Chapter 1 : Part 2

Začít od začátku
                                    

"S-s-salamat." mahinang usal ng classmate niya.

"Sus! Wala 'yon," Inilahad niya ang kamay at mabilis naman nitong tinanggap ang tulong. "Ano nga pala ang pangalan mo?"

Nang makatayo at nakapagpagpag ng uniform ay doon pa ito tumingin sa kanya. "M-mark... Mark Ethan Hernandez. Ikaw?"

Parang may kung anong protectiveness ang biglang lumukob sa kanyang katawan para sa lalaki. Payat ito at maputla ang balat at saka may suot na makapal na eyeglasses. Nang masilayan ng kabuuan ni Mark ay mas lalo lamang niya itong nagustuhang alagaan at protektahan. Para talaga itong si Jose Rizal na pambansang bayani ng Pilipinas.

"Eselle Mari Elle." nakangiti niyang sagot. "'Yon ang pangalan ko."

Napatingin si Eselle sa relong pambisig at napalatak nang tuluyan na silang mahuli sa klase. At kung papasok pa sila ngayon ay papagalitan na nga sila'y tiyak na may kasama pang detention at parusa na maglinis ng banyo.

"Sorry, dahil sa akin na late ka pa tuloy sa subject natin..." nakayukong wika nito.

"Ano ka ba! Wala 'yon. At dahil late na naman tayo. Let's go. Doon na tayo sa puno maghintay sa next subject..." Tinuro niya ang malaking puno na nasa di kalayuan. "...Marky."

"Sige... E-ellie." pagsang-ayon nito.

"Ellie?" Kunot-noong binalingan niya ang lalaki.

"Tinawag mo k-kasi akong Marky kaya Ellie na lang rin ang itatawag ko sa 'yo."

Nagkibit-balikat siya at kalaunan napangiti. "Ellie... I like that. Let's go, Marky." Inilahad niya ang kamay dito senyas bilang pag-alo.

"Tara!" nakangiting tugon nito, tinanggap ang kanyang kamay.

Nakangiti hanggang tainga, sabay silang napatakbo sa ilalim ng matayog na pine tree at nag-usap.

"Yung sinabi mo kanina... talaga bang tita mo ang principal dito sa school?"

Napabungisngis siya, salat-salat ang bibig. "Hindi... Maniwala uto-uto na lang..."

Hinding-hindi makakalimutan ni Eselle ang eksenang iyon dahil iyon ang naging daan nang kanilang pagkakaibigan. Simula noon, lagi na silang magkasama sa kung saan-saan ni Mark. Tinigilan na rin ito ng mga bully simula noong naging malapit silang magkaibigan. Kahit na hindi sila naging classmate noong third year high school ay palagi pa rin silang nagkikita tuwing recess at uwian. Second year high school niya nakilala si Mark at third year high school naman ng nabuo ang MOEN.

Napaismid siya bigla sa mga memorya. She missed her skinny best friend Mark. Simula nang grumaduate sila sa high school ay wala na siyang naging balita sa lelempot-lempot na kaibigan dahil sa ibang bansa na ito biglaan nag kolehiyo. Nakakalungkot pero kinailangan niyang tanggapin ang desisyon nito. Hindi na rin siya naghangad na makita ito sa reunion dahil simula pa lang ng magkolehiyo ay nawalan na sila ng komunikayon.

Napatingin si Eselle sa cell phone na hawak at napagtantong limang minuto na lamang ay magsisimula na ang event. Mabilis ang naging paglakad niya at napasinghap na lamang siya nang madale na naman siya sa nakausli na semento. Kamuntik pa siyang masubsob sa lupa!

"Hay nako! Palagi na lang talaga!" Nababanas na nahampas niya ang semento at nagpagpag ng kamay.

Patayo pa lamang ay natigilan siya nang makita ang pamilyar na bulto sa di gaanong kalayuan. Nakakiling ang ulo ng lalaki habang nakangiti sa kanyang direksyon.

"Hindi ka pa rin nagbago, Ellie. Kahit ngayon, natatalisod ka pa rin diyan."

Unting-unti nanlaki ang mga mat ani Eselle sa katagang iyon. "M-marky?"

Nakangiting tumango-tango ito dahilan sa pag-awang ng kanyang bibig. Goodness gracious! Ang papatin at lelempot-lelempot na kaibigan noon na inaapi-api lamang ng mga senior ay isang hunk at gorgeous na handa ng mangbugbog ngayon.

The biceps were delish and the man pecs were definitely swooning. Ang malambot na features nito noon ay naging maangas na ngayon. Nakatop-knot ang buhok nito at well-defined na rin ang jawline. Ang labi naman nito na kasing putla ng gatas ay kakulay na ngayon ng mga rosas. Ang dating maputla na lalaki ay maypagka-tan na ngayon na nababagay naman sa bagong anyo.

Hindi na napigilan ni Eselle ang paghanga. Oh god, para siyang nakaharap sa greek god na nakikita niya lamang sa mga pelikula. Simpleng white shirt at ripped jeans lang ang suot nito pero nag-uumapaw naman ang sex appeal ng kaibigan.

Mabilis na napatayo si Eselle at sandaling napahawak sa baywang kung nasaan ang garter ng kanyang underwear, sinuri kung napugto ba ang suot. Dahil iyon ang naramdaman niya nang masilayan ang ngayong kaaya-ayang kaibigan. Makapugto-garter. Napakaguwapo. Napakatikas. Kung hindi niya nga lang ito kilala ay mapagkakamalan niya itong si Josh Colet ng Los Basterdos.

Shit... ang pogi...

Walang pasabing humakbang ito palapit at sa hindi alam na kadahilanan ay bigla na lamang bumilis ang pintig ng kanyang puso, animo kailanman ay hindi nakakita ng guwapong nilalang. Naramdaman niya rin ang pag-init ng kanyang mukha nang gahibla na lamang ang mukha nila isa't isa.

"Oh, I miss you, Ellie..." Pabiglang hinapit siya nito sa baywang at halos mahimatay si Eselle nang dampian siya nito ng mabining halik sa pisngi. "So damn fucking much."

Charmed (Reunion Series #1) - ON REVISIONKde žijí příběhy. Začni objevovat