Si Ike ang unang nakapansin sa aking paglabas ng kuwarto. From having a conversation with my auntie, he craned his neck to look at me and smiled.

"Good morning."

Napalunok ako sa kanyang pagbati. Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan.

Nilingon na rin ako ni Auntie Divina. "Ay, Aleena! Dumating si Ike rito habang naliligo ka kanina."

Auntie looked so happy to see him. Ang akala ko pa naman ay mayroon siyang sama ng loob kay Ike dahil sa nangyari sa Maynila. However, it seemed like nothing's changed.

"Aba'y may sasakyan na pala siya rito! Nasabi ko tuloy na gusto mong pumunta ng Puerto para bumili ng mga kailangan mo sa mall," dagdag niya, ngiting-ngiti. "Sasamahan ka na raw niyang bilhin ang mga kailangan mo."

Nanlaki ang aking mga mata. "Po?"

"Oo, sasamahan ka niya kaya gumayak ka na ng pang-alis. Mabuti na lang at nakaligo ka na," utos niya sa akin.

"P-pero sa Linggo ko pa po balak pumunta. Magpapasama po ako kay Gian—"

"Sus! Ikaw talagang bata ka!" pagalit na sabi ni auntie. "Guguluhin mo pa si Gian. Madaming ginagawa sa trabaho 'yon. Nandito naman si Ike. Wala naman daw siyang gagawin dito sa Palawan at nagbabakasyon lang."

I glanced at Ike. He was wearing a huge grin. Tumatango-tango pa siya sa mga sinabi ni Auntie Divina. It felt like they were teaming up against me.

"Oh? Bilisan mo na at magbihis ka na! Bumalik ka na roon sa kuwarto mo!" Sapilitan akong pinabalik ni Auntie Divina sa aking kuwarto.

Habang nagbibihis ako ay narinig ko pa ang mga bilin niya kay Ike bago umalis para pumasok sa trabaho. Once I was done, Ike was already waiting by the door while playing with his car keys.

"Are you ready?" he asked.

Nodding my head, I slightly pursed my lips.

Gumilid siya sa aming pintuan na nakabukas upang makadaan na ako. "Tara na," sabi niya.

I exhaled deeply before I decided to go with him. Binilisan ko ang aking paglalakad dahil pinapanood niya ako habang papalapit sa kanya. I was feeling conscious. Pakiramdam ko ay puwede akong matapilok sa sobrang kaba.

I never felt so nervous while walking out of our house. Ngayon lang na nandyan siya! I didn't want to embarrass myself in front of him. Natatakot ako na baka maturn-off siya sa akin at hindi niya na ako magustuhan.

Outside our house, his expensive-looking, sleek black sedan was parked. It looked so out of place. I'm not knowledgeable about cars but I could tell that it costed a fortune. Halatang bagong bili pa dahil walang kadumi-dumi at gasgas ito. Parang isang beses pa lang nagamit.

Ike pressed the key fob and opened the door of his car for me. Tahimik lamang akong pumasok. Mas nakumpirma kong bago lang ang kanyang sasakyan dahil sa amoy nito.

It didn't smell like him yet. It smelled like plastic and chemicals. I missed his car back in Manila.

"Sa Puerto Princesa tayo, 'di ba?" tanong niya sa akin nang makapasok na rin sa sasakyan.

Tipid lamang akong tumango.

"Okay. Masusunod po."

He turned on the car's engine and effortlessly maneuvered his car. Sumandal ako nang maayos sa upuan at saka nilingon ang labas. Nilibang ko ang sarili sa panonood ng tanawin na aming dinadaanan. Sinubukan kong maging kumportable dahil matagal-tagal ang biyahe papunta sa Puerto. Kaya nga lang ay para akong sinisikil ng katahimikan.

Rhythm to My ChaosWhere stories live. Discover now