New classroom

12K 280 2
                                    

Pritz's POV

Eto ang ayaw ko eh!! Ang malipat sa unang section!! ASAR! PROMISE!! YAN CAPSLOCK PARA FEEL NA FEEL AT INTENSE!!

*flashback*

Habang nag hihintay ako ng teacher kasi alam ko naman na walang pakialam tong ibang tao dito sa room kung dumating man o hindi ang teacher .

May natanggap akong message sa cellphone ko na galing sa unregister number. Pero pagka bukas ko ng message alam ko na kung sino. Wag kayo mag isip na manghuhula ako o kung ano mang kababalaghang alam niyo dahil di yun ang sagot .

Nalaman ko kung sino yun dahil NAGPAKILALA siya kung sino SIYA! YUN YON .
Ang nag message lang naman sakin ay ang Principal netong university.

Kung nag tataka kayo kung pano siya nagkaroon ng contact ko ay tanungin niyo may-ari netong paaralan na to at yung magulang ko dahil ang alam ko lang ay katulong ko ang magulang ko sa pagtatago ng sarili ko dito sa university.

Eto na yung laman ng message
_________________________
Message from: 09*********
Mr.Cruz Please come here in my office now.
I'm the Principal of this university
_________________________

Kung nag tataka na naman kayo kung bakit Mr. ang gamit niya ay yun ang di ko alam. Alam ko namang alam nila na babae ako eh. bahala sila sa buhay nila kung ano ang itawag nila sakin basta wag lang nila akong galitin.

At yun na nga lumabas na ako ng room wala namang naka pansin sakin na lumabas ako kasi meron silang sariling ginagawa.

Andito na ako ngayon sa office ng principal hinihintay na lumabas siya. At ilang minuto pa lumabas na siya galing sa isang kwarto na andito sa loob ng office niya.

Paglabas niya para akong mahulog sa kinauupuan ko dahil sa gulat . Di yung gulat na dahil sa natatakot ako sa kanya kundi sa itsura niya. HAHAHAHAHAHAHA

Yung itsura niya parang matatae na di mo maintindihan idagdag mo pa yung PANOT siya at pinagpapawisan ng madami. HAHAHAHAHAHA!!
Pinipigilan ko lang na matawa kasi baka kung ano sabihin niya WAHAHAHAHAHAHA LAPTRIP TALAGA ITSURA NIYA PRAMIS!!!

Pero STOP na pfffft. kasi nagsalita na siya.

Principal: Mr.Cruz I want you to transfer in the first section of your course . Because as we all know you have an excellent grades just like them or let's say some of them. Don't worry if you think that the teacher will ask you or notice you. We will remind the teacher about the thing you want in this university.

At dahil sa isa akong dakilang estudyanteng nakikinig sa sinasabi ng mga guro at namamahala netong paaralan. Nag nod lang ako, ang haba ng litanya niya!

Pero bat nila ako kelangan ilipat?! alam ng magulang ko na ayaw ko dun!

Matanong na nga lang sila mamaya pag uwi ko sa bahay na tinitirhan ko ngayon.Basta siguraduhin lang nilang walang mang gugulo sa tahimik kong buhay ngayon at kundi buhay talaga nila ang magugulo!! Pwera sa magulang ko kung sila ang mang gulo. Mahal ko kaya mga magulang ko. HIHIHI

Lumabas na ako ng office at may ipinasamang teacher sakin papunta sa bago kong classroom para siguro kausapin yung teacher na nag tuturo dun ngayon. Kasi sigurado sa oras na to nag uumpisa na ang klase.

Habang naglalakad kami ng guro papunta sa bago kong classroom ay may nakasalubong kaming estudyante na paakyat din at na una siyang naglakad to be exact nakabuntot kami sa kanya.

Ang ganda niya promise pero habang naglalakad kami ay palinga-linga ako sa taas ng mga pintuan kung san makikita yung room number.

Pero laking gulat ko nang huminto din dun sa hinahanap kong room yung babae kanina na sinusundan namin.Kumatok siya at binuksan ang pintuan pero bago kami naka pasok ay tinawag nung teacher na pinasama sakin yung teacher na nag tuturo.

Pag labas nung teacher ay pumasok na kami para wala nang atensyon na ibigay pa mamaya yung teacher. Pagpasok ko ay dumiretso na ako sa sulok netong classroom at umupo banda sa may bintana.

At ilang minuto pa ay bumalik na ang teacher at nag simula nang magturo ulit. Siguro sinabihan na siya nung teacher kanina tungkol dun sa gusto ko na pag trato sakin.

*End of Flashback*

Ilang subject pa at ilang oras lumipas ay LUNCH BREAK narin sa wakas.

Haysst ganito ba talaga sila pati dun sa dati kong section pag dating ng lunch break nag uunahang lumabas. Di halatang gutom sila ha.

Habang nag hihintay ako na maka labas lahat ng ka klase ko ay naka tingin ako sa labas nang bintana pero may nararamdaman akong may nakatitig sakin.

Pag baling ko ng aking paningin sa ibang direction kung saan nagmula yung naramdaman ko, nakita ko yung babae kaninang sinundan namin kanina at meron pa, yung babaeng naka titig sakin siguro kasama niya yun.

Habang nagkatitigan kami ay kinuha nung babaeng kasabay niya ang atensyon niya kaya kinuha ko yung pagkakataon na yun para makapag tago sa ilalim ng mesa . Buti nalang at matalino ako kung tungkol sa taguan HAHAHAHAHA.

Ilang sandali pa ay naramdaman kong umalis na sila kaya lumabas na ako sa mesang pinagtaguan ko at lumabas na sa room at pumunta sa cafeteria para maka kain na kasi nag wawala na ang mga alaga kong dragon sa tyan.

The Mafia Heir is a Mr.SHE? (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon