1

10 6 0
                                    

"Wala pang first day ng school ha! stop being flirty, ah!" irita niyang sabi at nagpatuloy sa lakad.

"Why? wala namang wrong sa sinabi ko! cute niya kaya! Kita mo yung smirk niya kanina? Ahhh! aabangan ko siya sa labas ng gate soon hahahaha" sabi ko habang tinutulak tulak siya. Totoo naman kasi! He's incredibly handsome! Feel ko new student siya!

"And what?" tinaasan niya ako ng kilay "What are you gonna say? 'Bakit ka pa mag e-enroll kung pasado ka naman na sa puso ko'?!?! Tell me! what the fuck is that?!" irita niyang nilabas yung phone niya at in-open yung instagram at saka siya nag live.

"Kj!" sigaw ko sakanya at saka inagaw yung phone sakanya "Idol niyo kj! hahaha" binalik ko yung phone niya sakanya.

"Kain na tayo, gutom na ako" I pouted. Pumasok kami sa restaurant at nag order ng food. "Hoy gago Castle ang cute nun oh! Omg" pingilan kong wag tumawa pero hindi ko kaya! Bakit ba kanina pa ako nakakakita ng handsome guy! Feel ko lucky day ko today.

Ang cute ng face niya! Medyo chubby pero kita mo yung jaw line, ang cute!!. Saktong sakto lang yung kilay niya na bumagay sa buong mukha niya. Aaahhh hindi ko tuloy mapigilang tumitig! Tumingin siya sa table namin at saka tumayo. Oh god!! Lalapit siya saakin? Halla!! Baka kunin number ko! Hahaahaha.

Nilabas ko yung phone ko at inabot sakanya pero dumiretso siya sa pintuan na katabi namin.

Tumawa ng mahina si Castle at saka mahinang kumain. "Eew!" asar niya.

"Anong ini-ew mo diyan? duuh walang signal! Hindi ako makaconnect sa wifi! Tignan mo nag s-stream ako ng 'ice cream chillin chillin ice cream" binelatan ko siya at saka binaba na yung phone ko atsaka kumain.

"Eww Irene! you're blushing on a random guy!" umirap siya

"Excited ka ba sa first day ng school?" interesado kung tanong "Sabay tayo bumili ng gamit natin bukas, oh mamaya na kaya?" tinitigan ko pa si Castle pero naka ngisi lang siya sa hangin. Gagi anong nangyari? fota pinapatay niya na ata ako sa isip niya.

Unti-unti siyang tumingin saakin tapos saka siya nagulat kasi nga naka nganga ako. Sino ba namang magproprocess ang utak kung yung kausap mo may kinakausap na hindi makita ang kinakausap..

"What did you said?" naka ngiti niyang tanong. Fota ang creepy teh.

"Wala....sabi ko puwede naman natin pag usapan yung dapat pag usapan dahil pag hindi natin pinag usapan, ako ang pag uusapan niyo ng kausap mo nang hindi ako kasali sa usapan. Ayoko ng ganon kaya tayo ang magusap dahil ako rin-"

"Tommorow na" ngiti niya saakin "I feel like I need to go home na kasi" inabot niya yung money atsaka tip tsaka kami naghiwalay ng way para umuwi.

"Mohmiii, I'm home naaa!!" bigla akong tumakbo at niyakap ng sobrang higpit si mama

"Anong mommy ka diyan! 'MAMA'" inalis ko yung yakap ko sakanya atsaka umakbay sakanya

"It's not mommy. It's MOHMIIIH" sabi ko habang papunta kami sa kusina. Nagbe-bake si mama ng mga cookies. Titikkm sana ako pero napaso yung kamay at dila ko.

"Ayan! Maghintay ka kasi!" tawa ni mama "Ano? naka-enroll ka na?"

"Hindi"

"Eh anong ginawa mo sa school?"

"Naghanap ng pogi" tawa ko pero inikot lang ni mama yung tenga ko "Aray ma! Siyempre nag enroll na ako"

"Diyan ka magaling! pero pag gumising ng maaga hindi! Ano pang silbi ng crush crush na yan kung hindi ka naman pala mai-inspire??"

"Tse! Corny mo ma! asan si Iden?" umupo ako sa upuan at saka kumain ng binake niyang cookies

"Why sis, miss me?" sabi ni Shandrei habang pababa sa hagdan. hinawi niya yung buhok niya at dahan-dahang uminom ng tubig na akala mo nasa commercial. Feeling niya siya si Dylan Wang

All nightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon