CHAPTER ONE

1 0 0
                                    

Pagkaparada ko ng kotse sa labas ng lobby ng school, agad na inihagis ko ang susi sa istudyanteng sumasalubong sakin sa tuwing papasok ako.

Mabilis na nahagip ng gilid ng mga mata ko ang papapasok din na dalawang traydor— ang ex ko kasama ang bago niya. Haixt kung mamalasin ka nga naman!

Hindi ako lumingon.

Hindi ko sila pinansin.

Nakapamulsa akong dire-diretso sa paglalakad kahit alam kong pinagtatawanan nila ako. Da hell I care.

"Y-Yohann, I've just heard what happened. Are you o-okay?" Mukha ng hindi ko kilalang babae ang sumulpot sa harap ko, kasama pa ang mga alipuris niya. Tss.

Mukha ba 'kong okay? Bobo.

"Tabi." Malamig na utos ko.

Sinubukan niyang hawakan ang braso ko. "I'm just here if you need anything hmm?"

"Yes, we're here for you!"
Pa-cute pa na sabi ng mga ito.

Agad kong tinanggal ang mga kamay niya sa pagkakahawak, at tinapunan siya ng masamang tingin. "Lakompake."

Dumiretso na 'ko sa pagpanhik sa second floor. Dinig ko na ang ingay mula sa labas ng aming room, mukhang wala pa ang teacher.

Pagbukas na pagbukas ko ng pinto ay sabay-sabay na istatwa ang mga gago. All eyes are at me. Tss.

Wala ni isa naglakas ng loob na usisahin ako. Buti naman. Dahil alam na nila ang mangyayari.


_________

"What the heck, bro! Ano'ng binabalak mo?" Tanong sakin ni Kevin—tropa ko.

Nasa bahay niya 'ko ngayon. Weekend, kaya nag-aya siya ng inuman. Tumatawa siya habang nilalantakan ang pulutan namin. Ang siba talaga.

"Don't tell me, yan ang ipapalit mo kay Margaux? No way. That's crazy, dude! Kailan ka pa naging pedophile?" Hindi makapaniwalang saad niya.

Hindi ako sumagot. Nilagok ko nalang ang natitirang lamang beer sa baso ko.

1 month ago, ipinagpalit ako ng malanding ex-girlfriend kong campus queen na si Margaryth Miler o mas kilala bilang Margaux sa MVP naming si Jake Xavier.

FYI, I used to be the five time most valuable player of our basketball team for three consecutive years. Yah, hindi lang ako nag-MVP nung nakaraan ay ipinagpalit niya na 'ko agad.

Nyeta!

And because I love my pride more than her, so I've got into this decision.

Gagamitin ko ang war freak na babaeng yun para ibalik ang pride ko na inapakan ni Margaux.

Na mas masakit pa kaysa sa sipa ng pandak na yun! Shit.

Siya ang napili ko dahil obvious naman na mukha itong engot, low profile at higit sa lahat— pandak!

Tiyak akong magugulantang ang ego ng ex ko sa oras na malaman niyang sa ganyang klasi lang ng babae ko siya ipagpapalit.

Bukod dun, pansin ko rin na hindi ito attracted sakin— seguro dahil narin sa sobrang labo ng mata nito. Pero wala na 'kong pake, mas ayos sa'kin yun para hindi na 'ko mahihirapan kumalas.

Gagawin ko ang lahat magsisi lang siya sa ginawang pambabaliwala sakin.

Para sa'n pa ang pagiging magaling kong mang-agaw ng bola. [smirked]

Btw, kung tinatanong niyo kung ano ang pangalan niya— that damn girl, hindi ko pa alam. Nakalimutan kong itanong eh.  Pero hindi naman mahalaga yun. I'm up for my plans.

At wala siyang ibang choice kundi pumayag, kung ayaw niyang kasuhan ko siya ng physical injury— na wala naman akong balak talaga gawin dahil mas magiging kahiya-hiya ako nun.

Shit ulit.

___________

"YOU'RE LATE!" Inis kong sabi sa babaeng 'to na Debbie pala ang pangalan.

"Sorna, nagpasa pa kasi ako ng requirements kay sir!" Pagdadahilan nito. Tch, ayoko talaga ng pinaghihintay ako.

Tapos nakasuot pa ito ng Tshirt at maong.
Ang plain haixt! Pa'no ko 'to ihaharap kay Marguax?

Hinawakan ko ang kamay niya at kinaladkad papasok ng salon at boutique para magmukang tao naman siya.

Sa wakas, after a cycle of evolution, naging tao narin siya. Salamat sa mga magagaling na staff at designers.

Cute din naman pala ito kapag nabibihisan— all credits to me, of course.

"Nagugutom ako." Angal niya maya-maya

Matapos iabot sakin ng teller ang credit card ko, agad ko siyang inakbayan para hilahin papunta sa malapit na fast food.

Takte 'di manlang umabot sa kili-kili ko 'to. "Tara order tayo ng kiddie meal kay pareng Jollibee."

Nagulat ako nang bigla niya 'kong siniko sa tagiliran.

Bweset, sakit no'n ah!

Sinamaan naman niya 'ko ng tingin. Nainis ako kaya agad kong sinukbit ang braso ko sa kanyang leeg para hatakin nalang ang ulo niya hangang sa makalabas na kami ng salon.

Walang nagawa ang pagpupumiglas niya sa ilalim ng kili-kili ko dahil nga sa 'di hamak na lakas at tangkad ko sa kanya.

Wala talaga akong pasensya sa mga makukulit na bata!

Sa isang fine dinning resto ko siya syempre dinala. Nakakahiya naman kung may makakita sakin na nasa fast food ako.

Pagkalapag ng inorder namin sa misa ay humila na 'ko ng mauupuan. Akmang uupo ro'n si pandak pero agad ko itong inupuan, kaya nakasimangot siyang lumipat nalang sa bakanteng upuan sa harap ko. Hah, kala mo ah!

"I-ikaw, kanino ka pa." Mahinang boses na sumbat niya.

Ngumisi lang ako. Feeling nito? Gentleman lang ako sa mga trip ko, oy! Manigas ka!

"Psst sis, ang gwapo nung guy oh! Sh*t yung dimples niya hmmp!"

"Oo nga, myghad! Tingin mo, artista siya?"

Patay malisya lang akong tahimik na sumusubo ng pagkain habang naririnig ko ang bulungan ng dalawang babaeng katabi namin ng lamisa na kahit hindi ko man lingunin ay alam kong ako ang pinag-uusapan nila. Sanay na 'ko.

"Dunno. Pero wait, kunin ko lang cp ko."

Isang flash ng camera ang nagpalingon sakin sa kanila. "Oh em geeee! Bes, he's looking at!"

Haixt! Napilitan tuloy akong tumayo para lapitan sila. My arms were crossed upon casually looking at their blushing faces. "Hi girls."

"H-hello!"
"Hi!"

I drew a smirk, "May I request to give us some privacy with..." Nilingon ko muna si pandak na parang may sariling mundong abala lang sa kinakain. "...my younger sister?"

"S-sure. Hehe, sorry ah!" Mas lumapad pa ang pagkakangiti ng mga ito pagkasabi ko ng 'younger sister'

"Yah, hindi namin napigilan. Pero don't worry, cute ka parin habang ngumunguya. Yieee!" Kinikilig na sabi ng mga ito.

"B-by the way, I'm Maggie!"
"And I'm Ja—!" Hindi ko na inantay ang pakikipagkamay nila, tumalikod na 'ko upang bumalik sa misa namin. "Tsk. Suplado naman."

Pagkabalik ko'y ininom ko nalang ang natira kong juice kanina. "Bilisan mo na d'yan." Utos ko kay pandak.

STEALING MY GIRL Where stories live. Discover now