Snow Pink

81 13 0
                                    


Napahawak ako sa ulo ko ng maramdamang may tumamang malamig sa ulo ko. Napatingin ako sa likod ko at nakita ko si Chorong na nakangiti habang may hawak na snowball.

"Para saan naman yung pagbato mo? May nagawa na naman ba ko?" tanong ko sa kaniya.

"Oo oppa, may nagawa ka naman. Paano laging ang manhid-manhid mo!" sigaw niya bago lumapit sakin.

Napakamot ako sa ulo ko, nagtatanong ang mukha ko kung anong sinasabi niya.

"Sana yung pag-ibig ko parang snow ball. Para kapag hinagis ko sayo maramdaman mong.. mahal kita."

-

"Oppa bakit wala kang gloves na suot? Gusto mo share tayo?" tanong ni Bomi sakin ng nakangiti.

Tatanggi sana ako. Kaso bigla niyang kinuha ang kanang kamay ko at nilagay ang isa niyang mittens . Sa kaliwang kamay niya naman yung isa. Saka dahan-dahang hinawakan ng kanan niya ang kaliwa mo.

"Ako muna yung other half mo oppa. Pero pwede rin ako hanggang forever."

-

"Tss."

"Oh bakit mukhang naiinis ka Eunji?" tanong ko sa kaniya.

"Ikaw kasi, bakit ba ang tangkad mo?" naiiritang tanong niya.

"Problema ba yun? E di yuyuko si oppa para sayo."

Saktong pagyuko ko. Saka ko naramdamang ipinalupot niya ang isang pink na scarf, hinala niya ang magkabilang dulo para ilapit sa mukha niya.

"Huli ka, hindi ka na makakawala sakin. Dahil magmula sa araw na 'to, akin ka na."

-

"Oppa, hindi talaga ako marunong. Nakailang hulog na ko kapag pinipilit kong mag-skate." malungkot na sabi ni Naeun habang nakahawak pa rin sa handle bar.

"Hawakan mo yung kamay ko, aalalayan kita. Madali lang mag-ice skating." inabot niya yung kamay ko saka ko siya inalalayang madala sa gitna.

Medyo nanginginig pa siya. Pero hangang-hanga siya dahil hindi na siya natutumba kaysa kanina. Nang marating na namin ang gitna, tumitig siya bigla sakin.

"Hindi mo ba napansin? Para lang akong yelo na naghihintay na mahulog ka naman sakin."

-

"Oppa, bakit ayaw mong lumabas? Masarap lumibot ngayon sa ganda ng snow." nagtatakang tanong ni Yookyung sakin.

Ngumiti lang ako at nilagyan pa ng kahoy yung apoy sa may chimney.

"At iwan ka dito? Gusto ko samahan kita hanggang sa kaya mo ng bumalik."

Hinawakan niya yung kamay ko.

"Alam mo para kang chimney binigyan mo ng init yung puso kong nagyelo."

-

"Ilong na lang yung kulang kahawig ko na 'tong snowman. 'Di ba Namjoo?" masayang sabi ko habang hinuhulma ang mukha nung snowman.

"Oppa ilagay mo na rin yung sumbrelo mo." dagdag niya pa.

"Sige." hinubad ko yung sumbrelo ko at isinuot yun sa snowman. Saka kami nagtawanang dalawa.
"Tara na baka hinahanap na tayo ng iba. Iwan ko muna yung sarili ko dito haha." yaya ko sa kaniya.

"Saglit lang oppa, may kailangan lang akong sabihin sa snowman." umupo siya at hinarap yun.

"Always stay by my side and make me laugh Mr. Snowman. I love you."

-

"Hayoung-ah! Baka magkasakit ka, wag kang humiga diyan sa snow." paalala ko sa kaniya.

"Saglit lang oppa, may kailangan lang akong ipakita sayo." sagot niya saka ginalaw ang braso't binti niya.

"Snow angel?"

"Gusto kong ipakita na ako ang magiging anghel mo na hinding-hindi ka iiwan kahit na anong mangyari."

-

Kasabay ng paghulog ng unang snow, ang paghulog nila sa unang pagkakataon. First snow, first love.

-

Note: Next one shot "My My"

Pink Panda's Playlist (One Shots)Where stories live. Discover now