumasok sa loob.

Biglang kumalam ang sikmura ko dahil dun. Hindi nagtagal ay bumalik din naman siya, nakahinga ako ng maluwag dahil nakasuot na siya ng damit at short. "Yun lang ba pinunta mo dito?" Saad niya.

Tumango ako, yun lang naman talaga. Kumalam pa ulit ang sikmura ako, nanlaki ang mata ko dahil hindi ako nagkakamali nadinig niya yun. "Gusto mo bang dito na lang mag dinner?"

Umiling ako dahil kakahiya naman kung papayag ako ngunit hindi nakikisama ang sikmura ko dahil tumunog na naman ito. Kakakain ko lang, nung naamoy ko lang ang niluluto niya bigla naman akong nagutom.

"Sobrang kakahiya." Napatawa ulit siya dahil dun.

"C'mon, dito ka na mag dinner." Aya niya sa akin.

Papayag na sana ako ngunit nang magsasalita ako ay bigla na lang may sumingit. Tumingin ako sa pinangalingan ng boses na yun. I saw a sophisticated woman, she's wearing a dress that really suits in her curvy body. Kung makinis ako, napasobra naman ang kinis ng babae. Umagaw din ng pansin ang buhok niyang nakatali, sobrang bumagay sa kanya yun. Tumingin ako kay Carlton at bakas din ang pagkagulat sa mukha nito.

Gusto kong magsalita ngunit sumingit na naman ito. "Carlton, hindi mo man lang ba ako papapasukin?" She said at bahagyang humalik sa pisnge.

May Girlfriend na pala siya, nakaramdam ako ng kaunteng kirot na hindi ko naman alam kung bakit ko ito naramdaman. Para akong nagsilbing statwa na nakatayo sa gilid habang sila ay masayang nag uusap.

"Sobrang namiss kita." Si Carlton at niyakap pa ito.

Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw umalis ng sarili ko sa pagkakatayo. Tiningnan ako ng babae mula ulo hanggang paa, halata sa kanya ang pagiging mayaman. "Sino siya?" Turo sa akin ng babae.

Hindi ko na hinintay pa na makasagot si Carlton, I walk out, narinig ko pa ang pagtawa ng babae. Pinagtatawanan nila ako? Maling desisyon talaga na magpunta, bakit ba ako nagpunta dun, Hindi ko naman lubusang kilala si Carlton. Sa totoo nga lang ngayon ko lang naman ito nakausap ng matagal.

Nalulumabay akong bumalik sa condo, kaya pala naman pala sobrang makatingin sa akin ng staff kanina. Baka akala nga kabet ako ni Carlton, hindi ko naman alam na may girlfriend na ito at sadyang nagkataon lang. Nagkakataon lang na nagkakatagpo kaming dalwa. I just really don't have peace of mind kaya pumunta ako dun.

Pilit ko pang kumbinsihin ang sarili ko dahil sa nangyare, pinagsisisihan ko kaseng pumunta pa ako. Naalala ko pa ang mga iniisip ko kay Carlton kanina.
"C'mon Patricia, Hindi mo siya pinagnanasahan. Tumingin ka lang kase..." Huminga ako ng malalim. Sobrang dami ko ng iniisip dapat ang unahin ko ay sarili ko, ang sitwasyon ko. Pabagsak akong humiga sa kama, I just look up. Di ko maintindihan ngunit bigla akong napaluha. "I'm so tired." I whispered. Mabigat ang pakiramdam ko sa hindi malamanh dahilan. "Someday magiging masaya din ako, magagawa ko ang mga bagay na gusto ko na hindi kinokontra ng sarili ko." I sighed, pinilit na pakalmahin ang hindi mapakaling sarili.

....
A/N:
Birthday ko po kahapon kaya di nakapag update.

Please support me on dreame: S3CR3TLY

Happy reading ❤️

Lustful Desire Series #2:Carlton Del RiosOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz