Chapter 8 Surprise Destiny

2.4K 41 14
                                    



**Kim's Pov**

"Si Mama"? malakas kong bigkas nang makarinig nang doorbell. Kanina pa dapat dumating si Mama mula sa Luzon, pero sa hindi ko malamang dahilan eh wala pa sya. Kahapon pa sumasakit sakit ang tiyan ko at kailangan ko nang kasama.

Nahihirapan man kailangan kong buksan ang bakal na gate sa labas. Kung bakit kasi naikandado ko pa kanina.

Ilang hakbang na lang mula sa pinto nang maramdaman kong may umaagos sa binti ko. 
"Oh no! pumutok na yata ang panubigan ko"bulong ko pa sa sarili ko. Pandalas na din ang sakit nang tiyan ko. Para bang humihilab na hindi maintindihan.

Ah" Ano ba ang dapat kong gawin? Paano ko pa mabubuksan ang gate gayong hindi ko na nga maihakbang ang mga paa ko.

"Mama ikaw na po ba yan? Manganganak na yata ako"! Malakas kong sigaw.

"Teka anong gagawin ko?Asan yung susi " imbes na boses ni Mama boses na ni Xian ang naririnig ko? At parang natataranta na sya. Mataas ang pride ko pero this time hindi ko na iisipin ang pride ang importante ang kalagayan naming mag-ina.

"I can't move"kahit na nahihirapan ako kailangan kong lakasan ang boses ko. Na-stock na kasi ako may pinto dahil sa sobrang sakit ng tiyan.

"Lakasan mo lang ang loob mo ha, gagawa ako nang paraan" pagkasabi niya noon
nakita kong dumadaplas na siya sa mataas na gate. Maka-ilang beses siyang nahulog pero pilit pa ring sinampa ang bakod. Nang biglang.

"Ouch" daing niya nang mapakayod ang braso niya sa tusok nang gate. Pero hindi niya pinansin iyon. Kaya after a while kalapit ko na siya. Hindi ko na nga namalayan ng kunin niya ang susi ng gate.

"Just relax, everything will be fine" natataranta pa niyang sabi. Para siyang asawa ko kung mag-alala. Bigla-bigla nabuhat na niya ako at nadala sa kotse. At tsaka pinaharurot ito. Nakakatawang isipin na siya ang kasama ko ngayon. Pwede namang si Mama o kahit na sinong kapitbahay ko pero heto siya sa harap ko.

Destiny?

"Sobrang sakit na talaga nang tiyan ko" reklamo ko

"Kung pwede ko lang paliparin ang kotse ginawa ko na Kim" 

"Ahhhhh, pls Xian pakibilisan" pakiramdam ko gustong gusto nang lumabas ni Baste sa tiyan ko. 

"Yes tita, manganganak na po si Kim" kausap na pala niya ang ob-gyne ko. After niyang makipag-usap sa telepono, he held my hand.

"Andito lang ako" Nagmamaneho siya pero hindi niya binibitawan ang kamay ko. And I really appreciate yung ginagawa niya. 

"May sugat ka" naalala kong sabi nang makita kong tumutulo ang dugo mula sa braso niya.

"Malayo sa bituka yan"tila balewala lang na sabi ni Xian.

"Damn! Bakit traffic"? Bugnot na sabi nito, kung kelan malapit na kami sa ospital tsaka naman hindi kayang makalusot nang kotse. 

"Kaya mo pa bang tiisin"? Kapag dakay tanong niya sa akin. Pero hindi ko na magawang sumagot dahil sa sobrang sakit nang tiyan.

"Inhale, exhale ka muna malapit na tayo sa hospital" sabi pa niya na siya ko namang ginawa. At si Xian, binuksan ang bintana nang kotse para alamin sa ibang motorista kung bakit traffic. Sa dinig ko may banggaan sa may unahan namin. 

"Kaya mo pa bang lumipat sa likod"baling niyang tanong sa akin,

"Bakit"? 

"Basta gawin mo lang yung sinabi ko"

"Hindi ko na kayang ihakbang ang paa ko"

"Pilitin mo, sabi pa niya pero bumaba na sya nang driver's seat. Namalayan ko na lang nakalahad na ang kamay niya para alalayan ako. 

one great loveWhere stories live. Discover now