Chapter 17 : Nokama

Magsimula sa umpisa
                                    

Nakaluhod din si Montblanc at Sha. “Alice lumuhod ka.” bulong nila sa akin kaya lumuhod na din ako.     

Nakita ko si Clyde hindi nakaluhod “Clyde anong ginagawa mo?” bulong ni Montblanc sa kanya.

“Bakit ako luluhod hindi pa naman siya Hari para luhudan ko, at isa pa hindi ko sila pinagsisilbihan para lumuhod ako.”

Lumapit ang Third Prince kay Clyde at ngumiti .“Ikaw pala ang kilalang Alcolyte na pinaguusapan.” hindi siya pinansin ni Clyde, kahit kelan talaga siya.

Tumingin sa gawi ko ang Third Prince agad naman akong yumuko, nakita ko sa harap ko ang kanyang mga paa, napansin ko ding lumuhod siya.

“Sabi ko na nga ba magkikita ulit tayo, pero hindi ko inaasahan na dito sa kaharian ko-” hinawakan niya ang mga kamay ko at itinayo “sa huli nating pagkikita hindi ako maayos nakapagpakilala sa iyo, Ako si Azera Wright ang Third Prince ng Nokama pwede ko bang malaman kung ano ang pangalan ng magandang binibini sa harap ko.”  

Hindi ko lubos na maisip na sasabihan ako ng isang prinsipe na magandang binibini “A-ah … a-ano…” jusko ko!!! Hindi ako makatitig sa mga mata niya, hindi rin ako makapagsalita ng maayos “A-ako si Alice.” 

“Nagagalak akong makilala ka Alice.” Hahalikan niya sana ang likod ng aking kamay pero may pumigil sa kanya.

“Bitawan mo nga siya.” agad na inalis ni Clyde ang pagkakahawak ng kamay ni Prince Azera sa kamay ko.

“Anong karapatan mo para pigilan ang magandang kong bati sa aking mapapangasawa.” Ano!!! Parang nabinge ako sa sinasabi niya? Puwdeng bang pakiulit?

“Mapapangasawa?” hanu!! Yun ba talaga ang sinabi niya? “nakakatawa ka naman Azera ah! Mali ang Third Prince ng Nokama pala, lahat ba ng babae sinasabihan mo niyan? Siya lang naman ang personal maid ko, at ako ang AMO!” sige! Palandakan mo Clyde! Prinsipe ang kaharap mo! nakakahiya…

Tama ba sinabi ni Clyde, lahat ng babae sinasabihan niyang mapapangasawa niya… Tsh! Akala ko pa naman… feelingera naman kasi ako agad…  

“Ah.. ikaw ang kanyang Amo, ibig sabihin siya ang babaeng matagal ko ng hinahanap.” ano? Hinahanap? Nakakaloka itong prinsipe sa mga pinagsasabi niya “Ang aking Cinderella.” hinawakan niya ang aking kamay at hinila “halika aking Cinderella, pumasok ka sa aking kaharian at para masukat mo ang iyong sapatos.” baliw ba siya? Cinderella, hanggang dito ba naman sa kanilang mundo alam ang storyang yan.

Humarap kami sa malaking gate, unti unting nawawala na ang vines at tumayo ang dalawang istatwa para buksan ang pinto.

“hindi ka ba pinahihirapan ng iyong Amo, sabihin mo lang sa akin aking Cinderella.” Tsh! Hindi ako si Cinderella ako si Alice!

Tumingin ako kay Clyde, hindi siya tumitingin sa gawi namin, bakit ganun? Naiinis ako sa ginagawa niya.

“Tuloy kayo sa aking kaharian.” namangha ako sa pagbukas ng malaking gate, ang ganda ng kaharian ng Nokama, para kaming naglalakad sa ibabaw ng tubig, dahil sa asul at malinaw na tubig kitang kita ang mga iba’t ibang isda.

“Nga pala, narinig ko kanina kaya ka nandito sa kaharian ng Nokama dahil sa Morbuzakh.”

“O-opo Third Prince, kailangan kong makausap ang Morbuzakh.”

“Azera, tawagin mo nalang akong Azera… Pasensya ka na, wala sina Amang Hari at Inang Reyna ngayon, hindi mo makakausap ang Morbuzakh, gaya nga sabi ni Karut at Marut kailangan ng utos galing sa kanila.”

“Pero bakit po, kayo? Wala po ba kayong karapatan para dalin kami sa Morbuzakh.”

“Alam ko nandito ang Morbuzakh pero hindi ko alam kung nasaang silid siya, tanging ang Hari at Reyna lang ang nakakaalam, Itinatago nila ang Morbuzakh dahil sa mga Soul Eater, malaki ang hinala namin na sila ang dahilan kung bakit nawala ang mga Morbuzakh…. Pero huwag kang magalala ako ang bahala para makausap mo ang Morbuzakh, ayoko nakikitang magmamakaawa ang mapapangasawa ko.” hinawakan niya ang kamay ko at inilagay niya sa pisngi niya.

Kelan ba siya titigil sa ginagawa niya, siguro babaero itong Third Prince tinagal ko ang pagkakahawak niya sa aking kamay.

“kung hindi rin lang namin makakausap ang Morbuzakh, babalik nalang kami sa ibang araw halikana Alice.” hinawakan ako sa wrist ni Clyde sa paghila niya sa akin, agad akong hinawakan sa kabilang kamay ni Azera, naramdaman kong nabanat ang braso ko sa ginawa nila.

Para akong lubid na hinihila nila, nakalimutan ba nilang tao ako!! hindi lubid!

“Ano sa tingin mo ginagawa mo Third Prince?” tinitigan ni Clyde ng masama si Azera, ganun din si Azera sa kanya, parang may kulog at kidlat sa kanilang dalawa.

Tumingin ako kay Montblanc at Sha, Ano ba ginagawa nila hindi ba nila ako tutulungan?

“A-ah… Third Prince, paumanhin niyo po, tama po ang sinabi ni Clyde sa ibang araw nalang po kami p-pupunta, nakakahiya naman po kasi sa inyo kung magiistay po kami dito.” paliwanag ni Montblanc halata sa kanya na kinakabahan.

“o-ou.. Third Prince sa ibang araw na lang at saka bitawan ninyo na ako, nasasaktan na kasi ako.” agad namang binitaw nila ang pagkakahawak sa kamay ko, feeling ko humaba yung braso ko.  

“Hindi ko kayo hahayaang umalis, mga bisita ko kayo ngayon, dito muna kayo hanggang dumating ang Hari at Reyna at saka iniimbita ko kayo sa pagdidiriwang dito sa amin mamayang gabi, may party na magaganap, tatanggihan niyo ba ang imbitasyon ng isang Prince ng Nokama.”

Napatigil kami sa sinabi ni Azera, “A-ah paum--” bago pa man ako magsalita, nagsalita na si Sha at Montblanc.

“karangalan namin tanggapin yun Third Prince Azera.” sabi ni Montblanc “Salamat! Salamat! Third Prince!!” galak na sinabi ni Sha, Tsh! Silang dalawa talaga.

“Pano ba yan dalawa na ang tumatanggap ng imbitasyon ko.” tumingin si Prince Azera sa akin “hinihintay ko ang sagot mo Alice.” hindi ako makapagsalita, hindi ko alam ang sasabihin ko “osige majority win itaas ang kamay ang tinatanggap ang imbitasyon ko.”

Agad naman nagtaas ng kamay sina Montblanc, dalawa nalang kami ni Clyde ang hindi nagtataas ng kamay.

Narinig ko nalang sumigaw sina Montblanc “Yes!! Alice tinatanggap mo din ang Imbitasyon ng Third Prince!!”

Nakita ko nalang na nakataas ang kamay ko pero pano nangyari yon!!! Hindi ako nagtaas ng kamay!! “T-teka.”

“Sinasabi ko na nga ba Alice hindi mo tatanggihan ang aking imbitasyon.” inakbayan ako ni Prince Azera “ililibot kita sa Kahariang Nokama” hindi na ako nakapalag, tinignan ko si Clyde pero bigla siyang nawala.

“T-teka nasaan si Clyde?”

“huwag kang magalala, nandiyan lang yon hindi niya siguro natanggap ang pagkatalo niya sa botohan.” ngumiti sa akin si Montblanc. 

Hindi naman talaga ako nagtaas ng kamay eh!!   

++++++

Sana nagustuhan ninyo ang Chap.na ito ..madalian kasi ko ito ginawa..hehehe

lagi kasi kaming umaalis ahaha .. kaya eun ..late UD ..paxenxia na po ^__^V

COMMENT/ VOTE po kayo..

Godbless and have a nice day! mwuahs! ^_^

ALICE { o n  g o i n g ...}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon