"You weren't answering our calls."

I looked up to him but immediately turned my head away from the intensity of his eyes. "I forgot to tell you about our schedule, dalawang oras lang kami ngayon and my phone died."

Bumukas ang elevator, iginiya niya ako sa opisina niya. Hindi pa rin natatanggal ang nakapulupot na braso sa akin.

"How did you got here?" Sumilip siya sa relo niya. "Kanina ka pa naghihintay?"

Gusto ko siyang pakalmahin sa mga tanong niya. He's always a reserved man in front of me, ngayon lang siya ganito na parang naiinip ang mga salitang lumalabas sa bibig niya.

Humiwalay ako sa kanya at umupo sa sofa na naroon, his office has the same theme of his office at the house ang kabihan lang ay ang malawak na glass window sa likod kung saan tanaw ang mga gusali mula sa malayo.

I tilted my head atsaka napatango, "Oo, dumeretso ako rito... sumakay ako ng taxi." medyo natuwa ang boses ko sa huling sinabi. "That's my first time," Hindi ko naiwasang idagdag. I can't help but to share that to him, it is somehow fulfilling to do.

Nagpakawala siya ng hangin at lumapit sa intercom, "Buy a lunch from Eleste Resto, for me and my wife."

Iginilid ko ang labi ko, I bit the inside of my cheek habang kinukuha ang cellphone sa loob ng bag. I look around to find where I can charge my phone. Nahagip ng tingin ko ang mga papel na nakapatong sa lamesa. It looks many behind the glass desk name plate where his name is curved—Sawyer Winston I. Savedes and underneath is President and CEO.

"Let me charge your phone." Humarang siya sa paningin ko at inilahad ang kamay. Ipinatong ko naman iyon doon, wala rin naman akong dalang charger.

--

"You look really hungry, don't do that again next time." His voice is laced with concern, it's making me happy kahit hindi ko naman sinasadyang dalhin ang phone ko na palobat na pala.

We are now eating at his office, hindi naman ako gaano gutom dahil sa kinain ko kanina noong naghihintay pero hindi ko maiwasan damihan ang kain ko dahil masarap talaga ang pagkain sa restaurant na inorderan niya.

"Sorry," ang tanging nasabi ko. Binuksan ko ang phone ko sa gilid ng sofa na inuupan ko, dito ko na kasi chinarge. It finally opened and a lot of missed calls greeted me.

Unti-unti kong naintindihan ang nangyari, Kuya Chase tried to call me too, natawagan ko pala siya saktong namatay lang ang phone ko.

Biglang nabaling ang atensyon namin sa pinto, pagkatapos ng katok ay bumukas na lamang iyon. I looked at Sawyer na kunot-noong nakatingin sa pintuan.

Linuwa ng pinto ang isang matangkad na babae, kumunot ang noo ko. She's wearing a tube fitted dress, hapit na hapit iyon sa magandang kurba ng katawan niya. She's gorgeous, hindi ko itatanggi iyon.

Napatingin muli ako sa suot ko, I don't look like a woman unlike her. Siya 'yung tipo ng babae na lilingunin ng mga tao sa paligid, maski kasi ang boots na suot nito ay pulang makintab.

"Winston!" Puno ng galak ang pagtawag niya rito, umupo pa siya sa tabi nito at agad na kinabig ang braso.

Inalis ko ang pagkakakunot ng noo ko at pinagmasdan sila sa harap ko.

Hindi naman sila bagay, I mean oo nga bagay sila.

Mukha namang hindi napansin ng babae ang presensya ko sa harap nila, tuloy lang siya sa pagsubok na kunin pabalik ang braso nang alisin iyon ni Sawyer.

And what did she call her? Winston? Close talaga siguro sila?

"What are you doing here, Megan?" tanong ni Sawyer at tumayo.

Kinuha ko ang tubig at pinanood sila habang umiinom.

"I want to see you, you always ignore me." Humalukipkip itong pumirmi sa sofa na nasa harapan ko. Her eyes suddenly gazed at me, nag-angat ang isang kilay niya at pinagmasdan ang kabuuan ko.

Tinignan ko lang siyang gawin iyon sa akin. Nagawi ang tingin niya sa mga pagkaing nasa harapan namin, "Why is a girl eating here?"

Hindi ko siya sinagot. Nagtataka lang ako sa pagtataray na ibinibigay niya sa akin, no one had ever done that to me except Chain. So who is she? Hindi ko naman siya kilala kaya bakit niya ako tinataasan ng kilay.

"Stop looking at my wife like that," mariing saad ni Sawyer na nagpanganga sa kanya.

Inis itong tumayo at nagpabalik ng tingin kay Sawyer at sa akin.

"Your wife? Since when you got married?" Hindi makapaniwalang aniya. "And a girl? You're ignoring me for a girl? I bet she haven't even finished school yet."

Pinigilan kong magsalita, totoo naman. I'm still a student but what does it has to do with her? Kung gusto niya ang asawa ko, edi sana inalok niya ng kasal noon para hindi ako ang pinakasalan niya.

Napangiwi ako. Parang sumama ata bigla ang lasa ng laway ko sa naiisip ko, if that would be the real case...

"You don't care Megan. Leave us," his stern voice almost made me quiver.

Lumingon muli ang Megan sa akin, itinaas niya muli ang isang kilay na napatingin sa kamay ko, sa relo ko mismo. "Oh, you look rich. I guess this is just an arranged marriage," sabi niya na parang sigurado sa napagtanto. "After all, you're into a woman not just a girl who looks pampered kaya walang kayang gawin."

What is she saying? Paano siya nasisigurado sa mga sinabi niya? How does she manage to notice that, at tama naman siya?

"I said l—" Sawyer was cut off by Megan.

"Mas maganda kung mag-aasawa ka ng kaya kang alagaan Winston, like me." She confidently said.

And I admit, it irritates me because she has a point.

Kahit pa gusto kong sabihin na siya iyong mukhang ganoon din.

Free the real feels (Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat