#clumsyjen

3.3K 79 10
                                    

"Tad?" Nagsalubong ang kilay ni SL nang makita ang kaibigan. Nagmamadali nitong pinasibat ang sariling sasakyan.

Agad na kinuha niya ang phone at tumawag.

Walang sagot.

Pagkatapos ng ilang tawag ay binaba nya na ang phone.

Napa iling siya. "Not today Tad."

Lumakad na sya papasok ng building.

Pero natigilan siya nang makita ang anak ilang hakbang mula sakanya.

***

Urong-sulong si Zia sa harap ng isang building.

"Shawn ito na ba yon? Tch! Para naman akong tanga."

Na agaw ang atensyon niya nang may bagay na tumama sa kanyang paanan.

"Bola ng jackstone?"

Pinulot niya iyon.

"Thank you for saving Kirby." Boses ng isang batang babae.

Para siyang na starstruck sa bata, saglit na hindi sya nakapag react.

Naka tingin lang sya sa bata, at ganun din ang bata sakanya.

"Baby come on." Boses nang isang babae.

"Wait yaya."

"I-is this yours?" Bahagya syang yumuko.

Tumango si PL. "Yes po, thats Kirby galing po yan sa boyfriend ko."

Napangiti siya, bibo ang bata. "Nice, this ball has a name." Sabay abot ng maliit na bola.

"No, its not the ball, si Kirby po yung Teddy bear na nasa loob ng ball, look po." Pinakita pa nito ang bola sakanya. "sabi po kasi ng boyfriend ko can't afford pa nya ko ibili nung malaking bear, tsaka strict daw po ang parents niya kaya po secret muna po ang 1st gift nya sakin."

Nilagay nito ang maliit na bola sa bag.

In a while naka tingin lang sya sa dito, parang lumukso ang puso niya nang kausapin sya nito.

Mag sasalita pa sana ito pero biglang dumating ang isang lalaki.

"Baby let's go."

Tinapunan sya ng tingin ng lalaki bago nito kinarga ang bata.

Another starstruck moment.

Tumalikod na sila.

"W-wait."

Tumigil ito sa pag hakbang.

"Daddy put me down."

"Hintayin nyo nalang ako sa lobby."

Tumango lang si Jen bago hinila si PL.

Sinundan niya ang mga ito ng tingin.

Hinarap siya ng lalaki.

Napalunok siya.

Parang gusto niyang lumubog sa kinatatayuan. May kakaibang dating ang mga titig nito.

"Y-you're my h-husband right?" Gusto niyang batukan ang sarili. Pano kung kamuka lang pala nya yung nasa picture na binigay ni Shawn?

"I'm not."

Kasing lamig ng coffee crumble na ice cream ang boses nito.

Napalunok ulit siya. Inayos niya ang makapal na eye glasses. Hindi sya pwedeng mag kamali.

"You stay away from my daughter."

Nagsalubong ang kilay niya. "Supladito!"

"What?" Naguluhan siya. Muka ba syang kidnapper?

Tumalikod na ito at nag lakad.

"Wait.. Mr..?" Bakit ba hindi nasabi ni Shawn ang pangalan nito. "What ever!" Hinabol niya ito. "C-can we talk? I'm in a little bit trouble." Lakas loob na sabi niya.

"Busy ako miss. Kung gusto mo akong makausap mag hintay ka sa lobby."

"O-ok?" Nag pa tianod nalang sya dito.

"You sit there." Tinuro nito ang isang couch nang makapasok na sila sa building.

Walang imik na naupo siya, tuloy-tuloy naman ang lalaki sa elevator.

Sumasakit ang ulo niya. "Ano ba kasing pumasok sa kukote mo?!"

make me yoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon