Kabanata 14

29 2 0
                                    

Story


“Ayaw ko! Ate! Hmp!” Nisara nung babae bibig ko tapos binuhat paalis nung trabaho nila. Iyak lang ako ng iyak, ang huling kaway habang pilit na nangiti sa kabila ng mga luha ang nasilayan ko. At hindi ko inakalang iyon na pala ang huling pagkikita namin ni Ate.

Mabait si ate Cassie, magkahawak kamay kaming naglakad sa isang madilim na daan. Wala ng tao ang gising, panay ang paglingon nito aa kung saan na para bang natatakot..

“Ally,” tawag niya sa akin. Lumuhod ito upang magka level kami, “iiwan kita rito. Babalikan ko ang ate mo at sina Mamshie, huwag kang aalis dito kahit anong mangyari. Hahabulin ka nila at kukunin ulit kapag nalaman kung nasaan ka. Ally iyong mga binilin ni ate mo, lagi mo iyong tandaan. ” Bumuntong hininga ito, “sa edad mong ito’y dapat isang mala fairy tail ang nararanasan mong buhay ngunit malayo tayo sa ganoon. Nasa realidad tayo..”

Hindi ako umimik. Kumatok siya sa isang malaking gate, nakita ko ang malaking signage sa ibabaw ng gate.

Welcome to Holy Mary Orphanage

Bagong bahay namin? Naghintay kami ng ilang oras ng may isang madre ang lumabas at pinagbuksan kami ng gate. Kalauna’y may lumabas na isa pang madre, matalim ang titig sa akin. Hindi ko alam kung bakit. Kinausap nila si ate Casie. May sinabi ito at ibinigay na maliit na bag, mula dito nasilayan ko ang laman nun. Makakapal na lilibuhin.

“Ate..” Ani ko sakanya ng mapansing kumakamay na ito papaalis. “T-Teka! A-Ate!” Sigaw ko, nahulog ang mga luha. “H-Huwag niyo akong iwan...” Naging bulong na lamang sa hangin ang mga naisambit kong iyon.

“Iha, malamig dito sa labas..” Mahinging ani ng madre, “ako nga pala si Mother Therese.. Mula ngayon dito ka na titira.. Pangakong aalagaan ka namin ng mabuti,” iyong ngiti niya parang sinasabing magiging ayos lang ang lahat.. Na nasa mabuting kamay..
“Anong pangalan mo?”

Nagdadalawang isip pa ako kung sasagot, “A-Ally Kancia po..”

“Mula ngayon tatawagin na kitang Allycia ah,” pagkasabi niya’y agad akong iginaya sa loob ng malaking bahay. Hindi na ako nagprotesta at sumunod na lamang.

“Therese alam mo namang kulang na ang pondo natin, bakit ka pa kumupkop ng isa pa? Wala na tayong maipapakain sa iba. Ibigay mo nalang siya sa Ibang ampunan!” Galit na ani ng kasamahan nitong madre. “Magiging pabigat–––”

Pabigat? Si Ally? Nayuko na lamang ako.

Matalim siyang binilingan ni mother Therese, “ano pang saysay ng ampunang ito kung hindi natin kukupkupin ang mga kawawang bata?”

“Pero alam mong nahihirap tayo!”

“Madre po kayo? Bakit ang bad ng attitude niyo.” Gulat kong tinakpan ang bunganga dahil sabay silang napatingin sa akin. “Hehe, sabi sa akin Ate. Ally, honesty is the best rule.”

___________

“Allycia!” Katorse anyos. Ilang taon na rin akong narito sa ampunan pero hindi ko masasabing masaya ako. Tumalikod ako sakanila hindi nag-abalang pulutin ang bolang nasa gawi ko.

Stop, Ready and Go Where stories live. Discover now