4 Words To Say Goodbye

406 185 186
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, Characters, Businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead, and events is purely coincidental.

PLAGIARISM IS A CRIME!

***

CHESKA

Ballesteros, Cagayan


"MA'AM CHESKA, kailangan niyo pang kumain! Ma'am Cheska!" Rinig kong sigaw nurse ko na pilit akong hinahabol.

"Habulin mo'ko!" Tumawa ako at nag-simula nanamang tumakbo sa mga pasilyo.

Agad naman akong hinabol nito, pero sa kabila ng pagtakbo ko mas lalo ko pang nakita ang hospital na kinalakihan ko. Dahilan para bumalik sa akin ang mga alaala ko rito.

I'm still 17, but I suffered pain.

Emotionally, Physically, and Mentally.

I'm a girl, who suffered a lot.

A girl who never thought that one day, she'll say goodbye.

A girl, who's living in a hell. A dungeon of hell.

Napatigil ako sa pagtakbo ng may mabangga akong lalaki. Agad akong napaupo habang siya naman ay masamang tinignan ako.

Pero bigla akong napatingin sa kaniya ng tumawa ito.

That's when I realized that my bonnet dropped, flexing my bald head.

I felt the familiar hot liquids through my eyes. Hindi ko agad napigilan at napahagulgol na lamang at patakbong lumabas.

Hindi ko alam kung saan ako papatungo pero huminto lamang ang mga paa ko sa rooftop rito sa hospital. Umupo ako sa may bench at doon umiyak ng umiyak.

Nasa kalagitnaan ako ng pag iyak nang narinig Kong bumukas ang pintuan sa rooftop.

Napatingin ako roon at nakita ko iyong salbaheng lalaki kanina. Pasiring kong inalis ang tingin sa kaniya at tumayo. Hawak ko na ang doorknob ng pintuan bigla siyang mag salita.

"Sorry,"

Humarap ako sa kaniya pero agad akong napairap nang makita ko siyang parang natatawa.

"Sorry? Kaninin mo iyang sorry mo!" Pagtataray ko tsaka ako pumasok sa hospital.

Pumunta ako sa floor ng room ko at nadatnan ko Sina Chloe at Shan Doon sa harap ng pintuan ng room ko. Sigurado akong pagagalitan nanaman nila ako dahil sa paglaro ko rito.

"Cheska! Ikaw talaga! Kanina ka pa hinahanap ng Nurse at mga Doctor mo sa buong ward!" Lumapit sa akin ang naka wheelchair na si Chloe. "Saan ka ba nagsusuot?"

"Teka, umiyak ka ba?" Nag aalalang tanong ni Shan. Hinawakan niya ang pisngi ko at mataman na tinignan ang mukha ko. "Confirmed, umiyak ka nga."

"Cheska, may problema ka ba?"

"Hindi, I mean- wala ito." Ngumiti ako ng malapad. Iyong tipong labas na labas ang gilagid. "May gagong lalaki lang na nabangga ko tapos pinagtawanan ako."

"Tapos umiyak ka na?" Sabi ni Shan.

"Oo, hehe,"

"Ang weak naman!" Sabi niya at inakbayan ako. "Next time kapag pinagtawanan ka, kick his balls."

"Ang harsh!" Chloe laughed. "Don't listen to that jerk," She said. "Kapag pagtatawanan ka, wag mo ng pansinin, malinaw ba?"

"Yes ma'am!" Sumaludo ako sa kaniya at tsaka ako humagikhik.

Lumapit ako sa pintuan ng kwarto ko at binuksan Ito. Agad na bumungad sa akin and Freedom Wall ko. Puno na iyon ng sulat at may dinikit pa akong mga pictures namin nina Chloe at Shan.

Sa kabilang banda naman ng kwarto ay may mini fridge Doon at isang study table na puno ng mga artworks ko. Humiga ako sa bed ko at tinitigan ang kisame na punong puno ng mga Glow In The Dark Stars at Planet.

"Cheska, puno na itong Freedom Wall mo. May plano ka rin bang punuhin ng sulat itong kwarto mo?" Biglang nagsalita si Shan.

"Kapag may time pa ako," Mapait akong napangiti.

"Hey, wag mong sabihin iyan. Makakalabas pa tayo rito sa Hospital. Gagaling tayo," Hinawakan ni Chloe ang kamay ko.

Sila ang mga naging kaibigan ko rito sa Hospital. Katulad ko, mayroon rin silang mga sakit.

Nanood muna kami ng Movies sa Netflix Doon sa laptop ko at tsaka kami gumawa ng kung anu-ano. Nasa kalagitnaan kami ng pagtatawanan ng may narinig kaming nag uusap sa labas ng pintuan ko.

"I think, gagamitin na iyong kwarto sa kabila." Sabi ni Shan. "Sana maging kaibigan natin noh?"

"Alam mo? Nagtataka talaga ako kung lalaki ka ba o bakla." Sabi ni Chloe.

"Ano nanaman ginawa ko sayo aber?" Tumaas ang kilay nito.

"Masyado kang malambot kumilos tsaka-"

"Hep!" Tinakpan ni Shan ang bibig ni Chloe. "At ano namang konek 'nong sinabi kong sana maging kaibigan natin iyong nasa kabilang room sa pagiging malabot ko?"

"Umamin ka na kasi," Sabi ko nang tumatawa habang busy sa pinipinta.

"At ano naman ang aaminin ko?" Mas lalong tumaas ang kilay nito. Natawa kami ni Chloe. "Ah! Alam ko na! Pinag tritripan niyo ako dahil gusto niyong halikan ko kayo noh?"

"Gago!" Bulalas ko at binato siya ng panyo. Bigla siyang tumawa ng malakas pero natigil iyon nang biglang may kumatok.

Ako na ang bumukas ng pintuan at tumambad sa akin ang mukha ng Nurse ko. Si Nurse Charlie, also known as Nurse Cha.

"Yes?" Sabi ko at nakangiti ng labas na labas ang gilagid.

"Stop that Cheska, nakakahiya." Pabiro niyang kinurot niya ang tagiliran ko. "May bago ka ng kapitbahay,"

"Kapitbahay?" Biglang sumulpot si Chloe. "May gagamit na talaga ng kabilang kwarto?"

"Hindi ka naman bingi, diba?" Biglang nagsalita iyong lalaki sa gilid. Nanlaki ang mga mata ko nang makilala kung Sino siya.

"Ikaw?!" Turo ko sa kaniya.

He answered me with a smirk and then he said...

"Oh! Ikaw pala, Bald girl." At kumindat.

Agad na uminit ang ulo ko at inirapan siya. Hell! Paano ko ito pakikisamahan?

***


Book cover by: 3riestcst

Date Started: February 6, 2021

4 Words To Say Goodbye  Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu