Kabanata 9

77 4 0
                                    

Kabanata 9

Love

"Because I like you." Paulit ulit pumasok sa isipan ko mga katagang iyon. Sa daming nangyare sa akin kahapon ay iyon lang ang tanging pumasok sa isip ko. Bigla tuloy nawala ang takot ko na baka balkan ako ng lalaki sa labas, nakalimutan ko din ang nakakatrauma kong panaginip.

Ilang araw lang kaming magkakilala ni Carlton at ngayon sinasabi niyang gusto niya ako? Impossible naman. Nung araw na yun hindi ako pumayag na sa condo niya mag stay, lalo pa at sobrang nailang na ako. Nang umamin siya hindi ako makapagsalita, sobrang dami pa niyang sinabi ngunit hindi yun pumasok sa tenga ko.

Kinalma ko ang sarili ko, tirik na ulit ang araw. Gusto kong magjogging sa labas ngunit natrauma ata ako dahil baka may mangyare na namang hindi maganda. Hindi ako nakatulog kagabi, di ko alam kung sa nangyare ba o sa sinabi ni Carlton sa akin.

Sobrang dami kong isipin gusto kong mapag isa lang at hayaan ang sarili na makapag isip ng ayos. Maya maya lang ay biglang tumunog ang doorbell, sinilip ko sa pip hole kung sino yun. Agad kumalabog ng mabilis ang puso ko, parang kaunti na lang mawawalan na ako ng hininga at di kakayanin sa sobrang bilis ng tibok nito.

Anong kailangan niya dito? Wala sa sarili na inayos ko ang sarili ko at bahagya pang tumingin sa salmin. Ilang segundo pa ay napahampas ako sa noo. "Why I'm so nervous? Si Carlton lang naman yun." I talk to myself.

Hawak hawak ko ang doorknob nangangamba na pagbuksan siya ngunit baka isipin niya na masama ang ugali ko, tinulungan na nga ako hindi ko pa pagbubuksan.

I open the door, lumantad sa akin ang napaka gwapong mukha ni Carlton del rios. My knees are trembling because of his presence. Humawag ako sa may pintuan dahil pakiramdam ko mabubuwal ako ilang sandali na lang.

I look at his outfit, mukhang pupunta ata ito sa gym. Nakasuot kase ng pants at nakasando, his abs and ribs are so visible parang gusto ko itong hawakan para malaman kung tunay.

"Let's go." Aya niya na ipinagtaka ko.

Wala naman siyang sinabing pupuntahan. At kung may sabihin siya hindi naman ako sasama. "Huh?"

He chuckled. "Tulala ka kase kahapon kaya di mo alam kung anong sinabi ko at kung anong tinugon mo."

Lalo pa akong nagtaka, sa pagkakatanda ko ay  hindi naman ako tumugon sa sinasabi niya. Nakatulala lang ako habang siya salita na ng salita. "Sinabi ko na sasamahan kitang mag gym at tumango ka."

"H-hindi ko alam." Now I'm sluttering. "S-sorry." I added.

Napangiwi pa ako dahil mukhang nadissapoint ata siya. "Hihintayin na lang kita kung ganun."

Tumaas ang kilay ko, hindi ako pwedeng sumama sa kanya bukod sa naiilang ako ayaw ko na ding palalain ang kung ano mang dulot niya sa akin. "H-hindi kase ako makakasama." Baka makita din kami ng childhood friend niya na magkasama, baka kung anong magawa niya sa akin.

"No, sasama ka sa ayaw at gusto mo. It's for your health." Hinawakan niya ako sa braso at dahan dahan ako hinila. Kahit na ganto ang suot ko talaga bang isasama niya ako? "Kung nag aalala ka tungkol sa nangyare kahapon. Don't worry ang mga g*go na yun ay nasa kulungan na."

Huminto ako at inalis ang pagkakahawak niya sa braso ko. Mabait naman ito pero may nararamdaman talaga akong parang mali, siguro dahil takot din ako na baka masaktan kung hahayaan ko ang sarili. "You know what Carlton, thank you for helping me but please stop being like this."

Kumunot ang noo niya. "Why? I like you patricia."

Those words, made my heartbeat so fast. "Carlton." I whispered. Tumalikod ako sa kanya at pumikit. I'm not yet ready, tama naman ang sinabi ni sarry na nasa tamang edad na ako para magka boyfriend pero natatakot talaga ako.

Lustful Desire Series #2:Carlton Del RiosWhere stories live. Discover now