Pag-kalabas ko ay tumawid ako sa kabilang sidewalk at nilakad ang daan papunta sa Maxxine's na isang filipino restaurant malapit sa Sville College Private School Tito ko ang owner pero kahit kamag-anak ko ang may-ari ay nag babayad parin ako ng tuition. Bago muna ako pumasok ay tinawagan ko ulit si Ayela.

"Nasa labas na ako ng Maxxine's. Saan ba kayo banda?" sabi ko pagkasagot niya ng tawag.

"Sa taas. Malapit sa may aircon" sagot niya kaya pinatay kona ang tawag at pumasok nasa loob. Pagkapasok ko sa loob ay sobrang dami ng mga students karamihan ay mga taga Sville College tapos ang iba naman sa kabilang school ang RCPS o Ruby College Private School at Gemstone University. Naghalo-halo na ang amoy sa loob ng Restaurant pero wala paren paki ang mga students dahil mga gutom na sila. Pinihit ko nalang ang daan papuntang hagdan para mahanap ko sila Ayela. Nang makita ko sila ay agad ko silang pinuntahan at naupo sa tabi ni Ayela.

"Bat ang tagal mo?" tanong niya pagka-upo. Inikot ko ang mga mata ko bago ako sumagot.

"Late na kami pinalabas.Noh paano nag kwento pa yong lecturer namin tungkol sa buhay niya, para namang interasado kami" masungit kong sabi habang inaayos ang buhok kong buhag-hag.
"Ano, nakapag-order naba kayo?"

"Oo. Kakarating ngalang e"

"Edi kain na" sabi ko. Kaya nag-simula na kaming kumaing apat.








Pagka-tapos naming kumain sa Maxxine's ay bumalik na kami sa Campus.

"Arat Cr"yaya ni Chelsea kaya tumango nalang kami. Ang cr na malapit sa Social Hall ang ginamit namin dahil ito lang ang malapit. Pagka-pasok namin ay agad namang nilock ni Gwen ang pinto bago pumunta sa harap ng salamin. Binaba ko muna yong bag ko at nag hugas ng kamay.

"May bago akong ka-fling" nakangising sabi Chelsea. Sa aming apat si Chelsea ang play girl sa amin, papalit-palit kasi ng jowa o kaya lalandiin tapos kapag nag sawa na siya ay iiwan na niya sa era na parang walang nang yari.

"At sino naman?" tanong ni Gwen habang naka cross arms.

"Yong gwapo don sa Busines Management Building"

"Oh my god si Dwaine? Dwaine Wong?. Yong half Chinese?" tila kinikilig na sabi ni Ayela.

"Yup" ani Gwen habang nag-lalagay ng liptint sa labi niya. "At sinong Tanga ang hindi mag-kakagusto sa ganda kong ito?" she added while curling the end of her hair with her finger.

"Si James doon sa Accounting Building" tila nababagot kong sagot, habang nag iipit ng buhok. Natahimik siya at badabong na sinuklay ang buhok.

"Kainis ka! Parang hindi kita kaibigan" inis na sabi niya.

Mahina akong natawa habang nag lalagay ako ng pulbo sa mukha."Ang tagal na panahon na pero gusto mo parin yon? Baka nga may jowa nayon e"

"Meron si Arriana. Pero pfft ang pangit pangit non, kutis ko palang talo na siya"

"Hayaan mo makakahanap kapa ng mas better sa kanya, saka ang pangit kaya nang ugali non" pangit talaga ugali ni James. Ewan koba jan sa kaibigan kong yan at patay-patay doon. Maganda si Chelsea Half-korean at half-filipino siya, Kutis palang ni Chelsea wala na talaga yong Arriana na yon sa kaibigan ko. Matangkad si Chelsea mahabang buhok chubby check, liquid brown eyes, pointed nose, thick eyebrows and natural red lips. Hindi halata sa mukha niya na korean siya, dahil lamang ang Filipino beauty niya.

Pagka-tapos namin sa cr ay tumambay muna kami sa gym sa may bleachers. Kong sa iba ang gym ay nila open space ang gym naman namin ay air-condition. Pagka-upo ko sa bleachers ay kinuha ko kaagad yong  isang libro ko sa bag dahil kailangan kong mag review para sa quiz namin mamaya.

Pag-kalipas ng ilang minuto ay naramdaman kong may kumalabit sakin.
"Bakit?"

"Tara na balik na tayo sa kanya-kanyang Building natin" seryosong sabi ni Ayela. Medyo nagulat ako dahil minsan lang toh mag seryoso, kaya wala akong nagawa kundi ang tumango nalang at sumabay sa kanila.

Habang nasa pathway busy parin ako sa pagrereview kaya hindi ko na malayang nasa Medicine Building na pala ako. Si Gwen ay sa Edicational habang si Chelsea at Ayela naman ay Architecture.
Pabagsak akong naupo sa upoan ko at dumukdokdok muna sa lamesa para makapag-pahinga ang utak ko.  Ilang minuto pa ang nakalipas bago dumating ang lecturer namin.







"Okay Class you may now go home. Be safe every one" anunsiyo nang last lecturer namin. Tahimik kong ina-ayos ang mga gamit ko ng mag-salita si Albert.

"Manonood kaba nong game?"  nagsalubong ang mga kilay ko at takang tumingin sakanya.

"Anong game?"

"Tsk. Basketball Game" napa-hinto ako sa ginagawa ko at sandaling nag isip. 'Manood ba ako? Ay ewan!'.

Nagkibitbalikat ako. "Ewan. Kong manonood yong tatlo edi manood din ako" nakangiting sabi ko at saka sinukbit ang bag ko. "Sino ba ang mag lalaban?" tanong ko.

"Engineering VS. Architecture"

"Matinding laban" mukhang gabi ako makaka-uwi nito. Kapag ang Engineering at Architecture ang nagtapat matinding laban to per course palang ito paano pa kaya  kapag School na?.

"O sige mauna na ako sa court a. Baka nandon na sila Johnrey" sabi niya kaya tumango nalang ako. Naglakad na ako pababa ng building at tinahak ang daan papunta sa building ng Education para hintayin si Gwen.





"Ano manonood ba tayo?" tanong agad ni Chelsea pag-kadating niya galing sa building nila.

"Oo. Maaga pa naman at saka Hoy! su-suportahan natin yong architecture ano kaba!?" si Ayela.

"Ay oo nga pala. Arat nasa gym!" excited na sigaw ni Chelsea.

'Palibhasa maraming gwapo. Lalo na sa engineering'

Wala akong choice kong hindi ang sumunod sa kanila. Wala naman akong gagawin don e manood lang kahit hindi ko alam kong paano yong laro.

Pagka-pasok namin sa loom ng Gym ay nag-hanap na kami ng mauupoan sa may bleachers. Kahit nasa bleachers ka ay kitang kita mo ang laro.  Uupo na sana ako nang may roong sumigaw ng pangalan ko, at nabigla sa narinig ko.

"CHANTAL LOUISSE LOUISVILLE, CAN I COURT YOU!"

'The hell!?'


-

---------------

🥑

Not Ready for Commitment Where stories live. Discover now