CHAPTER 13;HULING HAWAK

137 7 0
                                    

Hiniram uli ni Sam Ang single na motor Ni Gabriel pero sa ngayon di na siya nag helmet , Tulad nang dati nakayakap siya sa lalaki.

"Sana ganito nalang Tayo lagi..."
-piping hiling Niya.

"Wala pa ba man tayong label Sana Sam wag mo sirain Yung tiwala ko.... Hindi man ako expressive pero Sana naramdaman mo din na gusto Kita higit pa sa pag gusto mo Sakin ..... Sa tuwing ka chat Kita nawawala Yung stress na raramdaman ko sa buhay ,Sa tuwing kavideocall Kita nakikita ko nalang sarili Kong tumatawa kasama ka.... Ikaw Lang nag padama Sakin nang ganito... Kung Sana Lang wag Tayo dumating sa puntong kailagan natin bitiwan Ang isa't Isa"
-Gusto niyang Isantinig pero tinikom Niya Ang bibig imbis mas  hinigpitan Lang Niya Ang pag kakapit sa lalaki.

"Nandito na Tayo...."
-Anunsyo Ni Sam

Napaayos Naman siya nang upo,

"Oo nga dito na Tayo.."
-Sang ayon Niya at Nilibot Ang tingin sa Parke.

"Saan mo gusto pumunta?"
-Tanong nito.

Sa pag kakataong Ito siya na Mismo Ang hunawak sa kamay nang lalaki,

"Gusto Kong mag lakad lakad Mona Tayo habang nang uusap Kung ayos Lang sayo .."
-Nakangiting sagot Niya.

Napangiti din Ang lalaki, "Gusto ko Yan ..Tara na"

Mag kahawak kamay silang pumasok sa Parke ,

"Hindi ba granduating kana?"

Basag nito sa katahimikan,Tumingin siya sa lalaki,

"Oo bakit mo na tanong?"

"Plano ko nga sanang sa school mo din mag aral para makikita Kita araw araw "
-Gusto niyang idagdag pero mas minabuti niyang wag monang sabihin sa lalaki.

"Wala Lang Iniisip ko Lang Kung saan ka mag college."

"Ahmmm di ko pa Alam eh"
-Sagot niya.

"Ikaw ba?"
-Tanong Niya pabalik.

"Dun pa din ,Dahil may company si Dad baka about business Yung course na Kukunin ko kahit ayaw ko pa...."
-Panimula nito.

"Ganon ba? Ahmm ano ba Sana Yung gusto mo?"

Napatitig Ito sa kanya, "Gusto ko Sana maging Pilot pero Mukhang impossible...."
-Malungkot na kwento nito.

"Ganon ba.... Wag kanang malungkot siguro baka talaga di para sayo Yung course na Yun .... Baka mas makakabuti Kung business ka ,Ang importante maka tulong sa Pamilya mo o sa iba man ... Matutunan mo din mahalin Ang professiong nakalaan para sayo mag tiwala ka Lang..."
-Pam palakas loob Niya sa lalaki.

Tumigil Ang lalaki sa pag lakad at lumingon sa kanya ,

"Thank you ,Richelle dahil sa Sinabi mo mas Naiintindihan ko na ngayon...."

Ngitian Niya Ito ,"Wala Yun..."

Hinala siya nito papasok sa Seven Eleven ,

"Gusto ba nang Ice cream?"
-Tanong nito.

Tumango siya bilang sagot ,

"Upo ka Mona dun ako na mag oorder"
-Utos nito.

Tumango Naman siya at sinunod Ang sinabi nito pag kaupo Niya rinig na rinig Niya ang bulungan nang mga Babae sa kabilang Table.

"Hindi ba si Sam Rolex yun....Sino yang girl na kasama niya?
-Girl One.

"Siya nga ,Ang gwapo Niya pala in person ..... Akala ko may girlfriend na siya di Kaya yang girl na kasama niya."
-Girl two.

"Hindi Naman siguro baka classmate Lang o kaibigan"
-Girl three.

"Ano iniisip mo?"

Napaangat siya nang tingin nang marinig Ang boses Ni Sam.

"Huh? Wala "
-Umiwas siya nang tingin, "Sikat pala siya"

"Ito ice cream mo ,Hot dog sandwich at siopao Ang binili ko pumili ka Jan Kung ano gusto mo Yung natira Ang Sakin."

Napatitig siya sa lalaki ,"Ahmmm Yung siopao nalang Yung Sakin... Salamat".

Ngitian Lang siya nito at inabot sa kanya Ang siopao pati na Yung sauce.

"Palagi ka ba rito?"
-Di Niya maiwasang itanong.

Kumuya Mona Ito bago sumagot, "ahmmm sa Amin dun sa city oo lagi ako sa seven eleven malapit Lang Kasi sa school...."

Tumango-Tango siya ,"Ganon ba...."

"Ikaw ba?"

Napaangat siya nang tingin ,"Ahmmm paminsan Minsan Lang....."

"Ahh Ganon ba.... Pag katapos nadin dito saan mo pa gusto pumunta??".

Napatigil siya sa pag nguya at tumingin sa lalaki ,

"Ikaw saan mo gusto..."

Sasagot na Sana Ito pero biglang nang ring Ang cellphone nito,

"Excuse me ,sasagutin ko Lang to."
-pamaaalam nito at lumabas.

nAiwan siya sa loob ,Pinanood Niya Ang lalaki Mula sa loob Nakita niyang nag bago ang facial expressions nito habang nag sasalita. Mukhang Hindi maganda Ang isinabi nang kabilang linya.

Napaayos siya nang upo nang makitang pabalik na Ito,

"Chelle, Pasensya na Kailangan ko umuwi sa city ngayon may emergency Kasi sa bahay.... Hatid na Kita sa inyo sa susunod nalang Tayo mamasyal sa iba pa ... Pasensya na talaga..."
-Senserong hingi nito nang Pasensya.

"Ayus Lang.....sige Tara na"

At lumabas na sila sa seven eleven at hinatid na nga siya nito.

Huling Hawak {EDITING}Where stories live. Discover now