Honeymoon

3 0 0
                                    

Avery Madrial's POV

Andito kami ngayon ng "husband" ko sa isa sa mga five star hotels ng Male, Maldives for our one week honeymoon "kunwari". Ikinasal kami kahapon sa City Cathedral, pinuno ng mga businessmen ang reception area. Imbitado lahat ng mga negosyanteng involved sa negosyo ng pamilya ko at ni Yue.
Halata namang hindi kasal namin ang pinunta nila, ang totoo ang kasal namin ang ginawa nilang platform para ma-meet ang both parents namin for the benefits of their businesses. We had business marriage para sa satisfaction ng mga pamilya namin.
Yue and I do not really agree about this marriage. Pero wala kaming nagawa kundi ang sumunod, like we really have no choice at all. We were threatened na i-freeze ang mga ATM cards namin, hindi raw kami mamanahan ng business at higit sa lahat ay ang itakwil at walang ititira ni singkong duling. We were not so brave like the other people na kayang ipaglaban ang sarili, we were born this way. Pinanganak at pinalaki kaming may pera, we were both dependent to our parents kaya hindi namin kayang balewalain nalang ang mga banta nila at tumayo sa sariling paa. Call us a total bullshit but things just really happen you know. That's life!
We barely know each other. Actually, first kaming nagkita ng face to face ay iyong engagement day na namin. We were so cold sa isa't isa and as in no spark at all. Ako, si Avery na never pang nagka jowa ay ipapakasal na? That's a shocker to everyone, lalong lalo na sa mga close friends ko. As in, for real, I never had a boyfriend pero instant husband meron agad? No one can ever imagine my situation. It's disgusting.
Pangalawa naming pagkikita was the day of our wedding, mga parents namin ang nag asikaso sa aming kasal kaya hindi na kami nagkita ulit for the wedding preparations, we never helped dahil gusto nilang masunod ang kanilang mga expectations.
Si Yue naman ay masyadong mailap sa akin. Sa buong byahe namin papunta dito sa Male ay wala kaming imikan, the whole trip ay naka earphones lang sya at nakatalikod sa akin, yung para bang diring diri sya sa sitwasyon namin. Ako rin naman, hindi ko sya type, suplado eh hindi naman kagwapuhan. Hindi isang singkit at payat na kagaya nya ang gusto ko kundi ang mga pormahang Patrick Schwarzenegger ng Hollywood.
May isang kapatid si Yue, si Yedj. She told me about Yue's girlfriend si Madonna. Alam kong labag sa loob nyang pakasalan ako dahil inlove to the bones sya sa girlfriend nya pero kagaya ko ay wala rin syang nagawa.

7:00 pm ng sabay kaming mag dinner sa hotel kanina pero para kaming strangers na magkaiba ang mundo habang kumakain. We never talked to each other. Marami kaming hindi alam sa isa't isa and we don't bother asking one another anyway.

Ngayon, it's 11:00 pm, nakahiga ako sa queen-sized bed, katatapos ko lang magbabad sa bathtub samantalang sya ay nasa terrace ng kwarto at nakatitig sa night view ng lugar actually nasa 21st floor kami kaya kitang kita ang buong syudad ng Male.
Kanina ko pa naririnig ang mga buntong hininga nya. He's in deep thoughts.
"Let's sleep." Aya ko sa kanya pagkalapit ko. "We had such a long trip you should rest."
Mabilis nyang inubos ang hawak hawak na bote ng Chardonnay wine at saka umalis at humiga sa kama. Ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin.
Geez! This is married life huh!
Nakahiga sya sa kama facing the other side. Tumabi ako. Like hello, ayoko rin syang katabi but I have no choice, walang ibang higaan. Alangan namang sa couch ako matulog diba? Swerte nya!
Nakahiga na ako at nakatulala sa ceiling. Napakatahimik ng paligid, yun bang parang maririnig nyo na ang heartbeat ng isa't isa? For sure, hindi ako makakatulog sa sitwasyon naming to. Ang awkward.
Maya maya ay pinatay nya ang lamp shade. Napakadilim sa loob ng kwarto. Idinilat ko ang aking mga mata, piniplit na sana ay may maaninag man lang.
"Uhm, Yue? I am nyctophobic." Mahinang sabi ko ng diko kinaya ang takot sa dilim.
"I can't sleep with lights on." Mahihimigan ng pagkairita ang boses nya.
"I'm sorry but I can't stand this. Nagpapanic ako pag sobrang dilim." I insisted, my voice is shaking. I can't control it, damn.
Padabog nyang ini-on ang ilaw.
"Thank you." I whispered.
Bumuntong hininga lang sya saka nagtalukbong sa makapal na kumot.
I'm supposed to be asleep dahil pinagbigyan nya akong naka on ang lights pero I don't know kung bakit hanggang ngayon ay di parin ako dinadalaw ng antok.
I checked the clock, it's 1:30 am. Because of boredom naisipan kong buksan ang tv na malapit sa paanan namin at manood nalang ng palabas hangga't antukin.
To my surprise, naihagis ko ang remote. Porn ang palabas sa tv at nasa max volume pa.
"Omaygad!" Bulalas ko at dali daling pinulot ang remote na naihagis ko.
Naramdaman kong gumalaw si Yue.
Dali dali ko sanang papatayin ang tv pero hindi gumagana ang remote, dahil siguro sa malakas na pagkakabagsak. Natataranta na ako. I can hear the moan, ang laswa pakinggan. The couple on-screen were talking dirty.
Maya maya ay bumangon si Yue, nagpang abot ang kilay. "What are you trying to do?" Galit ang tono nya.
"I'm so-sorry. It's unintentional. Hindi ko alam na ganito pala ang palabas." Natatarantang paliwanag ko na hanggang ngayon ay hawak parin ang remote.
"Ngayon ka pa ba nakapasok sa couple's room ng hotel at wala kang ideyang yan lang ang content na pinapalabas nila sa tv?"
Umiling ako. "This is my first time. I'm sorry."
Tumaas ang kilay nya. "That's absurd. Are you tempting me? Gusto mo bang may mangyari sa atin sa honeymoon nato? How desperate of you."
Napasinghot ako, "Ikaw ang absurd at hindi ako. Never in my life na pagnanasaan kita." Inirapan ko pa sya pagkasabi.
Sabay kaming napalingon sa tv screen ng umungol ng malakas ang babae. They are in climax now. Nakita kong napalunok ng laway si Yue, ganoon din ako.
He then stares at me and clears his throat. "Wala ka ba talagang planong patayin yan?"
"Sira nga yung remote. Naibagsak ko eh." Depensa ko at hinampas hampas ko pa sa kama ang remote baka sakaling gumana.
"Bakit namumula ka? Affected ka ba sa porn na to?" Kalmadong tanong nya.
"Huy, mag dahan dahan ka nga sa pananalita mo. You wish!" Inis na bulyaw ko, at dali daling tumayo at inunplug nalang ang saksakan ng tv.
I saw him smirked at saka humiga na ulit. Padabog naman akong bumalik sa kama at nagtalukbong. Hiyang hiya talaga ako sa mga sandaling ito.
---
Yue Villana's POV
Lalo akong hindi pinapatulog ng babaeng katabi ko. I was forcing and convincing myself kanina para lang makatulog kahit na naka lights on but she's so annoying. Kakaidlip ko lang ay makakarinig ba naman ako ng porn? What's she thinking? Yes, I'm a man but hindi ko magagawa sa kanya ang ganoong bagay knowing that I hurt Madonna dahil sa pagpapakasal sa stranger nato. I'm too ashamed sa girlfriend ko right now, dadagdagan ko pa ba? In fact, I'm not attracted to my "wife" at all. Isa pa, she's so naive hindi ko lubos na maimagine na ako yong first kiss nya kahapon during the wedding and that was just a peck kiss. I hate inexperienced girls honestly.
Pinipilit kong ipikit ang mga mata ko, alam kong ganun din sya. Wala akong maisip to kill the time, I'm just keep on sighing and pretending to be asleep.
But time flies by, hindi ko namalayang sumikat na pala ang araw. Hindi ko alam paano ako nakatulog despite sa sitwasyon namin ni Avery.
Napabalikwas ako ng bangon at ikinuskos ang dalawang kamay sa mga mata ko. Nakita kong kumakain sya mag isa. My stomach is growling too kaya tumayo ako.
"Where's my breakfast?" Tanong ko ng makalapit sa kanya.
"You know how to cook, don't you? Kung hindi ka naman marunong you can ask breakfast delivery or else you can eat outside. You have a lot of choices." Sarkastikang sabi nya, hindi man lang ako tiningnan, at sarap na sarap pa ang kain nya.
I smirked. "A wife should be the one preparing meals for her husband right?"
Napaubo sya sa sinabi ko. Uminom sya ng tubig saka nagsalita, "Wife? Really? Since when did you consider me as your wife?"
"Just now." I responded quickly.
"Unbelievable." Napailing sya.
"Why?"
"Nagka amnesia ka lang ata or maybe gutom ka lang kaya ganyan ka mag isip. We never treated each other as newly wed right?" Kalmado nyang tanong sa akin.
Kumunot ang noo ko, "Why? What should a newly wed couples usually do?"
Napaubo ulit sya. Iling lang ang sinagot nya sa tanong ko.
"You mean love making?" I asked unhesitatingly.
Napatayo sya. "I really can't handle the way you think!"
I smiled, "You're blushing. So I guess, opening the tv last night was one of your tactics to provoke me making love with you and now this. Do you want me that badly, my wife?"
She smiled back and said, "Oh my husband dear, I guess you're just sleep walking. So early in the morning you're so full of yourself."
I smiled again, parang gusto ko syang inisin, "No, no. I guess you're really sexually frustrated. Poor wife, come to husby!" Pang iinis ko pa sa kanya.
Isang malakas na hampas sa balikat ang aking natanggap.
"Asshole! Baka nakakalimutan mo, I'm Avery and not Madonna. Mas gusto ko pang hindi mo ako pinapansin kaysa ganituhin mo'ko!!" Inis na bulyaw nya sa akin saka padabog na lumabas ng kwarto.
Kanina lang ay parang gusto ko yung ginagawang inisin sya pero ngayon, I feel different. It saddens me na si Avery ang kasama ko ngayon  at hindi si Madonna.
---
Avery Madrial's POV
That man is getting into my nerves. He's so good in injecting me bad energies.
Wait, kanina pa ako palakad lakad sa corridor but I don't know where I am heading to. Ayokong bumalik sa loob dahil naiinis ako sa kasama ko. My mind is baffled ng biglang tumunog ang phone ko, my mom is inviting me for a video call. I fixed my hair a little bit and answered it.
"Hi Avery." Masayang bati nya, kasama nya ang mommy ni Yue, bumati rin ito sa akin.
"Hi. Good morning."
"Where are you right now? Where's your husband?" Tanong ng mommy nya.
"He's inside. Kagagaling ko lang sa labas, ito pabalik na po ako sa room namin."
Pagkapasok ko ay nakita ko syang nagluluto sa kitchen.
"Where's my son? Oh he's there. See I told you Amelia napalaki ko talaga ng maayos iyang si Yue. Marunong magsilbi sa asawa." Proud na sabi ng mommy nya, tikhim lang ang sinagot ko at napatawa naman si mommy.
"Hi Yue. Our mommies want to see us." Nakangiting kalabit ko sa kanya.
We need to pretend like we're in love. Ayaw naming iparamdam sa parents namin na isang malaking burden ang ginawa nilang business marriage. Geez!
Lumingon sya at saka bumati sa kanila.
"Yue anak. Are you making breakfast for Avery?"
"Uhm, yes mommy." Malawak na ngiting sabi nya. Hindi ka makakakita ng kaplastikan sa mga ngiti nya. He's such a good actor. Great pretender!
"Elisa? The business marriage really worked well. I guess they love each other now." Masayang sabi ng mommy ko.
Napatikhim kaming dalawa.
"Yes Amelia. I really think so. Avery, lumapit ka pa kay Yue ang distant mo naman."
Lumapit naman ako. I have no other choice.
"Yue anak? There is a very important thing pag kasal na. Every morning dapat binibigyan mo ng morning kiss ang asawa mo to keep the love on fire. Nagawa mo na ba? Ha?"
"Tapos na!" "Not yet!" Sabay naming sagot.
Ano ka ba Avery? You should have said yes.
Tumawa ng malakas ang dalawa.
Iyon bang kung gaano sila kasaya ganoon rin kami ka awkward sa isa't isa.
"Don't be shy. Sige nga I want to see you kiss each other para mapanatag naman ang loob namin dito sa Pilipinas na hindi kayo nag aaway dyan sa Maldives."
Nagulat ako ng bigla akong hinalikan ni Yue. It's just a peck on my upper lip.
Mommy Amelia and Mommy Elisa are giggling.
"So sweet. O sya sige paalam na at may board meeting pa kami baka naiistorbo namin kayo eh. Take care there. Don't worry about the business expansion for sure it'll be a success ."
"Sige po. Goodbye mommies." At binaba ko na ang phone ko.
Hindi ko magawang tingnan si Yue. Nahihiya ako sa kanya. Hindi ko alam bakit nakalimutan kong magsinungaling. Hays!
"You're too obvious. Kagabi ka pa." Basag nya sa katahimikan.
"Wha-what do you mean?" Naguguluhan kunwaring tanong ko.
"You know kanina we were just pretending to be sweet and in love pero you didn't pretend na nag morning kiss na ako sayo. You must really like to be kissed. Are you happy now?" He said with a sparkling eyes and that makes me angrier.
"I didn't mean that. I didn't told you to kiss me but you did, maybe it's you who really wanted to kiss me. Tulak ng bibig, kabig ng dibdib." I said confidently.
He smirked. Lumapit sya sa akin at dahan dahan naman akong umaatras hanggat sa mapasandal na ako sa kitchen sink.
"Wait ano ba?" Inis na bulyaw ko.
"What if I really want to kiss you too?" Isang dangkal nalang ang pagitan ng mga mukha namin. I can smell the menthol flavor of his breath. "Would you let me kiss you ... my wife?" He even winked.
Napalunok ako at hindi nakasagot.
Pilit ko syang itinulak but he's so strong. His one hand is on the wall while the other is slowly touching my cheek. Para akong nakukuryente sa mga sensasyong binibigay nya.
He then grabbed my head and kiss my lips harshly.
Pilit akong kumakawala pero lalong dumidiin ang mga halik nya sa akin.
I can't breathe!
He's too harsh, parang masusugatan ang mga labi ko.
I keep pushing him pero hinawakan nya ang mga kamay ko.
I groaned. Ansakit ng mga labi ko.
I'm trying to do something to stop this lunatic skeleton guy but he's too strong.
"Yue!!!"
Bigla kaming nagkalayo na para bang may krimeng ginagawa na takot ma-caught in the act ng marinig na may tumawag sa pangalan nya, at sinabayan pa ng mabibigat na katok.
It's a girl. Who could that be?
Well, I'm thankful to her, she saved my lips.
Dali daling binuksan ni Yue ang pinto.
Bumulaga sa amin ang pandak pero puting puti at magandang babae.
"Yue? I'm here." Nakangiting sabi ng babaeng kararating lang.
"Ma-Madonna." Mahinang tawag ni Yue.
Oh, so it's Madonna? His girlfriend na hanggang ngayon ay mahal nya kahit na kasal na sya sa akin.
That's his type huh? Well, not bad.
Napaisip lang ako sandali pero parang ang bilis ng pangyayari at nakita ko nalang silang mahigpit na magkayakap.
"Yue? Baby? I really miss you."
"I miss you too. Paano ka nakapunta dito? How did you know the address? The room number?"
"Of course I will do everything just to be with you no matter how risky that might be. Mamamatay na kasi ako sa kakaisip sayo. I just can't live without you. Aren't you happy?" Lambing na sabi nito.
Wow, ang sisweet huh! Nakalimutan ba nilang andito ako? Tumikhim ako para naman maalala nilang nag eexist pa ako dito diba?
Sabay silang naglingunan sa ginawa ko.
"Oh, hi Avery." She greeted me sweetly.
"Uhm, hi." I said without any expression.
"Avery, it's Madonna... My..."
"His girlfriend. Okay naman sigurong andito ako diba? Hindi ka naman magagalit kagaya ng ibang legal wife na sasambunutan ang babae, sasampalin, susugurin or kakasuhan ng concubinage dahil hindi mo naman mahal si Yue. After all it's just a business marriage, ako parin naman ang nasa puso nya diba?" Mabilis at taas kilay na satsat nya sa akin.
Wow, ang taas ng confidence level ng isang to. Pareho talaga sila ni Yue kaya siguro magkasundo sila. No wonder!
"Well, yes girl it's never a problem. I don't really feel anything towards your boyfriend, he's all yours body and soul." And then I smile brilliantly.
"That's cool." At inakbayan nya si Yue. "Here's the key."
"Key? For what?" I'm clueless.
"You wouldn't mind if I swapped rooms with you right?"
Hindi ako agad nakasagot.
"Madonna?" Gulat rin na tanong ni Yue sa kasintahan.
"Why? Does it make sense na nasa iisang kwarto kayo pretending to be in a honeymoon where in fact you're not? Come on!"
I don't know how to react kaya tumawa nalang ako ng malakas. "Silly girl! Of course that's not a problem. I'm so sick with him so please just give me time to pack my things okay?"
"Madali ka naman palang kausap. Tara baby, let's have our breakfast I can smell something delicious from the kitchen. I'm super hungry."
"Sure let's eat. Avery, are you sure you'll be fine?" He asked me in a concerned tone.
"Yes of course, as if you really care! Don't mind me Yue. Enjoy!"
"Good. But please don't tell dad about this."
At magkahawak kamay na pumunta sa kitchen ang dalawa habang ako ay mag iimpake!
I look like a damn loser.
---
Madonna Patrimonio's POV
Suppose to be ay bukas pa ang flight ko papuntang Maldives but because of the random things that ran through my mind kaya heto at kasama ko na sya. I don't care if I messed up their suppose to be honeymoon eh alam ko namang walang mangyayari sa kanila at hindi ko kayang maghintay nalang habang si Yue ay may kasamang iba. I love him so much to the extent na ipagdadamot ko sya kahit sa asawa nya.
Nakahiga kami ngayon sa malambot na kama at nakapulupot ang mga kamay ko sa baywang niya.
"Are you surprised that I came here?" Lambing na tanong ko.
"Of course, but I'm just happy that you came. I miss you so much." Sagot nya at hinalikan pa ako sa noo.
"You know that I'll always make time for you babe."
"Pe-pero tama bang nilipat natin si Avery ng kwarto?"
Napatawa ako ng mahina sa tanong nya, "Hey baby, alangan namang magsalo tayong tatlo dito diba? Paano tayo makakapag honeymoon?" At kiniliti ko ang tagiliran nya.
"You're right. Sa papel lang naman kami kasal eh, pero ikaw parin ang mahal ko."
"I love you." Bulong ko sa kanya at mabilis nya akong hinalikan sa labi at muli ay pinagsaluhan namin ang tamis ng pag ibig.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 17, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sandwiched LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon