Baliw na lang, sagot 'ko. Gender neutral 'yan.

GG KAAAAA!

Napailing na lang ako.

Kei and I texted some more while I was waiting for Sia. Ilang beses ko ring kinonsider na manuod ng sine habang naghihintay pero wala 'kong magustuhan sa mga showing. In the end, pumunta na lang ako sa National Bookstore at naningin ng mga self-help books.

I was torn between two books, deciding which of them to buy, when my phone rang. Ibinaba ko ang isang libro habang 'yung isa ay inipit ko sa kilikili. Naisip ko habang kinukuha ang phone sa bulsa ay ito na ang tie breaker. I will buy the one I put in my armpit. Kahiya naman kung ibabalik ko pa, 'di ba?

Anyway, agad kong sinagot ang tawag nang makita ang pangalan ni Sia. Walking towards the counter, the book in one hand, I put the phone against my ear with the other hand.

"See?" bati ko. "Tapos na k--"

"Raffy?"

Natigilan ako. "Monic?"

"Hi." Nakarinig ako ng kaluskos, pati ng malalim na paghinga. In the background, I heard Sia asking, "Si Raffy?"

"Anong nangyayari?" tanong ko. Suddenly, I had an idea of what is happening. "Okay lang ba kayo?"

"Yes," Monic replied. "We're on the way to the hospital now. See is in labor."

Napatakip ako ng bibig. Pero dahil hawak ko ang libro ay tumama lang 'to sa mukha ko. "Aray," daing ko.

"Raf, please don't panic. I'm with Sia, I know what to do. We'll see you there."

Tumango ako. My brain went blank for a second. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Then, it dawned to me.

Sia.

Agad akong tumakbo palabas ng bookstore.

Pagdaan ko sa pintuan, nagulat ako nang tumunog ang alarm. The staff standing by the entrance said, "Sir, kailangan n'yo pong bayaran 'yan."

Ako, natatanga at natataranta, sinagot lang siya ng, "Ha?"

"'Yang libro po," turo niya sa kamay ko.

Seeing the book, I immediately pushed it to their hands, as if it was on fire. Tapos, tumakbo na 'ko papunta sa parking lot.

Saktong pagkaupo ko sa driver's seat, nag-ring ulit ang phone ko. Without looking, I accepted the call.

"Raffy!"

"Kei?"

"Sino pa ba?" they said, chuckling. "Anyway, Monic told me. Sia's in labor?"

"Yes. I'm on my way." I fumbled with my keys, trying to find the right one for the engine. We've done this a few times, but still, every time, my hands shake like crazy.

"Really? Sa'n ka na?" tanong niya. "Pwede pasundo?"

For a second, natigil ako sa paghahanap ng susi. "Ano? Kei?"

Tumawa siya. "Alam ko, manganganak si Sia and all. Pero wala si Kuya Miko, at hindi ko mahanap ang susi ng kotse. I really wanna see my inaanak. So, please? Be a dear and sundo-sundo me?"

Huminga ako nang malalim, trying to calm myself down. "Kei, manganganak na si Sia. Lalabas na ang anak ko, pero gusto mo pa, ikaw ang unahin ko?"

"Hey, breathe. I'm just stalling you so you can think clearly. Sinabihan ako ni Monic na tawagan ka para hindi ka mapraning. Anuba. Anyway, hinga."

Before RosaWhere stories live. Discover now