Prologue- ENDING

29 2 14
                                    


MABILIS ang mga hakbang ni Michelle nang gabing iyon papunta sa isang parke, kung saan alam niyang naghihitay sa kanya si Alvin.

Nakasuot si Michelle ng isang pink raffled dress na tinernuhan niya ng kulay beige flat sandals. May kataasan kasi ang height niya kaysa sa ibang babae kaya hindi siya malimit na gumagamit ng mga sapatos na may takong.

Mayamaya pa ay narinig niya ang pagtunog ng kanyang cellphone. May tumatawag. Kaagad na kinuha ni Michelle ang gadget sa loob ng kanyang dalang white sling bag.

"Hello?" aniya nang sumagot sa cellphone.

"Hello, Michelle? Nasaan ka na?" si Alvin iyon.

Awtomatiko namang gumuhit ang ngiti sa bahagyang kulay pulang labi ni Michelle nang marinig ang tinig ng binata.

"Malapit na ako, sorry," hinging-paumanhin niya.

"Hindi, okay lang. Salubungin na kaya kita?" tanong ng binata sa kabilang linya.

"Hindi na kailangan," wika ng dalaga. Mula kasi sa kinaroroonan niya ay nakikita na niya si Alvin na nakatayo malapit sa isang bench sa parke.

Ang parkeng iyon ang madalas nilang tambayan ng binata sa tuwing pauwi sila galing sa trabaho. Pareho kasi silang nagtatrabaho sa isang sikat na restaurant sa bayan ng Dasmariñas, Cavite; siya bilang chef assistant at ang binata bilang restaurant manager.

Day-off niya nang araw na iyon at kalalabas lang marahil ng binata galing sa restaurant.

Mas binilisan pa ni Michelle ang paglalakad hanggang sa makalapit siya sa likod ng binata na wala pa ring malay sa pagdating niya. Huminga nang malalim ang dalaga at mula sa likuran ng nakatayong si Alvin ay malaya niyang pinagmasdan kabuuan nito, mula sa malapad nitong mga balikat, sa katamtamang laki ng katawan, sa nakaaaliw na korte ng katawan nito na kinaiinggitan ng marami nilang mga katrabaho at pati ang lalaking-lalaki nitong tindig. Kaya naman, hindi na kataka-takang marami ang nagkakagusto sa binata at hindi na siya iba sa mga iyon.

Maliban sa isang bagay.

Silang dalawa ni Alvin ay may kakaibang koneksyon na nagsimula noong araw na magtama ang mga mata nila bago ang interview sa restaurant, may anim na buwan na rin ang nakararaan. Nang araw na iyon, naging magkaibigan na sila.

Six months na din simula nang maging ganito kami, sabi niya sa sarili na ngiting-ngiti.

Ilang sandali pa ang pinaraan niya bago niya tinapik ang likod ng binata.

"Uy!" panggugulat ni Michelle.

Kaagad naman siyang nilingon ni Alvin. "O, nandyan ka na pala, eh. Dapat kasi talaga sinundo na lang kita."

"Hindi na, 'no," sagot niya. "Mas mapapalayo ka pa. Alam kong pagod ka sa trabaho, kaya nga nagulat ako nang tumawag ka kanina."

"Wala lang," nakangiting sabi ni Alvin.

"Wala lang?" Nagsalubong ang mga kilay niya ngunit nanatili siyang nakangiti.

Hinawakan ni Alvin ang isang kamay ni Michelle na ikinagitla ng huli. Iyon kasi ang kauna-unahang beses na sinadya siyang hawakan ng binata. At kaagad niyang naramdaman ang tila kuryenteng dumaloy mula sa kanyang mga palad patungo sa kanyang sikmura na nagrarayot na ng mga sandaling iyon dahil sa pagkakadaiti ng kanilang mga balat.

"Halika," sabi ni Alvin at iginiya siya sa kahoy na upuan. Sinadyang maglagay ng mga ganoong upuan doon para sa mga taong namamasyal sa parke. "Maupo tayo dito. Mahirap na nakatayo lang tayo."

Tagpuan Series 1: LOVE STILL REMAINSWhere stories live. Discover now