Chapter 14: Chat

Magsimula sa umpisa
                                    

“Hindi ka naman bingi diba? Sabi ko ‘wag ka ng eepal sa buhay namin ng pamangkin ko!” pagalit ko muling sabi.

“Teka lang Kuya,” sabat ni Alex. Humarap siya sa ‘kin habang ang kaliwang kamay  niya’y inilagay sa aking dibdib na tila inaawat ako. “I have something important to chenes kay Jace. Hindi mo siya knows pero we have an important mission na kailangang gawin.” Lumapit siya sa tarantado na may emote emote pang nalalaman.

“Ano?! ‘Wag mo akong pinagloloko Alex ha? Umuwi na tayo...” Hinablot ko ang kamay niya ngunit pwersahan siyang bumitaw sa pagkakahawak ko sa kanya.

“Listen?!!” pasigaw na sabi niya. ‘Yung mukha niya’y naging seryoso na mukhang galit. “Kuya, Listen!?... To the song here in my heart... A melody I start but can't complete,” tila pakanta niyang sabi. Napakunot ang nuo ko sa di ko maintindihang sinabi niya. “Charaught lang!” bawi niya na tila ngumingisi. Hindi ko kaagad na-gets ang sinabi niya pero mukhang puma-punchline lang ang loko nang marealize ko na kanta pala ni Beyonce ang sinasabi niya. “I’m like you Kuya, kung may very important task na ibinigay sayo si Aling Corazon, ako rin naman. Kaya ako nandidito dahil sa important task na ‘yun.”

“What The F***?” tangi kong nasabi. Napatitig ako sa pamangkin ko nang sobrang seryoso dahil feeling ko e disconnected ako sa mga sinasabi niya.

“Sa ayaw at sa gusto mo Mick, siya ang sagot sa tunay na kayamanan ng angkan namin,” dagdag ni Jace. Lalo akong naguluhan sa sinasabi nila.

“Tama Kuya. I’m here with the same mission like you... to find true love. Nag-fail ang relasyon niyo ni Papa Jace so...  I’m the substitute,” sabi niya habang niyayakap ang braso ni Jace.

“Oh c’mmon!” singhal ni Jace.

“Charaught lang!”- Alex.

“Hindi ka nakakatawa Alex. Mas lalong hindi nakakatawa ‘yang misyon misyon na ‘yan,” sumbat ko. “Wala nang pakialam si Alex sa mga ‘yan maging ako. Ikaw na mag-isa mo ang lumutas ng nakatago niyong kayamanan. Wala na kaming kapaki-paki diyan!” sumbat ko kay Jace.

“Sure! Na sa ‘kin naman ang Mapa. I don’t need your service anymore,” sarcastic niyang sabi.

“’Yun naman pala e? Tara na nga Alex!” Bigla kong hinablot muli ang kamay niya upang umalis na ng bahay.

“Aray Kuya, ang sakit...” angal niya sa higpit ng pagkakahawak ko. “Hoy Papa Jace. Mapa lang ang hawak mo, nasa akin pa rin ang susi ng kayamanan niyo. I’m the ‘Key’. Hindi mo mahahanap ang kayamanan niyo without me. Magpapakahirap ka lang. You will still be needing my service!” pasigaw na sabi ni Alex kay Jace habang malapit na kami sa labas ng gate.

“SHUT UP!!!” bulyaw ko sa pamangkin ko.

**

Alex’s POV

 

As usual, nganga ang lola mo nang masermonan muli ng kanyang amo. Ewan ko ba dito kay Kuya Mick, ang OA niyang magalit akala mo tuloy napakalaki ng nagawang kasalanan ni Papa Jace. Ginawa lang naman nung isa ang tingin niya’y magpapasaya sa kanya. Akala mo tuloy pumatay ng tao si Papa Jace sa sobrang galit niya.

How to Seduce a Hunk Again [Book 2] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon