Chapter 20 - Back Off!

127K 2.2K 81
                                    

Hello dearies!!:) 

Pasenxa na't ngayon lang yung u.d.I wanna thank all of you dahil patuloy niong sinusubaybayan yung story na to pati na yug ibang stories ko.  So heto na po. Enjoy!:)

Daphne's POV

"Shhhh baby don't cry.." Patahan ko sa anak ko. "Umalis ka na bilis." Baling ko naman kay James.

"Pero si Kyle- " 

"Ako nang bahala, bilisan mo na" Pilit kong pagpapaalis sa kanya. It's past 2am pa lang naman so wala pang may makakakita sa kanya pag umalis siya.

Walang nagawa si James kaya dali-dali na siyang umalis at sa terace dumaan.

"Anak, tumahan kana.. matulog na tayo. Bakit ka umiyak, ha?" I look at his face. Tumingin siya sa parte kung nasaan si James kanina. 

"Nasaan na po yung monster na kamukha ni uncle James?" tanong niya at biglang tumahan. Napatawa ako ng mahina. 

"Walang monster. Sige na matulog na tayo." 

"Kate, bakit umiyak si Kyle?" Dumungaw si Mama sa pinto ng kwarto ko.

"Ahh.. nagising po kasi ma, gusto akong makatabi." Alanganin ko ngiti.

"Ah ganun ba, sige matulog na kayo." sinara na ni mama ang pinto at humiga na kami ng anak ko na magkatabi.

"Anak..I have something to tell you.." Hinimas himas ko ang kanyang buhok. Huminga muna ako ng malalim. "Kyle.. Uncle James is your... daddy.." Sabi ko sa anak ko pero wala akong makuha na reaction. "Kyle..?" I looked at him. Hayy nakatulog na. Try kong sabihin sa kanya ulit pag may pagkakataon.

Hindi na ako makatulog. Pilit ko naman inaalisa ang nangyari kanina. Ano na ba kami ni James ngayon? Magiging kami ba?Pero pano si Jessica-yun nakuha ko rin yung pangalan nun. Tsk. Bakit naman kasi isang kalabit lang sakin umoo agad ang katawan ko! Sa tagal na hindi ko siya nakita akala ko makakalimutan ko na ang feelings ko sa kanya.

Isa pa ang kinakabahala ko ay si Kyle. Ano kaya ang magiging reaction niya pag nalaman niya si James ang daddy niya. Hayyy... Si dad pa pala, kelangan pa ng DNA test. Pano kaya to.. ang dami namang gagawin nakaka stress.

"Kate, yung pinag usapan natin kagabi..Huwag mong kalimutan" Sabi ni dad sakin ng nasa hapag kainan kami at nag aagahan.

Wala akong nakuhang tawag mula kay James ngayon. Bakit kaya? Loko yun ah umeskor lang sakin?! Humanda siya pagnagpakita yun sakin.

Hapon na at wala akong magawa ngayon. Kanina pa ako gumagawa ng draft para sa rest house ni Renz. Hindi naman ako makapag concentrate kasi laman ng isip ko si James eh. Si Kyle ay kasama ni dad at mama umalis, may pupuntahan daw silang kaibigan, gusto ko sana nilang kasama pero umayaw ako.

"Manang, pag dumating sina dad sabihin niyo lang na umalis muna ako ha." sabi ko sa katulong namin at lumabas na ng bahay gamit ang isang sasakyan na nandun.

"Daphne?" Nasa mall ako at kumakain ng icecream sa isang icecream shop ng may tumawag sakin. I looked up. "OMG".

"Cherry!" bulalas ko at tumayo. "Kamusta kana?" sabi ko sabay yakap sa kanya. 

A Night With...? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon