Chapter 14: Chat

Beginne am Anfang
                                    

Anyways, no speak ang drama ko nang maglitanyang muli si Kuya. Oo lang ako ng oo, kesyo hindi na mauulit, pero ‘yung fingers ko sa likuran e naka-cross. Parang suwail lang na bata na pasok sa isang tenga labas sa kabilang tenga ang sermon. Hindi niya kase maintindihan na kailangan ako ni Jace para sa misyon niya. When I say he needs me, he badly needs me. Ako pa rin ang susi kahit nasa kanya na ang Mapa, together with Papa Joaquin. Speaking of my Knight in Shining Armor, kailangan na niyang magpakita sa ‘kin. Nararamdaman ko kaseng may malaking pasabog na magaganap na yayanig sa buong Family ni Jace.... at ang isa sa mga susi ay si Papa Joaquin. Dalawa na kaming susi kumbaga. Siya kaya ang magiging Una at Huli ko sa book 2 na ‘to? I pray to God... Yes!

Fast Forward, dalawang araw na ang nakakalipas simula ang huling confrontation naming tatlo ay biglang nagparamdam sa ‘kin ang lolo mo sa Facebook. Sinubukan ko talagang iwasan ng ilang araw si Papa Jace ngunit hindi nakatiis ang lolo mo at bigla niya akong chinat sa Facebook. Haba ng hair ang peg ng lola mo.

I’m here sitting infront of my study table, nagrereview para sa Finals namin nang mapansin ko ang message niya.

Jace: Alex!

Me: Hu u?

Jace is typing...

Me: Charaught!

Jace: Peke naman yung bnigay mo saking Mapa!

Me: I have the right to remain silent...

Jace: Imbento. Wala namang ganung klaseng address. Nagsayang lang ako ng pamasahe.

Me: Are you accusing me of fraud?

Jace is typing...

 

Me waiting...

 

After 10 mins...

 

Jace: Oo!

Me:  May iba ka bang ka-chat at tumagal ng 10 mins ang reply mo? Kaloka!

Jace: Ano bang sinabi sayo ni Mama? Please naman o ‘wag mo na ‘kong pahirapan!

Me: Nasayo na nga ang Mapa diba? Akala ko ba you can do it on your own? Geezzz ^_^

Jace: E peke naman e

Me: Huh? Diba I told you na kailangan akong jumoin to make hanap da kayamanan?

Jace is typing...

 

Me: Bleh!

Jace is typing...

 

Jace: Ba’t ba ang kulit mo? Sige na nga sumama ka na!

How to Seduce a Hunk Again [Book 2] COMPLETEDWo Geschichten leben. Entdecke jetzt