Chapter V: A Deal

20 2 0
                                    

KESHA’S POV

 

Hindi pa rin ako makamove-on sa nangyaring so-called meeting namin kagabi.
I’ll summarize what happened.

Sabi ni Sevy, may kumuha daw ng bodant ni Number 2. Kinabahan ako sa sinabi niya, knowing that one us have it. Hindi pa siguro ako nakakaget-over sa kaba ko nang nagsalita si Number 5.

“Kilala ko na kayong lahat pero hindi ko muna kayo guguluhin. It’s quite boring if I do that.”

May hula na talaga ako na si Number 5 yung nagtetext sa akin ang problema ko lang, wala akong idea kung sino siya at wala rin akong idea kung sino yung iba.

Bakit ba kasi ang bobo ko pagdating sa mga logical things?

Another thing, inupgrade ni Sevy yung bodant namin because of Number 3’s request. Ngayon, may number na na nakalagay sa pendant namin, yun yung number kung ilan na yung nakolekta namin na fragments.

And also, Sevy named the game which is ‘Fate’s Game’. Hindi ko alam kung anong kabaliwan yun pero ang sabi niya, para daw hindi na namin tawagin na stupid game yung laro.

At ang isa pang dahilan kung bakit hindi ako makamove-on ay dahil sa rankings.

Number 3 got the top again, then next is Number 2, who loses his bodant, then Number 1 and then 5. I got the last place at sobrang nanghihina ako. Ano pa bang dapat kong gawin? Ayaw ko ng manakit ng iba, hindi ko naman pwedeng araw-arawin, bawat segundo, ang task ko.

Napabuntong-hininga na lang ako.

Andito ako ngayon sa cafeteria, lunch break muna pero kahit na tanghali na, wala pa rin akong ganang kumain. Nakatapat lang sa akin ang plato ko na may lamang kanin at ulam.

Natry niyo na bang maging loner? Kung oo, ganun ang pakiramdam ko araw-araw at kung hindi, congrats sa inyo!

Tulad nga ng sabi ni Unknown(yung nagtetext sa akin), may rason ang lahat at tama naman siya, may dahilan ako kung bakit ako ganito ngayon. Wala naman akong pinagsisisihan, kuntento ako kung ano ako ngayon.

“Mag-isa ka lang? Pwedeng maki-share ng lamesa?”

Tumingin ako sa nagsalita “Sure.”
Naupo siya sa katapat kong upuan at nilipag yung dala niyang tray.

“Pasensya na kung naistorbo kita, ang bilis kasing mapuno ng cafeteria. Wala na kong makitang bakante.”
Lumingon-lingon naman ako at napansin kong tama nga siya. Ilang minuto na ba ang nakalipas simula nung umorder ako? Mabilis mapuno ang cafeteria o talagang matagal lang akong lutang?

Nginitian ko naman siya.
“Ok lang, nagdadaydream lang ako”

Medyo natawa naman ako sa sarili ko. Ano ba ‘tong ginagawa ko? Nginingitian ko ‘tong stranger na ‘to. Napakarare din ng mga kumakausap sa akin, sa totoo lang medyo nagulat ako. Siguro bago lang ‘to dito, di niya alam na malandi ako.

Hmm, siya kaya ang next target ko?

“Haha, you’re daydreaming in the middle of lunch? Hindi ka pa ba nagugutom?”
“Medyo. Di ko pa ramdam na kumain eh.”

Ngumiti siya sa akin at inabot ang kamay niya.

“My name’s Reug. Transferee ako dito, bale first month ko pa lang sa school na ‘to.”

Other Side Of the Mask[Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon