Chapter 3: PART 1 FINALLY!

23 1 0
                                    


KINABUKASAN, maagang nagising si Michelle para mag˗bake ng moist chocolate cake para sa kanila ni Janella. Pa˗thank you niya sa kaibigan sa pagpapatuloy sa kanya nito sa bahay nito.

Habang nagbe˗bake si Janella ay nasa sala naman ang mga aso niya at ipinagpapatuloy ang pagtulog ng mga ito na naudlot dahil bumangon na siya.

Pagkaraan ng halos isang oras ng pagbe˗bake kasama na ang preparasyon ay handa na ang cake. Kasunod ay nagprito siya ng dalawang sunny side ups, hotdogs at nag˗toasted ng tinapay na nilagyan niya ng margarine para sa almusal. Inihanda na rin niya ang brewed coffee na iinumin nila.

Nang handa na ang lahat at naihain na niya ang mga pagkain sa mesa ay inihanda naman niya ang pagkain para sa mga baby niyang sina Princess at Veena. Kaagad naman nagbangon ang mga alaga niya sa pagkakahiga sa mat sa sala nang tawagin niya at dumeretso sa kusina. Kumakawag˗kawag pa ang buntot ng dalawa na parang tuwang˗tuwa ang mga ito na siya na uli ang magpapakain sa dalawang aso.

Nang kumakain na nag dalawang aso ay akmang pupuntahan ni Michelle ang kaibigan sa kuwarto nito ngunit hindi na niya naituloy dahil nakita na niya si Janella na pupungas˗pungas habang naglalakad papunta sa kusina.

"Morning," bati sa kanya ni Janella. Humihikab pa ito habang mahinang tinatapik˗tapik ng isang kamay ang bibig.

"Good morning!" bati rin niya. "Hindi ako nagsangag at nagsaing, since alam kong hindi ka naghe˗heavy breakfast."

"Nakapaghanda ka na kaagad ng almusal?" tanong nito sa kanya kasabay nang pag˗upo sa silya nito.

Wala naman talagang isasangag si Michelle dahil hindi rin sila kumain ng kanin nang nagdaang gabi. Pasta kasi ang iniluto ng kaibigan at pinakain lang din siya ng beef steak at tinapay dahil gabi na at baka hindi siya matunawan.

Kaya naman, nagkasya na lang si Michelle sa mga light meal pero binusog niya ang sarili para hindi siya magising nang sobrang aga para kumain uli. Naiintindihan naman niya ang kaibigan sa mga ganoong bagay dahil concern ito sa kalusugan nila pero ams concern ito sa body figure nito na madalas ay ikinatatawa na lang niya.

"May cake?" tanong ni Janella. "Ang aga mo palang nagising?"

Tumango siya bilang sagot. "Yup!" Tumingin pa siya sa orasan, alas syete pa lang ng umaga pero ready na sila sa almusal na may cake. "Kakain ka ba ng cake ngayon?"

"Aba, oo naman! Pero, konti lang," sabi nitong nakangiti.

Habang kumakain ay nagkukuwentuhan silang magkaibagan at nagtatawanan. Mayamaya pa ay tinanong na niya ito tungkol sa Tagpuan Café.

"Paano mo nalaman ang tungkol sa Tagpuan Café?" tanong ni Michelle.

Uminom muna ng kape si Janella bago sumagot. "Nakarating kasi ako roon sa park noong nag˗away kami ng parents ko about Charlene. So, hayun, naisipan kong magkape at nakita ko ang café na iyon. Maganda ang ambiance niya. Welcoming at heartwhelming. Isama na natin na talagang ang babango ng mga kape nila. And in addition, bread and pastries are delicious, too."

"I see," tumatangong sabi niya. "Doon mo ako pinapunta para magkita tayo kasi?"

"Kasi gusto kong makakuha ka ng idea sa café na iyon. Isa pa, alam kong gusto mo rin makilala sa larangan ng baking, kaya why not di 'ba? Support kita d'yan."

"Paano mo ako isu˗support, aber? Di ka naman marunong mag˗bake."

"Ay, grabe siya!" nakasimangot na sabi ni Janella. "Hello! Baka nakakalimutan mo na business partner din tayo. Kung hindi ako marunong mag˗ake, edi idadaan ko sa financial support. Puwede ring turuan mo ako, pero sa cakes lang ha? Ayokong nagmamasa. Masakit sa kamay."

Tawa naman ang isinagot niya. Kahit kailan talaga, walang tiyaga sa kusina ang kaibigan niya. "By the way, aalis ako mamaya para pumunta sa bahay ko. Maglilinis muna ako roon pero dadalhin ko na ang mga gamit ko."

"Kasama na sina Princess at Veena?"

Biglang tumahol ang dalawang aso. Nakaramdam yata na pinag˗uusapan nila ang mga ito.

Tumawa naman siya. "Oo naman, kasama ko na sila mamaya."

"Sige. Baka mamaya isipin nang dalawang iyan na ayaw mo na sa kanila. Lagi mo silang iniiwan, eh."

Napabuntong˗hininga naman si Michelle. Wala siyang masasabi tungkol doon dahil guilty siya. Kahit pa sabihing iniiwan niya sa kaibigan niya ang mga alaga ay nag˗aalala pa rin siya. Para kasi sa kanya, parang tao rin ang mga alaga niyang aso. Naghihintay ang mga ito ng sapat na atensyon mula sa totoong nag˗aalaga.

"Hindi na ako aalis, uli," sabi niya kapagkuwan.

"Good─ wait, really?" nagulat na tanong ng kaibigan.

Tiningnan niya ito at kunwaring tumawa siya. "O, bakit parang gulat na gulat ka?"

"Gulat na gulat talaga!" mabilis na sagot nito. "Imagine, after of several years, sa wakas mapipirmi ka na rin!" Masigla at masaya si Janella. Tumayo pa ito at niyakap siya. "Finally!"

"Finally, what?" natatawang tanong niya.

"Finally, ako naman ang makakagala at makakapaglakwatsa. Ikaw naman ang magbantay sa bakery natin." Tumawa nang malakas ang kaibigan nang makitang kumunot ang noo niya at halatang tumututol siya. Bumalik na rin ito sa kinauupuan at kumuha ng isang sclice ng moist chocolate cake na ginawa niya.

"Aalis lang ako kapag nakauwi ka na sa inyo at may prepared ka nang plan para sa business natin," sabi pa ni Janella.

"Ibig sabihin, hindi ako gagawa ng plans para hindi ka makaalis," aniyang nagbibiro.

"Ang bad mo!" Salubong ang mga kilay na sabi ni Janella sabay subo ng cake sa bibig nito.

Sa pagkakataong iyon, siya naman ang tumawa nang malakas.


. . . B L U E F O R T E S . . . 

Yayımlanan bölümlerin sonuna geldiniz.

⏰ Son güncelleme: Mar 20, 2021 ⏰

Yeni bölümlerden haberdar olmak için bu hikayeyi Kütüphanenize ekleyin!

Tagpuan Series 1: LOVE STILL REMAINSHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin