Wala sa loob na napangiti ako nang maalala ko ang mga nangyari saamin. Kahit almost 2 years na kaming hindi nagkita , the moments we shared, are still one of the highlights in my life.


If I'll be honest with myself, I didn't really wanna move on from her. I hoped in the deepest part of my heart na babalikan niya ako and make things better. Sa nangyari kasi saamin, hindi ko alam kung anong mas masaklap. Knowing that I lost her, or knowing that she might never come back? I was willing to wait, pero napagod na ang puso kong maghintay. Nakakapagod maghintay sa isang bagay na hindi mo alam kong dadating pa ba. At kung dadating man ay wala naman ding kasiguradohan kung anong naghihintay para sa inyo. It felt like it was taking so much from me. Pakiramdam ko nakakulong ako at hindi pwedeng isisi sa iba dahil nagkaroon din naman ako ng choice. I was becoming more miserable. Hindi ako sigurado kung hanggang kelan ako tatagal. Sometimes anger and hate consumes me. Nakakawala ng enerhiya. It felt like sasabog ako anytime.


Nasa punto na akong unti-unting natututonang pakibagayan ang lungkot nang ibinalita saamin ni Sir Robin na may guesting kami sa isang sikat na TV Show dito sa America. Kaya go with the flow lang ako. Akala ko kasi uuwi rin kami pagkatapos at yun na yun. At kung masusundan man ay baka matatagalan pa. Pero nandito na kami sa America nang ibinalita saamin ni Sir Robin na naka booked na pala ang mga shows at TV guestings namin for almost a year at baka mag extend pa dahil hindi pa namin alam kong anong mangyayari.


Ang unang pumasok sa isip ko ay si Angel. That's when i realized, tangina hindi pa pala ako OK. lol Ang dami kong naging tanong. Paano kung uuwi siya at wala ako? Gusto ko pag uwi niya ay nandun parin ako as what I promised. Gusto kong sabihin sa manager namin na time out muna dahil parang ang bilis naman yata ng mga pangyayari. Iba parin kasi ang pakiramdam na alam mong walang kasigarohan kong kelan ka ulit makakabalik dahil sa mga commitments nyo dahil sa sunod sunod na opportunities na nagbukas saamin. It could take years. It could take a decade. Hindi lang mga kaibigan at pamilya ko ang maiiwan, kundi buong buhay ko. Pakiramdam ko ay parang bigla akong hindi naging handa. Ilang taon kaming nag trained para sa moment na to pero parang biglang gusto ko nalang mag quit.


When I received a missed call from Angel, parang bumalik ako sa square one. Parang biglang gusto ko nalang umuwi. Gusto ko nalang umuwi ng Pilipinas at makita siya at makasama. I was ready to give up everything for her. Then I realized that this is not about me anymore. Hindi pangarap ko lang ang pinag-uusapan dito. Pangarap naming lahat ng mga ka grupo ko, ng mga kapatid ko.


I will be lying kung hindi pumasok sa isip kong tawagan si Angel,, kumustahin, at kung papalarin ay baka pwede naming subokan ulit. But you know what hit me? Ang realization na 4 days after ko pa napansin na may missed call pala ako galing dito. That made me realize, paano yun? Kahit missed call nga apat na araw ko pa bago nabasa dahil sa sobrang busy namin. Kahit nga pamilya namin ay 3-5 min lang naming makakausap sa isang linggo. Hindi na nga ako nakakapanood ng isang 24min episode ng Anime dahil tinutulog nalang namin pag may free time kami. Minsan may mga panahong gusto ko nalang umiyak sa pagod. So paano kami mag wo-work? Hindi namin kontrolado ang schedule namin dahil that was still the time na unti-unti kaming ipinakikilala sa mundo. Kaya grab lang kami ng grab sa kahit anong opportunities na bumubukas para saamin.


Naisip ko ring, hindi naman siguro masamang piliin ko muna ang sariling pangarap dahil ilang taon din kaming nag hirap para sa moment na to. Hindi naging madali. Kaya kahit mahirap, I stayed focus. I stopped explaining myself, stopped begging, I stopped telling people how to treat me, and distancing to negative people. Life may be lonely sometimes but it's becoming peaceful. Kaya eventually, I chose to move on. I chose to heal myself. Hindi naging madali. Almost everyday was a struggle. Pero Kailangan. Siguro napagod na rin talaga ang puso kong magalit, magtanong at masaktan.

SB19 || Love Me BackWhere stories live. Discover now