SA SUSUNOD NA HABANG BUHAY

135 7 15
                                    

Ilang beses kong kinurap ang mga mata ko upang pigilan ang mga luha mula sa pagbagsak ngunit hindi pala ito epektibo.

Kasabay ng pagpatak ng masasaganang luha ay ang pagguhit ng isang ngiti mula sa aking labi. Tinanaw ko siya na nasa dulo ng nilalakaran ko. Nakaabang sa akin at pawang may luhaan ding mga mata, pero sa likod nito ay nakikita ko ang kagalakan doon.

Sa wakas, nandito na kami. Narating at nagawa na naming makarating sa lugar na ito kung saan inakala namin na hanggang sa pangarap lang mangyayari.

Muli kong inihakbang ang mga paa ko papalapit sa kanya at kasabay noon ay ang pagbabalik tanaw ko sa naging simula namin.

Napapikit ako nang mariin at napabuga na lamang ng hangin nang makita kong sarado na ang pintuan ng room ng prof namin para sa Calculus. Ngayon ang midterm exam namin sa subject na iyon at natapat pa sa first subject. Masyadong estrikto si Mrs. Ramos. Hindi pwede sa kaniya na may ma-late ng isang minuto dahil paniguradong isususi niya ang pinto ng room niya at heto nga, limang minuto akong late dahil kakagaling ko lang sa part-time job ko at inabot ng umaga ang OT, kaya na-late at napagsaraduhan.

Kahit kailan ay hindi nadadaan sa pakiusapan at paliwanag ang prof namin na ‘to. She always say that it isn’t her fault. Hindi na ako magtataka na bagsak ang grade ko sa kaniya. Napasimangot na lang ako at pabagsak na naupo sa may corridor.

“Paano na ‘yan?” mahinang tanong ko sa sarili. Nakakainis! Hindi ko naman kasi inakala na hindi papasok ang kapalitan ko sa trabaho kaya naging straight ang duty ko. Alam naman ng manager na nag-aaral ako at may pasok pa pero hindi rin siya nagpakita ng pakielam sa schedule ko.

 “Oh, bakit ang aga-aga pa, mukhang pang Biyernes Santo ‘yang mukha mo?” Napaangat ako ng tingin sa nagsalita at nabungaran ko ang isang lalaki na nakatingin sa akin na may ngiti sa mga labi. Napakunot ang noo ko at sinubukang kilalanin siya pero wala akong maalala na pagkakataon na nakasalamuha o nakausap ko siya.

Napatingin ako sa dalawang gilid ko at tinignan kung may iba ba siyang kinakausap pero wala akong nakita na iba. Muli ko siyang tinignan at tinuro ang sarili na bahagyang nakapagpatawa sa kaniya.

 “Yes, ikaw ang kausap ko. Wala ka namang nakita na iba, 'di ba?” saad niya sabay abot sa akin ng hawak niyang kape mula sa isang kilala at mamahaling coffee shop. Napatitig lamang ako roon pero nabigla ako nang pumantay siya sa akin ng upo, kinuha ang kamay ko, at inilagay roon ang inaabot niyang kape bago ako bigyan ng isang matamis na ngiti. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang titigan ang mukha niya.

 “I’m Christian de Vera, Student’s Government President, and your soon to be suitor.”

Sa pagitan ng pagluha ay hindi ko napigilang mapatawa nang maalala ko ang una naming pagkikita.

Hindi ko alam kung gaano kakapal ang nalagay na aspalto sa mukha niya nang panahon na iyon at kung bakit walang kahit anong hiya sa katawan niya para magpakilala sa ganoong paraan, pero kahit ginulat niya ako noon, natutuwa ako na dumating siya sa buhay ko nang hindi ko inaakala at hindi inaasahan dahil siya, na hindi ko inaasahan ang naging tahanan ko sa mahabang panahon.

Sa Susunod na Habang BuhayOn viuen les histories. Descobreix ara