"Ilang oras na ang nakalipas Lucio. Mabuti nalang at lumaban ka." Nakangiti kong sambit sa kanya.

Declared as coma tose patient si Lucio ngayon pero sabi naman ng Doctor minimal lang naman daw.

May pag asa pa rin na bumalik sa dati ang buhay ni Lucio.

Habang nakaupo ako sa tabi ni Lucio at nag babantay ay nakasagap ako ng balita mula sa kaibigan kong si Alma.

Tumawag siya sa akin para ipaabot kung ano ng status ni Celine sa kulungan.

Nag ring ang cellphone ko at agad ko itong sinagot.

"Alma? Bakit? Anong meron?" tanong ko agad sa kanya.

"Nasa hospital daw si Celine,"

"Ooh? Nakalaya na siya agad?" Gulat na tanong ko sa kanya.

"Bukod sa abswelto siya ay nasa hospital siya ngayon,"

"Anong ginagawa niya sa hospital?" tanong ko muli sa kanya.

"Bukas mo ang television diyan. Nasa balita si Celine ngayon."

Agad kong binuksan ang TV at nakita ko ang harapan ng kotse ni Celine na barag-barag at yupi-yupi.

Balita mula sa kalye-patrol

Dalawang bata at isang buntis ang naaaro ng isang sasakyan dito sa kahabaan ng kalayaan avenue. Ayon sa nakasaksi ay mabilis ang patakbo ng kotse na nakabangga at ito ay beating on the red light pa kaya nabangga ang mga biktima dito mismo sa pedestrian lane.

Reporter: "Ano pong eksaktong nangyari dito?" tanong niya lalaking nakakita.

Witness: "Parang nasa karerahan ang bilis ng andar ng sasakyan na nakasagasa sa mga biktima. Hindi siya nakapreno agad kaya yung mga bata ay tumilapon sa hangin sabay bangga ng kotse sa malaking puno,"

Reporter: "Nakikilala niyo ho' ba ang nakasagasa?"

Witness: "Sabi dito sa amin yung babaeng nakabangga ay mula sa kilalang pamilya dito sa atin,"

Reporter: "Anong mga hakbang po ang ginawa ninyo?"

Witness: "Syempre ho' tumawag ako agad ng ambulansya tapos ay nakilala ng mga tao dine sa amin ang babaeng nakasagasa,"

Reporter: "Sino po?"

Witness: "Sabi nila si Celine daw yun. Yung nasa magazine. Kilala kasi yung babae na yun dito kasi idol nila yan,"

Reporter: "Celine Andres? Yung co-owner ng candy magazine?"

Witness: "Opo."

Narinig po natin ang isang interview ko sa witness. Will be right back para sa susunod na showbiz update!

"Gosh!" Sigaw ko nalang. , "Halang na talaga ang lamang loob nitong babae na 'to! Grabe! Hindi na siya mag babago alam ko ico-cover up na naman niya ang kaso na 'to. Grabe! Multiple murder."

Napapailing-iling nalang ako sa balita na narinig ko. Habang nasa tabi ako ni Lucio.

"Gianna! Please help Lucio!" bigla ko nalang nasambit.

Alas tres na ng madaling araw at gising na gising pa din ako.

Habang nakaupo ako sa tabi ni Lucio ay dumating si Fernando kasama ang asawa niyang si Andrea.

Agad akong niyakap ni Andrea dahil sa lungkot na nararamdaman naming lahat.

"Kamusta? Anong balita?" paulit-ulit na tanong ni Andeng sa akin.

"Ito unconscious pa din si Lucio pero stable naman na ang breathing niya kaya wag na tayo masyadong mag alala,"

"Ayun nga nabalitaan ko ang nangyari sa kanya dito kay Fern tapos nagulat lang talaga ako sa nangyari. Bakit sobrang gulo? Anong inugatan?" Naguguluhang tanong niya sa akin.

"Itong Celine na 'to nagpapasama sa boutique para bumili ng gamit niya kasi inaabangan daw talaga niyang yung latest design ni Bella. Co tapos itong si Lucio na lutang-lutang na naman kakaisip kay Gianna kaya ayun nakauwi ng bahay itong si Lucio at nag mukmok sa kwarto ni Gianna. And syempre ang Lolo mo nagwala kaya tinurukan ng pampakalma at pampatulog. Then sumugod ngayon si Celine sa bahay nila at ayun nag away sila at nag pang abot. Ayun! Nabaril si Lucio," paliwanag ko.

"Kinikilabutan ako kay Celine. Nakakatakot siya,"

"Complete develop as a Demon na yan! Jusko! Nasa balita siya now at nakapatay ng tatlong Tao!" Galit kong sambit.

"What?" Singit ni Fernando.

"You heard it right!" sambit ko sa kanila. , "Nakapatay siya ngayon lang at nasa C.A. hospital siya ngayon dahil na fracture daw ang kamay niya dahil sa accident,"

"She is totally insane! Hon, wag kang lalapit kay Celine,"

"Oo naman!"

Medyo na at ease ako ng kaunti dahil nagkaroon ako ng mga kasama sa ospital.  Nagbantay muna si Andrea at Fernando dito habang ako naman ay natutulog sa sofa.

Probinsyana Series: BOOK 2 - WHEN YOUR LOVE IS GONEWhere stories live. Discover now