I sighed and opened my phone again, pipindutin ko na sana ang number ng asawa ko kaso nga lang ay hindi ko maiwasan mangamba kung baka may meeting siya o ano. I decided to call Kuya Chase instead, saktong pagkatawag ko ay biglang namatay ang selpon ko.

Napahawak ako sa noo ko, really? Bakit hindi ko naalalang i-charge ang selpon ko? Bakit ngayon pa?

No choice, hindi malalaman kung paano magcommute kung di ko susubukan.

Itinago ko ang phone sa bag at hinanap ang wallet, habang hinahanap ko ito ay naririnig ko ang nag-uusap sa gilid. Why are they whispering so loud? Bulong pa ba iyon?

"You don't know her? That's taken pare,"

"Taken? Nakita mo na boyfriend?"

"Married. She's Savedes,"

Nakarinig ako ng pagsinghap pero hindi na ako nag-abalang tignan. Why is Sawyer so known? Sa pagkaka-alala ko ay hindi naman niya dito tinapos ang pag-aaral niya.

"Oh. If I were too, hindi ko na papakawalan."

"Well, yeah."

Napabuntong-hininga ako ng makita ang ilang libong nasa loob ng wallet pagkabukas ko. I don't even know how Sawyer manage to put a money here. I already told him I don't need it, or at least not this much. Katulad ngayon, hindi ko naman nagastos dahil saglit lang. Kahit naman regular class, hindi naman ako magastos sa pagkain.

May mga shops din ng stationery, books and some personal items sa loob pero wala naman akong balak bumili. Tuwing uuwi ay ibinabalik ko ang pera sa ibabaw ng lamesa sa office niya and then the next day, during lunch time saka ko lang naalala ang pitaka ko na siya mismo ang naglagay sa bag ko noong first day.

I started using it that day and he started putting money since then. I can't help but to think kung anong oras siya pumapasok sa kwarto ko para lagyan ng baon ang wallet ko.

Ang laging sagot niya lang naman sa akin ay baka maisipan kong bumili. Even if I need to buy, I can use my cards which the two is from him too. He doesn't have to put a ten thousand bills in my wallet everyday. Does he really thought na gastasera ako? Alam ko namang sobrang yaman nila, pero kahit naman mayaman ang pamilya ko ay hindi ako ganoon.

Inangat ko ang kamay ko para patigilin ang taxi, I saw them do it kaya ginaya ko. Hindi naman ako kinulong o taga-tagong lugar para maging mangmang sa ganitong bagay but honestly, I really don't know.

Kaya mas okay na tignan kung paano talaga ginagawa sa totoong buhay, malay ko bang parehas lang ng mga nasa palabas.

Pagkapasok ko sa taxi ay napatingin pa ako sa mga pagkaing nasa unahan, mahinahon akong nagtanong kung magkano ang pamasahe at sinagot naman akong depende sa pupuntahan. I didn't realize I need to memorize our adress kaya binanggit ko ang kompanya ni Sawyer.

In just a span of 15 minutes, nandito na kami sa harap ng building nila. Agad na inabot ko ang isang libo kay manong.

"Nako, Ma'am. Maaga pa ho, wala akong barya." He apologetically said. "150 lang ho ma'am."

I bit my lip, wala akong barya. Sana pala ay bumili muna ako sa loob, I would like to say keep the change but I don't like the thought of having the impression to look rich. 

Itinuro ko ang mga tsitsirya at inumin sa harapan, "Pabili na lang ho ako ng...Ano po bang pinakamahal?"

Huli ko na napagtanto ang itinanong ko. That's the same, ang pangit ng itinanong ko... parang hindi ako makapaniwalang nanggaling sa akin iyon.

"Ah, nagugutom na po kasi ako," I awkwardly chuckled.

Tumawa na lamang si manong sa akin at iniabot ang kilalang bottled juice at malaking tsitsirya.

"Salamat ho, sa inyo na po ang sukli."

Bago pa ako makalabas ay natutuwang laking pasasalamat pa ang sinabi sa akin na nginitian ko na lamang dala-dala ang pagkain.

Tumingala ako sa matayog na building, this is my first time to go here. Noong wala pa akong pasok ay hindi naman niya ako naisama rito, my mother-in-law wants to hang-out with me while I'm still on vacation kaya doon niya ako hinahatid.

Nakita ko ang ilang tao na nagsisipasukan at labas, napatingin ako sa suot ko. I'm just wearing a hoodie and leggings, hindi naman ako empleyado rito kaya ayos lang naman atang ganito suot ko. Umakyat ako at lumapit papasok sa entrance pero pinahinto ako ng guard.

"Ineng," Lumingon ako rito, bahagya pa itong nagulat na ipinagsawalang bahala ko na lamang at hinintay ang sasabihin. "Ah, papasok ka ba? May kakilala ka sa loob?"

"Meron ho," maikling sagot ko. Bawal ba pumasok ang hindi nagtatrabaho rito?

Tumango-tango ito sa akin, "Magsabi ka na lang diyan sa babae." Itinuro niya ang nasa reception area. "Halatang mayaman ka naman kaya hindi na kita hihingan ng ID."

Saglit na kumunot ang noo ko, anong konekta noon sa mukha akong mayaman? May ID naman akong pwede ipakita pero imbis na ilabas ay nagpasalamat na lang ako at dumeresto sa lobby area bago nilapitan ang babaeng itinuro ng guard.

"What can I do for you Ma'am?" She quickly asked nang lumapit ako. Ngumiti siya akin.

"Saan ba ang office ni," Napahinto ako. Ano bang tawag nila sa boss nila? Nag-alangan ako ng sasabihin saglit, "Mr. Savedes?"

Medyo nabawasan ang kanyang ngiti, sinipat siya saglit ang kabuuhan ko bago alanganing nagsalita. "May appointment po ba kayo? I'm sorry, ma'am pero kailangan kasi muna noon," paumanhing saad niya.

She looks so sorry for not being able to comply to what I need.

I smiled, "Ayos lang... Can I wait here instead?" tanong ko. Kahit tinanong niya ako ay alam niya na agad na wala akong appointment.

She nodded, "Of course ma'am!" Ang cheerful niyang tao.

Free the real feels (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon