"Bakit ba Hindi mo nalang sabihin sakin lahat Timothy? Ano ba ang tinatago niyo sakin na Hindi niyo man Lang masabi mga dahilan?!"

"Ano? Ano tinatago niyo? Ano kayo mga criminal? Ano May taong mananakit satin Pag Hindi ako pumunta dun sa school? Ano mamatay ba tayo Pag Hindi ako umattend? Ano Tim Ano?!" Naguguluhan kong Tanong sakanya.

"Sabihin lang natin kasama ang pamilya natin sa isang business group ng mga Tao, pero wag kang mag alala legal lahat ng nagaganap."

"Ano naman connection nun sa pag attend ko dun sa school?!"

"Kasi lahat ng family members ay kailangan umattend sa school na yun bago sila mag 19. Maslalo na at mataas ang position ng family natin sa business group."

"Wala kang magagawa Ela kailangan mo talagang umattend, sorry at Hindi ko na sabi Sayo ng maaga pinagbawal Kasi ni dad."

"Pero wag mong sisihin si dad at Sinubukan din niyang humanap ng paraan para Hindi ka umattend at ayaw ka niyang mahalo sa family business."

"Sinubukan niya ang lahat pero Wala siyang mahanap na paraan, Totoo Ela alam mo naman na mahal ka namin ni dad at ayaw ka naming mapahamak at masaktan pero Wala na kaming magagawa."

"So please intindihin mo nalang Ela na kailangan mo talagang Gawin ito, pero wag kang mag alala pag punta mo dun sa school ay kasama ako at pati si jericho."

"Hindi ka mag isa dun Ela, pero si Axel Hindi siya pwede umattend. Hindi siya kasama sa family at Sinubukan din ni dad na epasok ang family niya dun sa Group, pero kailangan 1 year in advance para pwede siyang umattend."

"Pero Hindi naman namin sinasabi na kailangan niyong mag hiwalay Eh, pwede din kayong mag long distance relationship Habang Hindi siya pwede umattend dun."

"Kung mahal niyo ang isat isa ay Hindi kayo ma eepekto nito."

"Ano ba ang mga pinagsasabi mo Timothy? Ano ba talaga ang family natin?" Naguguluhan ko paring tanong.

"Intindihin mo nalang please Ela, alam ko masyadong madami tong impormasyon na sinasabi ko pero alam kong maiintindihan mo din ito."

"Tim please pwede iwan mo muna ako, kailangan kong pagisipan lahat nitong sinabi mo."

"Ela hayaan mo akong matulungan ka."

"Tim please Lang, Kung gusto mo akong mapatawad ka lumabas ka na." Sabi ko pa sakanya at tumayo at umalis na siya.

Pag Sara niya ng pinto ay humiga na ako sa kama at nag umpisa na akong mag isip. Totoo ba tong mga sinasabi ni Timothy?

Bakit ba ganito pa ang nangyari, bakit kailan ko pang iwan si Axel dito. Ayaw kong ng LDR ngayong ilang buwan palang kami ni Axel kailangan na namin mag hiwalay kaagad.

Gusto ko siyang makasama buong buhay ko, Hindi ko kayang hindi siya makasama. Ilang oras pa akong nag iisip ng Biglang May kumatok sa pinto.

"Tim Sabi ko hayaan mo akong mapagisa dito diba!" Inis Kong Sabi pero nag tuloy tuloy Lang yung Pagkatok sa pinto.

Kaya naman nung nainis na ako ay Tumayo na akong at binuksan ang pinto. Laking gulat ko naman ng si Axel iyon.

"Anong ginagawa mo dito?!" Gulat na tanong ko naman sakanya.

"Bebe time?" Ngisi niyang Sagot. Maslalo naman akong nagulat sakanya, pero para walang makarinig ay hinila ko siya papasok sa kwarto.

"Anong bebe time, Hindi kita bebe no."

"Eh diba boyfriend mo ako."

"Oo boyfriend Kita pero ang panget ng Pag Sabi ng bebe time, wag na nga natin Pag usapan to. Basta halika May kailangan akong sabihin sayo." Sabi ko at pinaupo ko siya sa kama.

"So ano yung sasabihin mo?" Taka naman niyang tanong dahil ilang minuto akong tahimik at walang imik.

"Ela."

"Ela."

"Huy ano nga yung sasabihin mo?"

"Ahhh Sorry sorry, na lutang ako saglit."

"Ela, alam kong may pinagdadaanan ka. Ilang linggo ko ng napapansin at alam ko kung ayaw mong sabihin sakin ay Hindi mo sasabihin, pero please hayaan mong matulungan kita." Sabi naman niya Habang naka holding hands kami.

"Axel alam mong mahal kita diba?"

"Oo swempre at alam mo din masmahal kita at walang pwedeng mangyari na makakapag iba ng pagmamahal ko sayo."

"Ok Sasabihin ko na ang lahat." Sabi ko at nag simula na akong ekwento sakanya ang lahat.

Pagkatapos kong nakwento ang lahat ay niyakap ako ni Axel bigla kaya naman nagulat ako.

"Sorry na kinailangan mong pagdaanan at Pag isipan lahat ng yan mag isa. Alam kong mahirap yan para sayo, pero alam kong kaya natin ito El."

"Pero Axel ayaw kitang iwan, ayaw kong LDR tayo. Gusto kitang makasama buong buhay ko."

"Shhh ok Lang. Naintindihan ko naman eh, pero kaya natin to Ela. Tiwala Lang sa pagmamahal natin sa isat isa."

"Alam mo yan, yang ugali na yan kaya matagal na kitang mahal Eh. At kaya Hinabol habol kita ng ilang taon."

"Mahal din kita no, at Gaya ng Sabi ko kanina kaya natin ito kaya kumalma ka Lang Ela. Makakahanap din tayo ng pwede natin Gawin."

"Sinubukan na nila Tim ang lahat Wala silang mahanap na paraan para Hindi tayo magkahiwalay."

"Bakit May cake dito?" Taka niyang Tanong ng mapansin yung cake sa tabi ng kama ko.

"Peace offering ni Timothy kanina." Sagot ko naman. Kinuha naman ni Axel yung cake at ginamit niya yung tinidor at tinikman ito.

"Sarap pala oh, try mo." Sabi niya sabay nag hati ng piraso ng cake at tinapat sa bunganga ko.

"Ayaw ko ng cake."

"Sige na Ela masarap ito oh." Sabi niya at wala na akong nagawa kundi Sinubo yung cake.

Masarap nga yung cake parang familyar nga Eh. Parang ito yung flavor ng cake noong kinasal yung Isang friend nila Mom.

"Wait... Alam ko na Axel!"

"Alam mo na yung ano?" Taka naman niyang tanong.

"Alam ko na gagawin natin para Hindi tayo mag hiwalay at para maka attend ka doon sa school." Masaya kong sabi sakanya.

"Ano? Anong gagawin natin?"

"Let's get Married!"

TO BE CONTINUED...

I'm done chasing youWhere stories live. Discover now