CHAPTER 21: Confession

26 22 1
                                    

• SHOJIOMIE'S POV •

HINDI KO alam kung ano ang disenyo ang inilagay ni Hazel eyes sa napanalunam naming Jewelry Items at sa dinami dami ko pa talagang problema ay iyon ang iniisip ko.

Mahigit iyon ang laman ng utak ko sa ilang araw!

Lagi din akong tinatanong ni Hazel eyes kung bakit ko nga ba siya di kinakausap...

She's just my Special Friend...

Urgh! Tuwing tinatanong niya ang bagay na iyon ay ang linya niya ang laging naaalala ko...

Ano bang meron doon?

Bakit ako apektado?

Apektado ako kasi gusto ko siya, at assuming ako...

At saka iniiwasan ko siya para mabura na siya sa sistema ko.

Shojiomie Ann Arboleda! kahit anong pag-iwas mo sa kaniya, wala kang magagawa! lagi mo siyang sinusulyapan at pinagmamasdan! anong epekto ng pag-iwas doon?!

Napangiwi na lamang ako.

Talagang hulog na hulog na ako sa kaniya. Ang puso't isip ko ay nagsasama na upang itulak ako sa boss kong kahit feelingero ay gustong gusto ko...

Umiling at inihanda ko na lamang ang mga pagkain. Pansin kong wala si Hazel eyes doon.

Lahat ay abala tuwing kakain kami. May naglalagay ng kutsara, plato, tinidor at iba pa. Masaya lagi ang hapag kainan ngunit di maiiwasan ang 'di kibuan dahilan sa naungkat na mga nakaraan na pinag-usapan.

"Kain na!" sigaw ni Aiah.

"Let's eat!" Si Dyrych iyon, mukhang nagustuhan nila ang luto kong Sugpo at Sinigang na isda.

"Jiomie, tara na" mahinhing ani ni Miss Carina "By the way, where's Cyon?"

"Nasa taas" ika ni Aiah "He's resting, mukhang wala rin sa mood. Pansin kong laging nakasimangot na akala mo ay isang batang di maka-move-on na inagawan ng candy"

"Pft, wow...magaling ka na mag Filipino ah..." sabad ni Miss Carina

"Yups! Beki-I mean I studied hard and Iomie teached me"

Ngumiti na lamang si Miss Carina.

"Sandali po ha" kaya ko ba ito? "tatawagin ko lang po si Hazel-este si Boss Halcyon." di ako sanay!

Lahat ay tumango kaya dahan-dahan akong umakyat...

Natagpuan ko na siya, ang kanyang mukha ay animo'y may malalim na iniisip.

Ang kaniyang mga siko ay nakapatong sa grills at may hawak na bote ng alak.

Nainom pala dito si Hazel eyes?!

Walang alinlangang lumapit ako nang kaunti lamang sa kaniya.

Napaka gwapong lalaki...naglalaro sa kulay berde, ginto, at kayumanggi ang kanyang mga mata, malambot na labi, makakapal na kilay at pilik-mata.

Mahirap siyang abutin ng isang katulad ko na para bang kalawakan, kalawakang kailangan mo munang pag hirapan para mapuntahan.

"Kain na" mahinang sabi ko sa kanya, hinintay ko ang sagot niya ngunit pagkalipas ng isang minuto ay wala pa rin siyang imik...Kumunot ang noo ko dahil sa inaakto niya ngayon bad mood daw siya sabi ni Aiah... "uhmm...aalis na ako, hinihintay na nila ko sa baba" wala paring nagbabago "Kung gusto mong kumain, kumain ka na" pagkasabi ko noon ay tumalikod na ako, dahil sa isipin kong baka magsasalita siya ay binagalan ko ang paglalakad.

WHEN OUR DAYS BEGANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon