Chapter VII: A Sudden Meet-Up

10 2 1
                                    

LIONEL’S POV

 

Can we meet? Please.
Tutal alam naman nating dalawa na kasama tayo sa fate’s game. Why not we team-up and make a plan?

From: Kesha

 

I started texting her before I know it. Siguro dahil na rin sa mga sinabi sakin ni Sevy, which triggered me to do something before I lose this game. At dahil sa ginawa ko, eto .. Kesha’s asking me to team-up with her.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko.
Ayokong ipaalam ang identity ko sa kanya at ramdam ko na agad ang kahihiyan na mararamdaman ko kapag nalaman niyang ako yung nagtetext sa kanya. I felt like a stalker ..

Parang nung isang araw lang, sinasaraduhan niya ko ng cellphone niya o kaya tinetext ng mga masasakit na salita, tapos ngayon .. gusto niyang makipagteam-up?

“Say yes.”

Napatingin ako sa nagsalita sa tabi ko at nginitian niya lang ako kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Dineadma ko siya at iniisip pa rin kung anong pwede kong ireply.

“Say yes.”

Ngayon, di ko na siya nilingon.

“Ano ba, Sevy? Ano bang gusto mo?”

“’Cause I need to know.”

Napaharap ako sa sinabi niya.

“Ano?”

At tumawa lang siya.

“Silly you. It’s a song. I heard it from the students on the gym .. Say yes, say yes, ‘cause I need to know.”

At kinanta niya nga.
Ewan ko ba sa fairy na ‘to. Baliw na ata talaga ‘to.

Dineadma ko na lang siya at hinayaan na kantahin niya yung Rude.

“Can we meet?” mahina kong basa sa text ni Kesha

“Just say yes.”

Tiningnan ko si Sevy ng masamang tingin.

“Is that another song you’ve heard?”
“No. I’m talking to you for real.” Nagcross-arms siya at parang professor kung magsalita “Just say yes, Lionel! If you have her, then .. you’ll just need three more .. and if you really want to win this game, you’ll have to let them play in your hands. Got that?”

“Gets ko. Ang akin lang ..”

May konting silence na namuo sa pagitan namin.

“She’s important to you.”

Pagkasabi niya nun .. parang natauhan ako.
Is what Sevy said really the reason why?

“Oh, sorry. I got that wrong.”

Tiningnan ko siya na parang nagtatanong kung anong mali sa sinabi niya, dahil sa totoo lang .. yun naman ata talaga ang dahilan.

“What I mean is .. she’s just TOO important to you.”

Hindi ako agad nakapagsalita kaya namuo na naman ang katahimikan sa pagitan namin.

Other Side Of the Mask[Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon