Not For The Faint Heart

19 1 0
                                    

Title: Not For The Faint Heart
Written By: ELEVEN

Naniniwala ka ba sa sinasabi nilang tadhana? Na mayroong tao na darating sa buhay mo at magpapabago nito? Na lahat ng bagay na nangyayare sa mundo ay nakasulat na't nakatakda

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Naniniwala ka ba sa sinasabi nilang tadhana? Na mayroong tao na darating sa buhay mo at magpapabago nito? Na lahat ng bagay na nangyayare sa mundo ay nakasulat na't nakatakda. Tadhanang hindi na mababali kahit na kailan.

........

........

" Aish! " napasabunot si Mavi sa sarili habang frustrated na nakatingin sa screen ng laptop nya. Kanina pa nya sinusubukan na umpisahan ang istoryang sinusulat nya pero ilang oras na ang lumipas ay hindi pa rin nya magawang maumpisahan ito.

" Hoy! ano? nahihirapan ka pa rin dyan sa sinusulat mo? " ani Justine na naglakad papunta sa cubicle ni Mavi saka sumandal sa lamesa ng binata

" I don't know what's with me.. I keep on dreaming about this story pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin magawang isulat. tsk deadline ko na next next month " frustrated na sabi ni Mavi sa kaibigan.

Tinapik ni Justin ang balikat ni Mavi para i-cheer ang kaibigan " kaya mo yan par ikaw pa ba? alam kong hindi ka ang tipo ng tao na naghahabol sa deadline but I suggest that you should really need to take a break. pahinga mo yang utak mo tsaka malay mo during your break ay makita mo na yung nakatadhana sayo di ba? " mahabang lintaya ni Justin na tumataas-baba pa ang kilay

napailing na lang si Mavi nang nagawa pang ipasok ng kaibigan ang tungkol sa inspirasyon na tinutukoy nito " I can't even start this story at 2 months na lang deadline na, sa tingin mo ba may oras pa ko para sa bagay na yan? " naka-arko ang kilay na sabi ni Mavi

" That's what I mean! Kaya hindi mo yan matapos kasi wala kang inspirasyon! dude you should find someone who will make you feel the real thing " ani Justin na pumalakpak at tinuro pa si Mavi para i-emphasize na nadali nito ng hindi namamalayan ang gusto nyang sabihin

napairap naman sa hangin si Mavi " I don't need it. I can write without those, Those people around me can be my references and besides.. this is just a fiction, tsaka yung pag-ibig na yan, iniisip lang ng mga tao yan. Sabi sa psychology di ba? kapag iniisip mo nararamdaman mo. Masyado lang nilamon ng fictions ang utak ng mga tao " paliwanag ni Mavi kay Justin na mukha pa ring hindi susuko sa suhesyon nito

" Wow! Tol wag kang ganyan magsalita, baka nakakalimutan mo na kapag nilamon ng fiction ang mga tao ay dun tayo mas kumikita.. tsaka alam mo ikaw, kapag ikaw pinana ni Kupido, tatawanan talaga kita " nailing na lang si Mavi sa mga pinagsasabi ng kaibigang si Justin. Naiiling sya sa bagay na hindi nya inakalang mangyayare nang gabing yun. ang pangyayareng hindi nya inaasahan na magpapabago sa kung ano mang pinaniniwalaan nya.

Not For The Faint HeartWhere stories live. Discover now