"Hey, mia and couz!"

Sabay kaming humarap sa nagsalita. Papalapit ito sa amin, agad namang sinilip ni ate Mia kung narinig iyon ni kuya pero mukhang wala naman, ang atensyon nito ay nasa mga nagsasayaw pa rin.

"What's up birthday boy?" ngisi ko na agad niyang inikutan ng mata.

"Ew," He responded. "Bakit nandito kayo mga babae?" pag-iiba niya.

I shrugged and pointed at ate Mia but her attention is still on kuya. I wonder why Kuya until now hasn't noticed us, tunaw na dapat siya kakatitig nitong isa e. Hindi ko rin alam sa akin kung bakit kinukunsinti ko 'to basta ang alam ko gusto ko sila para sa isa't-isa.

Nagulat kami nang bigla na lamang tumayo ito at nagdere-deretso sa pwesto kung saan si kuya na ngayo'y may kausap ng babae.

"Wow. Ang brave na ng babaeng 'yon ah," komento ni Chain, ang pinsan ko.

Tumawa ako, "Selos siya kamo,"

Umupo na rin ito sa tabing upuan ko, "At ikaw?Sumbong kita kila tita at tito bukas e,"

Hinawakan ko ang buhok ko nang magsimulang humagin bago siya ismiran, "I'm just enjoying your party, madamot ka?"

Pinalo niya ang hita ko ng itaas ko ito kaya tinignan ko siya ng masama pero binatukan lang ako. Porket birthday niya ay gaganituhin na ako? Ayos rin.

"Kababae mong tao ganyan ka uupo? Iwan na nga kita, I'll find a new crush," sabi niya at akmang tatayo na nang pigilan ko ito.

Tinaasan niya ako ng kilay, "What? Interested ka na rin sa boys?" Bakla talaga, lalaki agad?

"No," sagot ko. "Advance happy break-up," ngisi ko saka nauna nang tumayo nang akmang babatukan ako uli.

"Susumbong kita kila tita bukas!" pananakot niya.

"Sumbungera,"

Tumakbo ako nang tumayo rin siya, baka sabunutan na ako nito. Agad akong lumapit kay kuya Chase na nasa kabilang dulo ng bar counter.

Tumabi ako sa likod nito, "Sasabunutan ako, Kuya Chase oh," turo ko kay Chain, kapatid niya ito. Siya ang nakakatanda naming pinsan, mas matanda pa siya ng dalawang taon kay Kuya Nathan. Sa ibang salita ako ang nag-iisang babae sa Fuentes pero itong isa binabae.

"Chain," tawag ni Kuya Chase sa kanya

Umirap ito sa amin, "Hindi ako nanabunot ng babae," sabi pa niya bago naglakad na muli sa mga nagsasayawan. Humalakhak ako, ang dali inisin ng baklang 'yon e. Alam ko naman din.

"Reese, why are you here?"

Napatigil ako sa pagtawa, inalis ko ang paningin sa mga nagsasayawan at humarap kay kuya Chase. "Bakit? Bawal ba ako rito?" nagtatakang tanong ko.

Nahagip ng tingin ko ang kausap niya kanina nang istorbohin ko sila. Halos mapasinghap ako, bakit ngayon ko lang ito napansin? I don't remember seeing him earlier.

Hindi ito nakatingin sa akin, nakatutok lang ang atensyon nito sa baso na may lamang hindi ko alam kung ano. My heart started beating with the view, I can't explain... marami na akong nakitang gwapo pero—

"You're still a minor, you shouldn't be here."

Napakurap-kurap akong muling tinignan si kuya Chase. I sighed, "Wala naman akong ginagawang masama,"

"You're already wearing pajamas. You should sleep," seryosong saad nito.

Napalabi lang ako at hindi na nagsalita. Saglit ko pang binalingan ang lalaking kaharap niya na ngayo'y nakatingin na rin sa akin ng walang ekspresyon. Agad akong lumingon sa kabila para iwasan ang kanya.

Tumikhim ako. "Aalis na ako kuya Chase,"

"Sino kasama mo?"

Itinuro ko si ate Mia na ngayo'y kausap na si Kuya Nathan pero mukhang iritado sila pareho, paano kaya ako makakasingit sa kanila?

Napailing ako, mukhang hindi pa ako makakaalis. Siguradong papagalitan ako ni  kuya kapag lumapit pa ako sa kanila.

I heard Kuya Chase sighed, "Let Mia here, ako na maghahatid sa iyo."

"Huwag na, kaya ko—

Natigil ang pagsasalita ko ng bigla na lamang tumunog ang selpon niya. Sumilip siya roon, maging ako ay nakita pa ang 'Mom' na nakalagay. Bakit tatawag ng ganitong oras si tita? Umalis din kasi ang mga ito agad kanina.

Bumaling ito sa kaharap, "Can you accompany her? I need to answer this,"

Gusto ko pa sanang umangal nang tumango na ito. Grabe naman ang pagkakataon, bakit naman ganito pa... naiilang pa naman ako sa kanya. Tahimik lang itong tumayo at naunang maglakad, wala na akong magagawa.

I started playing with the sands in my feet while walking behind him. Does he even know where our room is? Dapat ay ako ang nauuna sa kanya 'di ba?

Normally, I'll enjoy the cooling breeze and the rhythm of the waves pero kahit pa ang malakas na hampas ng alon ay hindi nakakatulong para iwasan ang nararamdaman kong ilang.

I don't want to speak if he doesn't want to talk. Kung gusto niya akong kausapin ay dapat kanina niya pa ginawa, 'di ba? I don't want someone to feel forced when I initiate a conversation, kaya huwag na lang din.

Napahawak ako sa magkabilang braso nang muling lumakas ang hangin, ang tanging ilaw lang sa paligid ay munting mga christmas lights at ang liwanag ng buwan. The ambience of the place shouts peace but my insides didn't agree.

Kahit pa ang matipunong likod niya lamang ang kaharap ko ngayon hindi ko maiwasan makaramdam ng kung ano, I don't even know him. If I were to walk beside him, It's almost a romantic scene that every girl would feel giddy about.

But of course it—

"You can walk beside me, I don't bite."

Muntik akong mapatalon dahil sa biglaang pagsalita niya. His baritone voice is almost as cold as the wind, there's no emotion in it. Kung napilitan lamang siyang samahan ako ay hindi niya na dapat ginawa.

Binilisan ko ng kaunti ang paglakad ko at sinabayan siya, I didn't speak. I don't need to say anything, after all.

Laking pasasalamat ko nang sa wakas ay naaninag ko na ang building kung saan ang kwarto namin, kahit hindi naman kalayuan ay sa palagay ko ang haba ng nilakad namin.

I stopped, sa bungad lang naman ang inookupahan namin. "Thank you," Tumingala ako sa kanya, sinalubong ako ng mata niyang titig na titig sa akin.

I blinked and fell my eyes at the doorknob instead, "I-I'm going..." I pressed my lips. Why did I stutter?

Hindi na ako nag-abalang hintayin ang pagsagot niya at agad na pumasok sa loob ng hindi siya tinitignan. Napahinga ako, I didn't know I am controlling my breathe earlier.

Free the real feels (Completed)Where stories live. Discover now