"I have a lots of connections! You don't know me yet? Ako lang naman ang nag mamay-ari ng mga kilalang istablisyimento dito sa lugar niyo. Kung gusto mo ng trabaho mo kalagan mo ako!"

Tinalikuran ako ng police officer at lumabas sa loob ng silid.

Inis na inis ako sa ginawa niya! Nag sisisigaw ako sa galit dahil piling ko nabastos ako sa ginawa niya.

"Marami akong connections! Yare ka sa akin kapag nakaalis ako dito!" Galit na sambit ko.

"Sino ba mga connections mo? Gusto mo ba lav tagpi-tagpiin na natin ang mga nangyayari?" Pang aasar niya sa akin.

"Is he talking about 7 years ago? About Gianna?" tanong ko sa sarili ko.

"Bakit? Bakit ko naman sasabihin sayo kung sino ang mga connections ko. Tanga kaba? Or nagtatanga-tangahan ka lang?" Galit na sambit ko sa kanya.

"Ganito pala ang ugali ng mga brat noh? Hindi purkit mayaman ka ay dapat ganyan na ang asta mo sa mga mahihirap matuto kang umapak sa lupa dahil ang buhay ay parang gulong minsan nasa taas at minsan ay nasa baba,"

"Wala akong pake sa sinasabi mo! I don't shoot Lucio siya ang may gawa nun kahit itanong mo pa sa katulong niya," Iritableng sambit ko. , "Ano ba? Hindi pa ba ako lalabas dito? Sobrang oras na ang ginugol ko dito! Let me out of here!" Sigaw ko.

Nagwawala na ako dahil sa galit! I shouldn't be here!

Habang nagwawala ako ay biglang may isang pulis na dumating.

"Kalagan mo na daw yan sabi ni Chief,"

"Bakit?"

"See? Kalagan mo na daw ako!"

"Ito na ba ang tinatawag mong connections? Ok! Fine,"

Kinalagan ako ng pulis na 'to at sa pagtanggal niya ng posas ko ay agad akong lumabas ng presinto.

Sumakay ako agad sa kotse ko para pumunta sa hospital.

Mabilis ang patakbo ko sa kotse ko. Kinakabahan ako na parang hindi ko alam. Basta I need to see Lucio if he's ok! I don't want him to die! Please!

Hindi ko na tinitingnan ang dinadaanan ko at patuloy sa mabilis na patakbo ng sasakyan ko ng may biglang sumalpok sa sasakyan ko.

Napasubsob ako sa manubela ko at natukod ko ang kanang kamay ko sa harap.

Unti-unting umagos ang dugo sa ulo ko hanggang sa nawalan ako ng malay.

Hindi ko na alam ang nangyari pagkatapos kong mawalan ng malay ang naalala ko lang ay may sumalpok sa sasakyan ko at nasubsob ako hanggang sa nawalan ako ng malay.

Gumising ako sa isang maliwanag na silid sa pag gising ko ay wala akong nakitang tao ni isa ay wala akong nakita.

"Hoooyyy! Hello! Anybody here me?" Sigaw ko mula sa kwarto ko.

Agad na bumukas ang pinto at patakbong lumapit sa akin ang abogado ko.

"What happened?" tanong ko sa kanya.

"Naaksidente po kayo sa daan habang papunta po kayo dito Ma'am Celine,"

"I know. I'm asking anong nangyari? Bakit nandito ako?"

"Nakabangga po kayo ng dalawang bata at isang buntis papatawid po sa pedestrian lane Ma'am,"

"Huh? What? Why?" paulit-ulit na tanong ko sa kanya.

"They all dead Ma'am."

Nanghina ako bigla sa narinig ko. Ganto na ba ako ka-demonyo at nakapatay ako ng apat na tao?

"Shit! Hindi ba sila tumitingin sa dinadaanan nila?!" Galit kong sambit.

"Ayon po sa CCTV footage Ma'am. Naka stop po ang stoplight ngunit patuloy pa rin kayo sa pagpapatakbo ng sasakyan niyo. Over speeding din po kayo Ma'am,"

"You know what to do. Block the media and pay the family of the deceased person,"

"Ok po."

Umalis agad si Atty Gutierrez para asikasuhin ang aksidenteng nangyari.

May benta ako sa noo ko at naka cast ang kanang kamay ko.

Habang nakasara ang pinto ng kwarto ko ay nakakaramdam ako ng sobrang kalungkutan.

Walang tao, walang ingay, walang kausap walang nag mamahal sa akin. Sino nga naman ang tatakbo at mag aalala sa akin eeh simula noong bata ako. Ako na ang nabuhay sa sarili ko ako na ang kumilos sa sarili ko. Ako lang ang nag mamahal sa sarili ko.

Wala akong kakampi lahat sila kaaway ko! Wala akong matatakbuhan sa panahon na kailangan ko ng kausap walang masasandalan kapag nalulungkot ako.

Probinsyana Series: BOOK 2 - WHEN YOUR LOVE IS GONEWhere stories live. Discover now