Prologue

7 4 2
                                    

Back when i was 6 years old.....

"Ma?"Tawag ko kay Mama.

Napatingala naman si Mama sa pagkakaluhod dahil sinusuotan niya ako ng sapatos.

"Bakit baby?"Tanong niya.

"Bakit po tayo nakaitim tapos....umiiyak po ba kayo?May tumulong luha kasi sa mata ni Mama ng nagtanong ako kung "bakit kami nakaitim"

"Ahh---w-wala lang baby ano kasi mamaya ko nalang sasabihin."Sabi niya at umalis agad kaya napakunot naman ako.

Ang weird nila...kahapon pa...kahapon si auntie ngayon naman si Mama.

At isa pa,nasaan kaya si Papa?Isang linggo na ata siya hindi umuuwi...Hays baka busy.

Biglang nagbukas yung pinto papunta sa kuwarto nila Mama at Papa.

-Simple lang yung bahay namin,At pamumuhay namin noon,Maganda,maaliwalas,walang problema,hanggang sa dumating ang araw na namatay si Papa,nagka-letse-letse na ang buhay namin ng namatay si Papa.-

*/Bang*/Bang*/Bang

-Kakatapos palang ng libing ng Papa ko noon.-

"Anak!Baby ko!Mikey nasaan ka?!"Sigaw ni Mama na di ko alam na kung nasaan siya.

Umuusok at dagdag pa yung putok ng mga baril.

"M-Mama!"Pinilit kong sumigaw kahit hindi na ako makahinga dahil sa usok na naamoy ko.

"Jusko!Baby,Mikey anong nangyari sayo okay ka lang ba?"Tanong ni Mama at tinapik-tapik yung pisngi ko dahil pumipikit nako.

Ngumiti ako.

"Opo Ma."Sabi ko at tumayo inalalayan ako ni Mama.

Pero habang lumalayo kami ay naalala ko yung 2 bagay na nagpapaalala sa Papa ko.

Kaya napatakbo ako pabalik.

Narinig ko pang tinatawag ako ni Mama pero hindi ko na siya pinakingan.

Ang picture frame naming magpapamilya at bracelet na ipinamana saakin ni Papa.

Puro bulaklak lang ang design ng bracelet pero para saakin sobrang halaga na nito.

-Mula noon ay lumuwas na kami ng maynila at doon nagtrabaho si Mama para makapagpatuloy ako ng elementarya hanggang highschool.-

After 10 years later...

Nagkasakit si Mama,hindi ko naman siya mapa-check-up sa kakulangan ng pera.

I was 16 years old that day.

Kailangan kong mag-working student para matustusan yung mga gamot ni Mama.

Nag-janitres ako sa mga mall o kung minsan nagkakasambahay nalang ako sa kapitbahay namin.

Mabuti nalang at mabait yung may-ari ng bahay dito sa kapitbahay namin.

Pinapayagan niya akong sa gabi nalang mag-trabaho,mga 5 hours lang ako sa bahay nila tapos pagkatapos non ay sa mall naman ako.

Kapag sabado at linggo naman ay nag-tra-trabaho ako sa milk-tea shop halos wala na ata akong pahinga.

Ng makapag-ipon-ipon ako ay sa wakas na pa-check up ko na siya,pero nanlumo ako ng malaman ang sakit niya.

Meron siyang Myocardial Infarction or in other term ay heart attack.

Until i am 17 years old...

Kailangan ko na talagang maging scholar pero wala akong mahanap na paaralan dahil lahat ng paaralan na napapasukan ko ay hindi tumatanggap ng schoolar kaya minsan napapaisip na lamang ako.

Sana hindi nalang namatay si Papa para hindi kami ngayon naghihirap ni Mama.

Shape's Of Love[BOOK 1]Kde žijí příběhy. Začni objevovat