Prologue

39 4 0
                                    

Nakatayo ngayon si Eli sa harap ng isang publishing house dahil gusto nya ulit subukan na ipapublish ang isinulat nyang istorya.

Kinakabahan sya at hindi nya alam kung itutuloy pa ba nya ito o hindi. Lagi nyang sinasabi sa sarili noon na huwag syang titigil sa pagsulat, may nagbabasa man o wala.

Hindi nya alam, pero nagbabakasakali parin sya. Ayos lang naman sa kanya kung hindi sila pumayag. Ang mahalaga ay sinubukan nya. Ilang beses na rin kasi syang nareject pero hindi parin sya titigil hanggang sa maipublish nya ito. Kahit pa sa magsinungaling sya ay gagawin nya.

Huminga muna sya ng malalim bago buksan ang pintuan.

Eto na. Sana ay pumayag sila. Saad nya sa kanyang sarili.

"Excuse me? Can I see Mr. Wood? Gusto ko sana syang makausap," Tanong nya sa di gaanong katandaan na lalaki na nakaupo sa harap nya ngayon.

"Ako 'yon," sagot nito sa kanya saka sya nito tinitigan. Dahil don ay bigla tuloy syang kinabahan.

"Uh... My friend uhm... Write a story and gusto nya sanang maipublish ang gawa nya," saad ni Eli saka iniabot nya ang mga papel kung saan nya isinulat ang mga ito.

Kinailangan nyang magsinungaling dahil mukhang naaalala sya nito kahit di nya na  gaanong naaalala ito.

"Tapos na ba ito?" Tanong nito kay Eli.

"Yes, Sir. Tapos na po 'yan lahat. At kung hindi nyo po naitatanong ay sumali na po sa maraming contest ang kaibigan ko," saad naman nya.

"Hm... Sumali?"

"Yes."

"Maupo ka,"

Pagkasabi nito sa kanya ay dali dali na syang naupo dahil mukhang pag-uusapan na nila ang pagpapublish ng istorya na ginawa nya.

Mas lalong kinabahan si Eli nang tignan na nito isa-isa ang kanyang mga gawa. Mas lalong nagpakaba kay Eli nang tumatawa tawa pa ito nang tignan ang mga ito.

Mukhang hindi na naman ako matatanggap. Aniya sa sarili. Mas nagpalungkot tuloy ito sa kanya.

"We'll take this," anito.

Dahil don ay nawala ang kanyang kaba at napalitan iyon ng ngiti sa kanyang mga labi.

"Oh... Talaga po?" Gulat na tanong ni Eli.

"Yes. Kaso masyadong mahaba. Tell your friend na paikliin ito ng konti."

Agad naman syang tumango. "Okay. You can have it. Kayo na rin po ang mag-edit," saad nya saka inabot ang mga papel.

"Uh... Kailangan ko po bang sabihin sa friend ko na kukunin nyo po ang gawa nya kapag nagkaroon po sya ng bagong gawang mga istorya?" Tanong ni Eli.

"Pag-iisipan ko. And pakisabi sa kanya na gawing mas maganda ang gagawin nyang istorya at patok sa mga magbabasa. And... Tell her that if she will write a story... Kapag babae ang magiging bida, make sure na happy ending at ikakasal sya sa huli,"

"P-po?" Naguguluhang tanong nya.

"Anong pangalan ang gusto mong ilagay?" Tanong nito sa kanya.

Pangalan? Ano nga ba ang magiging pangalan? Wala akong maisip. Aniya sa kanyang isip.

"Uh... Wala po akong maisip. Kung gusto nyo, kayo nalang po ang maglagay," sagot nya.

"Okay,"

Pagkatapos non ay agad nang tumayo si Eli para magpaalam.

"Magandang araw, Sir. Thank you so much!" Masayang saad nya at madaling lumabas.

Yes! Yes! Sa wakas! Mai-pupublish ko na rin ang ginawa kong istorya! Saad ni Eli sa kanyang sarili habang mabilis na tumatakbo pabalik sa kanyang condominium.





SCRIPTOREMWhere stories live. Discover now