Chapter 6 - The Daughter's Sacrifice (FINALE)

41 0 1
                                    




3RD PERSON'S POV

.

Fifteen years after,

Marami ng nangyari sa loob ng labinlimang taon sa ating bidang agent pati narin sa kanyang mga iniidolo.

One week pagkatapos ng kanyang operasyon ay minabuti nina April at Karleen na ilipat ang huli sa kanyang condo para narin madalaw sya kahit papaano ng kanyang mga magulang dahil nga hindi pwedeng malaman ng kahit sino ang location ng AKA headquarters.

Nadalaw narin sya ng kanyang Lola Zsazsa at mga tiyahing sina Zia at Coco nung sumama ito kay Karylle sa pagbisita sa kanya. Nameet narin s'ya ng kanyang lola Rosario ng ipinakilala sya ni Vice via video chat nung minsang dinalaw rin sya nito.

Nang gumaling na ang dalaga ay pinag leave na muna sya ng kanyang mga magulang na siyang sinangayunan naman ng kanyang Tita Pril na binigyan sya ng 1-year leave at sinabihang manatili lang muna sa kanyang condo para makapagpahinga.

On the fourth year ay isinilang ni Karylle ang kanilang baby girl na pinangalanan nilang Kirsten Ysabel 'Sab' Tatlonghari-Yuzon.

Magkahiwalay na dinadalaw ni Karleen sina Vice at Karylle. Ang kanyang kapatid naman na si Sab ay nagtatakang kung bakit hindi nya nakakasama palagi ang ate, once or once every two years lang kasi nya ito nabibisita. Dinahilan na lamang ni Karleen na sya ay nagtatrabaho sa ibang bansa ngunit ang mas mabigat na dahilan ay ayaw nyang mag-away pa ang kaniyang Mommy at si Yael, kahit na tinanggap na kasi nya ang babae na anak ni Karylle at Vice ay ramdam parin ni Karleen na hindi masaya si Yael sa pagbisi-bisita ni Karleen sa kanila.

Kaya naging masaya sya nang iniassign sya ni Agent Pril sa European Country dahil hindi na daw nya mabibigyan ng problema ang pamilya pansamantala.

Huminggi kasi ang Secret Service Organization ng Europe sa kanila ng tulong kaya siya ang ipinadala, 8 years syang nagserve doon. At pagkatapos ay 2 years naman sya sa Israel dahil hininggi din ang kanyang assistance doon at pagkatapos ng kanyang Israel mission ay nakiusap sya sa kanyang Tita Mommy April na magbabakasyon na muna sya sa Singapore bago umuwi at pinayagan naman sya nito.



~

"Hoy Anning, anong problema at tanghaling tanghali nag-aya kang uminom",kunsuming tanong ni Vice. Tinawagan kasi sila nito para makipagkita, natural lang naman ito sa babae pero mas nagulat sila ng mag-aya itong uminom sa alas onse ng tanghali ng araw ng linggong iyon

"Nag-away kayo ni Erwan, ano",hula ni Vhong atsaka tumanggo naman si Anne

"Alam mo, Anne kesa niyayaya mo kaming uminom dito bakit hindi mo nalang puntahan yung asawa mo at pag-usapan nyo kung anumang problema. Pambihira ka, iniwan kong mag-isa si Coleen na inaalagaan si Amari dahil sabi mo may problema ka",iling na sabi ni Billy

"ang o-oa nyo. nagkabati na kami, ano. Nagpapamiss lang ako...Aray!",sagot ng babae at napaaray ito ng batukan ni Vice kaya napasubsob sa mesa

"gaga ka talagang babae ka",naiiling na komento ni Vhong






"uy si Yael tumatawag". Nagtatakang sabi ni Anne 15 minutes after ng kanilang inuman session

"bakit, diba 'family day' nila ngayon diba kaya hindi nakasama sa invite mo si K", nagtataka ring tanong ni Billy

"eh di sagutin nyo para malaman natin",bara ni Vice

"he-hello, Yael", sinunod naman ni Anne ang sinabi ni Vice

"Huhuhu ni-ninang huhuhuhu"

The Daughter's Sacrifices [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora