HOPIA

48 2 0
                                        


Nakilala ko siya sa pila para sa x-ray machine. Mainit, maalinsangan at masikip dahil sa dami ng estudyante na nagnanais makapasok sa PUP. Katabi ko siya, nagpapaypay at namamawis. Palihim kong sinasamyo ang kanyang mabango niyang buhok na katamtaman ang haba. May suot din siyang hikaw na kumikinang kapag tinatamaan ng sikat ng araw. Nakasuot siya ng brown leggings at blouse na stripes. May dala din siyang green na folder habang nakasakbit sa kaliwa niyang balikat ang bulaklakin niyang shoulder bag. 

'Miss, ok lang ba na pabantayan ng pila ko? Babalik din ako agad. Bibili lang ako ng tubig. May ipapabili ka ba?', tanong ko. 'Tubig rin sana. Salamat', sagot niya. Wala siyang kasama. at halatang gutom kaya ibinili ko na rin siya ng hopia. 'Salamat ah. Anong course mo?'

Naging magaan ang loob namin sa isa't isa at humaba ang usapan namin. Nagkuhaan ng number at doon itinuloy ang kwentuhan. Ilang linggo din kaming nagpalitan ng text. Dumating ang pasukan. Ang saya ko noon dahil makikita ko na siya ulit. Palagiang kumakabog ang aking dibdib sa tuwing nakikita ko siya - maaliwalas, maamo, laging nakangiti. 

Taga-probinsya kase ako kaya hindi madaling magkita kami. Naging kami nang pormal. Siya ang lehitimong unang girlfriend ko. Inilihim namin sa aming mga sarili ang aming relasyon. Sa kanya ko rin unang naranasan ang unang sexual at erotic experience ko. Mabait siya, puno ng pangarap, maganda, matalino at napaka-mapagmahal.

Lumipas ang dalawang taon ng aming labis na pag-iibigan. Dalawang taong pagsasalo ng panahon. Dalawang taong mananatiling parte ng aking nakaraan. Walang sinuman maliban sa amin at ng itaas ang mkungay alam ng aming relasyon. 

Hindi ko siya makalilimutan. Mananatili siyang buhay na ala-ala ng aking kasaysayan. Kahit pa tila usok lang na hinawi ang lahat. Hindi ko pa rin alam hanggang ngayon kung bakit animo'y tilamsik ng ulan ang bawat matatamis naming ala-ala na natuyo at naglaho nang madampian ng liwanag ng mapaghiganting araw. 

Ako si Lino. Ito ang aking kwento. Ito ang aming kwento. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 25 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ala-ala ng Ala-alaStories to obsess over. Discover now