Chapter 16 - No!

124K 2.4K 84
                                    

Daphne's POV

"What was that?" Nasabi ko na lang sa sarili ko ng makalabas na si James sa kwarto. Tulala ako at inaabsorb ng isipan ko ang nangyari at ang huling sinabi niya."Pano niya nasabi na kanya si Kyle? Adik yun ah at nakahalik lang sakin e, ako'y sa kanya na agad?Inayawan nga niya ako noon" 

Napahawak ako sa labi ko at apangiti ako. Siya ang humalik sakin maaari kayang nagkagusto na siya akin? Ay wait, pano magkakagusto yun sakin eh halos pagtabuyan niya ako noon at may girlfriend nga siya ngayon diba. Tsk. Ano ba?! Erase, erase. Huwag ko munang isipin yun. 

Inayos ko ang sarili ko bago lumabas. Lintik nakalimutan ko na magbabanyo pala ako. Dumeritso na ako ng banyo pagkatpos nun ay bumalik na sa labas ng bahay. 

Sumalubong sakin si Renz. "Kate, where have you been? Kanina pa kita hinahanap" Nag-aalalang sabi nito sakin.

"S-sorry, tumawag kasi dad kaya naghanap pa ako ng hindi maingay na lugar dito." Pag-aalibi ko dito.

"Ahh.. ok, tara na, hinahanap ka na ng anak mo." Giniya na niya ako sa upuan. Nandon si Kyle at mukhang inantok na. Ginala ko ang paningin ko at nakita ko ang hinahanap ko. He's talking to a beautiful lady at parang masaya ang pag-uusap nila.

"Mom, where have you been? Wag ka na pong umalis na mag-isa baka mawala ka po dito." I chuckled to what my baby Kyle said. 

"Asus.. opo lolo." Nakangiti kong sabi pero napasimangot naman ang anak ko.

"I'm not lolo, mommy." Reklamo ng anak ko at ang mga mata niya ay parang babagsak na sa antok. "I'm sleepy, mom." Umalis siya sa upuan niya at kumandong sakin. Nilagay niya ang ulo niya sa balikat ko. 

"Renz, inaantok na si Kyle. I think we should go home na?" Bumaling sakin si Renz at tiningnan si Kyle.

"Nakatulog na nga siya. Sige magpapaalam muna ako  sa kanila ni tita Chel." Tumayo na siya at iniwan na kami dito. 

"Babe..." Napakislot ako sa kiliti ng naramdaman ko ng may bumulong sakin. Umupo sa harapan ko ang nakangiting si James. 

 "Loko ka, huwag mo ngang ulit gagawin yun." Mahinang saway ko dito.

"Ang alin? Yung halik o himas.. hahah?" Nakakalokong tawa nito. 

"Gago ka. adik mo. Yung pagbulong sakin kanina." Busangot ko sa kanya.

"Alam kong gwapo ako at adik ako sayo noon pa pero di lang natin alam pareho. hahah"

"Ano bang pinagsasabi mo? Loko-loko ka talaga." Hinawakan ko ng mabuti ang anak ko. Medyo sumakit na kasi ang kamay ko, mabigat na kasi ngayon si Kyle.

"Tulog na pala ang anak natin. Ako na ang magbubuhat." Napakunot ang noo ko sa inaasta niya ngayon. Tumayo siya at he's about to get Kyle from me.

"Don't touch my child, James" Sabi ko dito at di naman niya itinuloy ang balak na gawin. "What's with you? Pwede ba? Para kang baliw, may pa babe kapang nalalaman kanina. Tss" I rolled my eyes. "at anu? anak natin? You're dreaming." Mahinang sabi ko sa kanya na kami lang ang nagkakarinigan.

"Tsk, tsk, tsk." Umiling-iling ito. "Pag-uusapan natin ang tungkol jan pero wag ngayon. Mag-iingat ka. Wag kang masyadong didikit sa pinsan ko. Seloso akong tao tandaan mo yan." seryosong sabi nito at tumayo.

 Okay?? Naguguluhan na talaga ako sa kanya. Wala naman kami pero kung umasta ang lalaking ito ay pag-aari niya kami.

"Lemuel, aalis na kami ni Daphne, napagod na si Kyle kaya tulog. Bukas ng hapon, puntahan na natin yung site." Renz tap James shoulder at tumango lang ito na seryoso ang mukha. 

Tumayo na ako sa upuan at mabilis naman ako ginalalayan ni James at sumunod si Renz. Nagpasalamat ako sa kanila.

"Ihahatid ko na lang kayo pinsan, mukhang pagod ka na." Sabi ni James.

"Hindi ok lang, maaabala kapa." sabi  naman ni Renz.

"Ok lang sakin. Ang sasakyan ko na lang ang gagamitin natin. Bukas mo na lang kunin dito yung sayo. Tara." Hindi pa nga umoo si renz ay nauna na itong naglakad papuntang parking area. Napakibit balikat na lang si Renz sakin na nakangiti. Halata naman kasing pagod na ito.

Ako muna yung hinatid nila bago si Clarence.

Kakatapos ko lang maligo, nakapajama na ako ng suot at binoblower ko na lang ang buhok ko. Ginawan na kanina si Kyle ng kwarto niya sa katabing kwarto ko lang kasi big boy na daw siya dapat meron siyang sariling room.

Tumunog ang iPhone ko. Tiningnan ko ang oras and it's 11:44pm. Sino naman ang tumatawag sa ganitong ka lalim ng gabi. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag and it's unknown number. Hindi ko sinagot. Hindi ko ugaling sumagot ng tawag kapag hindi naka register sa phone ko ang number, pero makulit ang caller tlaga.

"Hello?!" Iritang sagot ko.

"Nasa labas ako ng bahay mo, buksan mo ko." yun lang ang sinabi nito at pinatay na ang tawag.

Leche. Si James! Tinanaw ko siya mula sa bintana ng kwarto ko. Nasa labas nga siya at nakasandig sa sasakyan niya. Ano naman ang kelangan niya? 

Bumaba ako at pinagbuksan ko siya. Nang mabuksan ko ang gate ay tuloy-tuloy na siyang pumasok hangang sa loob ng bahay.

"Hoy!! Makaasta ka parang bahay mo ah." Sabi ko dito pero parang hindi ako narinig. Tsk. Nang makapasok siya sa bahay ay umupo siya sa mahabang sofa at sinandig ang likod. "Ano kelangan mo?" Tanong ko.

"Sit" Sabi nito sakin. Grabe ano ako aso? I crossed my arms infront of my chest at umirap. "I said sit down, Daphne" pero hindi parin ako nakikinig. Tiningnan ko lang ang mga koko ko sa kamay. "Ayaw mo talagang umupo?" 

I looked at him na walang emosyon. "No"

Bigla siyang tumayo at lumapit sakin. napaatras ako. Pero mabilis ang galaw niya at pinangko ako, bridal style. "Put me down!" Madiin kong sabi pero mahina kasi baka may makarinig.

"No." Winagwag ko ang mga paa ko. Bumalik siya sa inuupuan niya kanina at umupo, kaya ang nangyari ay nakaupo ako sa mga hita niya. "Better"

"Better-in mo yang mukha mo. Bitawan mo nga ako." I tried to stand at umalis sa lap niya pero ayaw niya talaga akong paalisin. Nanlaki ang mata ko at tumingin sa kanya. "My God, James! Ang bastos mo! "Pinalo ko siya sa braso at ngumisi lang ang manyak. 

"Huwag ka kasing gumalaw at nabubuhay si junior." Nakakaloko nitong sabi.

"Eww! Paalisin mo na nga ako at uupo na ako ..sa upuan." Naiirita kong sabi. Binitawan nya naman ako at dalidali akong umupo sa single na upuan sa gilid.

Tiningnan ko siya ng masama. Sumeryoso naman ang mukha niya at kumibit balikat. Inirapan ko siya.

"Daphne, Kyle is my child." Sabi niya sakin at agad ko siyang binalingan.

"What?No,..he's not yours." Sabi ko dito. "Teka, bakit mo ba sinasabi na sayo si Kyle? Pano mo nasabi na ikaw ang ama niya?Hindi naman basehan ang pagiging magkamukha niyo para sabihin mo na sa iyo siya diba?" Mahaba kong sabi sa kanya. Hindi kaya nalagyan ng genes niya ng genes si Kyle nung may nangyari samin dun sa bar?Naku.. Napatampal ako ng palad sa aking noo.

"We had sex twice, Daphne and that explain why I said he's mine." 

"Twice? No..! Just Once.." Napatakip ako ng bibig ko. Opps.

~~~~~~

Eto na oh.. bibitinin ko kayo ulit.. 

A Night With...? (Completed)Where stories live. Discover now