CHAPTER TWO

1 0 0
                                    


OKAY, SO HERE we go. Nasabi ko na sa kanya ang lahat ng mga gusto kong mangyari. Nung una pumalag siya pero hindi ako ang klasi ng taong babaguhin ang nakaplano na dahil lang sa ayaw ng iba. Get lost.

"Hey, look who's here! Yohann! It's been awhile since napadpad ka dito ah?"

Masiglang bati ni Lily, sabay halik sakin sa pisngi. Pinsan siya ni Marguax at anak ng may-ari ng bar kung nasaan kami ngayon.

"Oo nga eh, nagulat nga 'ko dito pala ang bar na gustong puntahan ng gf ko." Alibi ko.

Napakunot ito ng noo, "You mean...?"

Tumingin ito kay pandak.

"Ah, by the way. My girlfriend, Debbie." Pakilala ko.

Ngumiti ito ng halatang pilit. Alam kong pagkatapos nito'y tatawagan na nito si Marguax.

"Oh, h-hi." Pagkatapos nito munang pagmasdan ng pasimple ang kabuoan ni Debbie, maya-maya'y "Excuse me, ha, punta lang akong washroom."

Bingo. I smirked.

"Mukang wala naman siya dito." Ani Debbie na ang tinutukoy ay si Marguax.

"Wala nga. Ang baduy naman kung dideretso tayo sa kanya. Edi nabuko tayo  na nagpapanggap lang, mag-isip ka nga!" Nayayamot na sagot ko.

Hinatak ko nalang siya papuntang counter para uminom ng kunti. Umorder ako ng juice para sa kanya.

Wala akong balak lasingin siya kahit na 18 na pala ito, king*na akala ko no'n nasa 13 palang 'to! Buti nalang hindi niya kinalimutang dalhin ang ID niya kanina kaya nakapasok kami ng walang aberya.

"Debbie?" Isang boses ng lalaki ang nagsalita mula sa likod.

Lumingon kami pareho. "Troy."

Hmmm. Tiningnan ko ang expression ng mukha niya. Bigla yatang umamo yung pusa ah

"Kumusta ka na?" Malapad ang ngiti nito

"Ok lang nam—"

Hindi niya natapos ang sasabihin dahil may biglang sumingit na babaeng putok na putok ang cleavage. Napainom nalang ako sa bote ng beer ko.

"Babe, what are you doing here? Kanina pa kita hinahanap!" Anito. "Oh, your ex girlfriend hah!..." Minata nito si Debbie mula ulo hangang paa. "In fairness, hindi kita nakilala agad!" Sabay tawa.

"Oo siya ang ex—"

Pinutol ko ang sasabihin ng lalaki, "My girl. She's mine now." sabay akbay sa babaeng magkakasakit 'ata ng karupokan. "And if you'll excuse us, pauwi narin kasi kami. Tara na, baby! Enough na d'yan, ipagtitimpla nalang kita ng gatas." Aya ko sa kanya na medyo naestatwa.

Hype, nakita lang ang ex nakaganyan na. Mga babae talaga tss.




________

SHIT! BIGLA KAMING napasama ni pandak sa list ng kokoronahan sa pageant ng Campus King and Queen, taena!

"Hah, kasali pala kayo ng gf mong mukhang toddler!" Pang-aasar ni Marguax.

Hindi ko namalayang nasa likod ko pala siya at nakikibasa rin sa nakapaskin sa bulletin board.

Nilingon ko siya, "Don't tell me, you're threatened?"

Natawa siya, "C'mon, Yohann, we all know that coronation night is just for formality purposes! Mananatiling nasa akin ang spotlight!"

She smiled confidently.

"What's mine will stays as mine!" Sa pagkakasabi niyang yun ay tila double meaning  ang dating sakin.

Hmmm, mukhang ako ang tinutukoy niyang mine!

Lumapit ako sa mukha niya at pinapungay pa ang aking mga mata. Saka ngumiti ng nakakaloko, "Tingnan natin."

Agad na 'kong umalis. Kailangan ko pang i-train ang pandak na yun para hindi naman ako masyadong mapahiya.

Haixt. Mahaba-habang inuman 'to

Pumunta ako sa school department building nila. Hindi pala siya pumasok. Ano naman kaya nangyari dun?

Matapos ibigay sakin ang address ng classmate niya kapalit ng kiss— oo ganun talaga sila sakin dito, ay dumeretso na ko sa kanila pagkatapos ng klasi.

"Debbie, please, sana tayo nalang ulit! Wala na kami ni Mae Ann!"

Nakabukas na ang gate kaya papasok na sana ako nang maabutan ko ang mala Popoy at Basha na eksina. Natawa ako sa pagmamakaawa ng ex ni Debbie sa kanya. Manonood lang muna sana ako nang makita ko ang ekspresyon ng mukha ni pandak. Anak ng tipaklong, baka bumigay na 'to!? Masisira ang plano

"Teka..." lumapit ako sa dalawa, "May nangyayari ba ditong hindi ko alam?" Acting like a jealous boyfriend jpeg

"A-ahm..." nagpalipat-lipat ng tingin samin si pandak.  Kunwari'y nagtaas ako ng kilay. Bigla siyang ngumiti sakin, "Babe, sorry hindi ako nakapasok sa school ngayon, nilalagnat kasi ako." Sabay pout ng maliit nitong mga labi. Bweset, nagpapakyut ba siya? Kanino? Whatever.

Pagkarinig ko sa sinabi niya ay agad ko siyang nilapitan at sinapo ang kanyang ulo, medyo mainit nga siya. "Haixt at nandito ka pa sa labas!..." sinamaan ko naman ng tingin ang ex niya, "...Pre, p'wede bang lubayan mo jowa ko!?"

Nakakabweset talaga ang pagmumukha ng mokong na 'to,  ang mga ganyang hilatsya ay alam mong hindi pagkakatiwalaan.

Buti naman at nadaan ito sa sindak kaya umalis, dahil kung nagkataon ngayon lang ulit ako makakasapak ng mang-aagaw sa buwan na 'to.

"Lagi ba siyang pumupunta dito?" Tanong ko pagpasok sa bahay nila.

"Ngayon lang." aniya.

"Ahhh" wala sa loob na sagot ko habang tinitingnan ang mga paintings na naka sandal lang sa gilid ng sala "Ikaw ba gumuhit ng mga 'to?" Tanong ko ulit.

Medyo na-curious ako sa isang painting na natatakpan ng isa ding painting, hahawakan ko sana ito nang bigla niyang tapikin ang kamay ko,

"Wag!" Nabigla ako sa ginawa niya. Weirdo.

"A-ano nga pala g-ginagawa mo dito?" Nauutal na tanong niya, na parang nayayamot. Wow ha?

Tumikhim na 'ko, medyo napahiya kasi eh pfft. "Malapit na kasi ang coronation night, mag-t-train ka sana ngayon pero dahil nga may sakit ka, saka nalang."

"At sino bang nagsabi sayong payag na kong sumali?" Kuntra niya.

"Hoy, wala kang choice!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 11, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

STEALING MY GIRL Where stories live. Discover now