Unleashed demon

8K 217 3
                                    

Mike's POV

Nung may narinig kaming kalabog galing sa taas ay dali-daling umakyat si Ritch sa kwarto ni Pritz na galing pa sa kusina. Ilang saglit lang ay bumaba agad siya nung makita niya kung ano man ang nangyari sa kwarto ni Pritz. 

Ritch: Guys jan muna kayo aasikasuhin ko muna dun si Pritz!

Nagtaka naman ako kaya nag tanong na ko. Curiosity kills the handsome cat. Syempre ako yung handsome at si Grey naman yung cat talino ko diba? 

Mike: Anong nangyari??

Andrea: Kamusta si Pritz??

Ritch: Ahmm mamaya ko na sasagutin tanong niyo guys wait lang talaga.

Krisel: Pwede ko ba siyang puntahan? (nagaalalang tanong niya)

Ritch: Wag na muna Kris kami na bahala ni Grey. jan muna kayo. Tawagin ko nalang kayo kung kelangan na ng tulong.

Kaya umakyat na agad si Ritch pabalik dun sa kwarto ni Pritz. Kami nila Krisel andito lang sa sala hinihintay na tawagin kami ng aking prinsesa na magiging asawa ko (^,^v) 

Nakita kong alalang alala parin itsura ni Krisel dahil din siguro sa nangyayari sa taas kahit ako nagaalala kung anung nang yayari sa taas eh di ko lang pinaphalata. Di itaas na sa heaven ha? baka isipin niyo yung sinabi ni Grey kanina. Kaya kinausap ko nalang si Krisel dahil ako ang kanyang gwapong kapatid at ayaw kong nagkakakaganyan siya kasi mahal ko ang kapatid ko.

Me: Kris wag ka na masyadong mag alala please. Di yan makakatulong sa nangyayari sa taas.

Andrea: kaya nga bes, hintayin nalang natin maging maayos ang nangyayari sa taas or tawagin tayo ni Ritch.

Krisel: *tango*
Ay parehas pala kami ni Andrea na napansing masyado nang nag aalala si Krisel. Hayy sabagay bestfriend nga naman pala sila. 

Pero bigla kaming may narinig na sigaw. Rinig na rinig namin ang sigaw na galing sa itaas kasi pag tingin namin ay di masyadong na sarado ang pinto. 

Krisel's POV 

Nag aalala na talaga ako sa nangyayari dun sa kwarto ni Pritz kasi kanina lang okey naman ang lahat eh simula nung napansin niya yung gamit ni Grey dun na nag iba aura niya.

Nagulat kami nung may narinig kaming sumisigaw kaya di na namin na hinintay na tawagin kami ni Ritch tumakbo na kami nila kuya at Andrea papunta sa kwarto ni Pritz.

Pritz's POV

Di maaari to!! Matinding galit ang naramdaman ko ngayon dahil sa nalaman ko!! Di ko na alam anong pinag gagawa ko habang hawak ko ang kwintas na ipinabigay daw sakin ng papa ko. Gusto niyo malaman kung bakit ako galit? 

*flashback*

Pagpasok namin ni Grey dito sa kwarto ay parang nag iba na itsura niya yung kaninang parang mapagbiro biglang napalitan ng isang seryosong mukha.

Grey: Pritz please be calm after you hear about the thing I have in my bag.

Kaya kinabahan na ako. Buseet dahil sa sinabi niya parang ayaw ko nang malaman ang kung ano man ang nasa bag niya. Pero kailangan yun ang sinasabi ng isip ko eh kaya tinanong ko na siya.

Me: Ano ba talaga ang laman niyang bag mo?

Pero bago niya sagutin ay binigay niya na ang laman ng bag niya at nalaman kong file's eto tungkol sa mafia at meron pa siyang pinahabol na gamit galing sa bulsa niya.

Grey: In that folder King or ...lets say your father put all the information about the mafia under your family supervision and about the necklace i just gave you, It's the necklace that the king wants me to gave you before I left your house oh scratch that house your PALACE when someone attack and bombed the palace before I went here to protect you from the other mafia who wants to kill you.

At dahil sa sinabi niya napatingin ako sa kwintas na binigay sakin at nakita kong ito yung kwintas na laging suot ni papa at sabi niya ito daw ang patunay na ako siya ang namumuno sa Vognilla mafia.

Bigla kong naalala yung panaginip ko. At unti-unting nag sisink sa utak ko ang mga sinabi ni Grey ay naikuyom ko ang kamao ko na may hawak ng kwintas at sinabi ko sa sarili kong 

NGAYON NA ANG TAMANG ORAS PARA LUMABAS ANG DEMONYONG TINATAGO NG VOGNILLA. 

*end of flashback*

Bigla akong nag balik sa katinuan nang may yumakap sa likod ko. At pag tingin ko sa paligid ko ay ang kalat na at naka handusay sa sahig si Grey na dumudugo ang ilong at ang kanyang labi. Anong nangyari?!

Sila Mike at Andrea pati narin si Ritch parang takot na takot ?? Si Krisel eto nakayakap salikod ko na parang umiiyak. Ano ba talagang nangyari??

Ritchelle's POV

Pagpasok ko ulit ay nakita kong bibugbog na ni Pritz at nakita ko rin na ganun parin ang kulay ng kanyang mata pag galit na galit siya. Ayaw ko siyang pigilan sa ginagawa niya kasi ayaw kong mabugbog ni Pritz kasi baka sobra pa dun ang mangyari kaya sumigaw nalang ako.

Me: PRITZZZ TAMA NA PLEASE BAKA ANUNG MANGYARI KAY GREY!!

Pero para siyang walang narinig patuloy lang siya sa pang bubugbog niya kay Grey. 

Nang biglang may pumasok dito sa kwarto at nakita kong niyakap ni Krisel si Pritz. At bigla siyang napatigil sa ginagawa niya. Nung napatigil siya ay tumingin siya sa paligid niya at samin pero yung mata niya Blue at Red parin ang kulay halatang galit parin siya pero bakas sa mukha niya ang pagtataka.

Andrea's POV

Nangmakarating kami dito sa kwarto ni Pritz ay nakita namin ang kalat ng kwarto puros basag na salamin at yung ibang gamit ay nakakalat sa sahig tapos si Pritz binubogbog yung mahal ko. (O.O) 

Yan ang mata ko nung nakita ko yung ginagawa ni Pritz kay Grey pero nung niyakap siya ni Krisel ay napatigil siya at nung humarap siya samin ay natakot kami bigla sobra!! Pati yung itsura namin ni Kuya Mike Di maintindihan dahil sa takot. 

Ikaw ba naman makita mo yung isang tao na may magkaibang kulay ng mata tapos may dugo pa yung kamay. Tapos si Krisel naman nakayakap parin sa likod ni Pritz habang umiiyak. Nung may binulong si Krisel kay Pritz ay biglang nag iba yung kulay ng mata niya at bumalik sa pagiging brown gaya nung dating kulay na nakasanayan namin sa kanya at nawalan ng malay si Pritz.


Krisel's 

Nung pag pasok namin sa kwarto at nakita ko ang ginagawa ni Pritz kay Grey ay parang tumigil sa pag proseso ang utak ko at bigla ko nalang siyang niyakap habang umiiyak.

Ewan ko kung bat ako umiiyak. Siguro dahil ngayon ko lang siya nakitang nagalit ng ganito. 

Nung tumigil na siya ay parang may kung ano siyang iniisip dahil palinga-linga siya sa paligid niya. Nung huminto siya ay may binulong ako sa kanya.

Me: Pritz I LOVE YOU PLEASE CALM DOWN. PLEASE (habang umiiyak ako)

Pagtapos kong sabihin sa kanya yan ay bigla siyang nawalan ng malay.

Kaya nang nawalan siya ng malay ay nilagay na namin siya sa kama niya at inayos ang pagkakahiga. At pinag tulungan na namin ni Andrea linisin ang kwarto niya at may nakita kaming folder kaya nilagay nalang namin sa sidetable ng higaan niya. Si Grey naman ayun ginagamot na siguro nila Ritch at kuya nung tinulungan binaba nila si Grey kasi parang nang hina siya dahil sa ginawa sa kanya ni Pritz. 

Gagawin ko ang lahat para malaman kung anong nangyari.

The Mafia Heir is a Mr.SHE? (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon