"Here Fiona. Try this." He said and smiled.

I smiled back and tried to taste the half shredded steak na sya mismo ang naghiwa. Habang ngumunguya ako ay tanging pagyuko lang ang pinusisyon ko dahil alam kong saamin ang tingin nila Lala.

Kung minsan ay naiiling si Lala dahil sa ginagawa ng dalawa, minsan ay halatang gusto na nyang sumingit ngunit tila ba pinipigilan sya ni Sebastian. Ganon din si Megan na hindi mapakali sa upuan nya at animoy naiinis.



Ang sama naman ng tingin ni Grey saamin habang kumakain ako. Hys. Ano ba ginawa ko? Eh parang kanina ayaw nya akong paalisin sa isla na 'to ah!



He's really unpredictable!



"Do you want me to peel this shrimp for you?" malambing na sambit ni Dwayne kaya ngumiti at tumango-tango nalang ako.


Hehe no one has ever peeled a shrimp for me.


"Here." matapos ay nilagay nya iyon sa plato ko at agad din na sinubo.


Biglang tumikhim si Lala, "Nilalanggam ako." halatang nanunuya ito.


Napailing nalang ako, "Wala namang langgam eh." I replied back. Nginitian lang ako ni Lala at nagpatuloy na din syang kumain.


"How about this? Do you want this?" alok ulit saakin ni Dwayne sa sauté crab na napagkasarap-sarap.


Habang subo-subo ko yung kutsara at ginagawang lollipop ito at nakangiti akong tumango rito.



"Here—"


"Why don't you use your own hand to pick your own foods, Fiona?" natigilan ako sa pagtango at ngiti ng malamig na nagsalita si Grey.



Dahan-dahan ko pa itong nilingon at doon ko nakita ang salubong na salubong nyang kilay habang nakatingin saakin.



"Pakialemero ka, Grey. Mind your own business. Balatan mo 'yang katabi mong hipon!" Lala the never ending panlalait kay Megan. (3)



Napayuko nalang ako at saka kumain. Ano bang problema nya? Hindi ko na sya maintindihan!


Tumahimik na ang lahat. Si Dwayne ay patuloy na kumakain ng mapayapa ganon na din sila Lala, Sebastian at Megan. Habang si Grey ay minsanang magmumura dahil nasusugatan kahit sa pagbabalat nalang ng hipon. Napapailing ako ng patago.



"Fvck this shrimp!" mura nya pa. Nilalagay nya ang mga nabalatan na hipon sa isang plato at marami na ito.



"Shit! I'm starting to hate this thing!" pagrereklamo nya habang pilit na tinatanggal ang ulo ng hipon.



"Let me do that for you, instead." biglang sumingit si Megan ngunit hindi ito pinansin ni Grey at nagpatuloy sa ginagawa.




"What the fvck is wrong with this fvcking head of this fvcking shrimp?! Why does this thing needs to have this fvcking needle on its fvcking head!" at ayun na nga. Naririndi na sya at patuloy lang sa pagbulaslas ng mura.




Napailing nalang ako dahil hindi ko sya kayang tulungan at baka magalit lang ito saakin. Kung si Megan nga hindi pinansin, ako pa kaya. Tahimik sila at nagmamasid lang sa away nito ng hipon. Natatawa pa kung minsanan si Sebastian at si Lala sa hindi malamang dahilan ngunit pinipigilan nila ito. Habang seryoso lang si Dwayne na kumakain at nakatingin sa dagat habang may malalim na iniisip. Si Megan ay nakatitig lang sa plato nya habang ako ay nakatingin sa kamay ni Grey na may mga butil ng dugo.



Tsk, tsk. Alam nya naman na masakit,pinagpapatuloy nya pa.

Parang ako lang din... I already knew it'll hurt me but I kept on choosing to love him even though I'm hurting. Hys.



Maya-maya pa ay... 




"Here." nagulat ako ng biglang ilapag ni Grey ang kanina nya pang binabalatang hipon sa tabi ng plato ko.

Lahat kami ay nagulat at napanganga sa ginawa nya, ngunit tinaasan nya lang ako, kami ng kilay.

"What? Mind your own business. And you,"turo nya saakin. "Eat that." utos nya at saka bigla nalang umalis sa table ng mag isa.

Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa plato na puno ng binalatang hipon. Napanganga nalang ako sa sobrang gulat.

P-Pinaghirapan nya ito.... I-ipapakain nya saakin? P-pinagbalat nya ako ng hipon?!!

"Ugh! Excuse me!" inis at padabog na umalis si Megan sa mesa.

"Buti nga. Landi pa." aning Lala.


Habang ako ay takang-taka at parang gusto na sumabog sa saya. Tinignan ko si Dwayne na nakatingin ng seryoso sa plato ng hipon na binalatan na.


Nang mapansin nya na nakatingin ako ay agad syang ngumiti, "You should eat that. Pinaghirapan nya." he smiled even though I know it's a fake smile.


Nanlalaki pa din ang mga mata ko sa ginawa nya. Hindi ako makapaniwala at gusto ng humiyaw ng puso ko. Kabog ng kabog ang puso ko na gusto nang lumabas sa dibdib ko.

Sa isip-isipan ko ay napangiti ako.

Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko at ang pag galaw ng mga paro-paro saaking tiyan. Nakikiliti ako at gusto kong magtatalon ngunit mas iniisip ko ang maaaring isipin nila kapag ginawa ko iyon.


"Tsk tsk. Hindi ko talaga minsan gets si Grey." iiling-iling na sambit ni Sebastian.


"Pano mo magegets eh wala kang utak." and here goes Lala again.


"At least may puso na kaya kang mahalin." banat ni Sebastian.



"Oh M Gee!" kunwari'y kinilig si Lala, "Oh! Balatan mo yan! Kainin mo, baka sakaling magkalaman utak mo." sabi niya at saka binigay kay Sebastian yung steak.

Nakita kong ngumuso si Sebastian, kase paano nga ba babalatan ang steak. Haha! Hanep talaga 'tong bestfriend ko!


Pero hindi pa din nawawala sa isipan ko kung paano nya pinaghirapan na balatan lahat ng iyon tas in the end para din pala iyon saakin.

Kaya ba he refused the help that Megan offered?

Kyaaahhhhh! I hate my mind! I don't want to assume!

Iba talaga kapag galawang, Grey Zerrester.

Yung tahimik kong puso bigla nyang pinapakabog ng todo.





A/N:

Natagalan kase ang tagal magbalat ng hipon ni Grey.


Keep safe and always pray!

My Sweetest Revenge Where stories live. Discover now