WIL 10

108 14 0
                                    

Napatigil ako sa pag eemote ng marinig ang pamilyar na boses. Napalingon naman ako sa pintuan.

"B-bakit ka nandito?" Hindi ko kayang tumingin sa kaniya. Narinig niya ba?? Damn!!

"I forgot my bag" ipinakita niya ang bag niya.

"N-narinig mo ba?"

"I think.." lumapit siya sa akin. "Why we make it official?"

"Huh?" Kinakabahan na tanong ko.

Ngumisi siya. Nanumbalik na ang saya sa mga mata niya. "Our feelings is mutual, Sandria. Bakit hindi natin tuhanin?"

"Nagmamadali ka?"

Napaayos naman siya ng tayo at umigham. "No. Hindi sa ganon.."

"Sa ganon yon"

"Okay. Sorry. Nadala Lang. Pero liligawan parin kita kahit na tayo na. I want you to know Kung gaano kita ka mahal—"

"Diba may klase ka pa? Bakit Hindi kaya umalis ka nalang?"

Napanguso naman siya. "Wrong timing naman. Pweding pass—"

"Kailangan mong pumasok"

"Then why are you here? Diba may pasok ka din?"

Napatigil naman ako. "Bakit? Bibigyan mo ako ng baon, Tatay?" Pang aasar ko sa kaniya.

Pero ngumisi pa Ito. "It's good to heard you're calling me, Tatay. Not your father, but a family endearments"

"Ha. Ha. Umalis ka na sa pamamahay ko"

"Hindi ako papasok kong Hindi ka papasok" at talagang ako ang tinatakot niya?

"Bahala ka..susumbong Kita sa parents mo"

Napangiti naman siya. "Ipapakilala din Kita agad sa kanila"

Natigilan naman ako sa isiping iyon. Fuck! This dambass made me insane!!

"Oh ano? Masaya kana?" Sabi ko ng matapos ng mag ayos.

Napangisi naman siya. "Bakit ayaw mo bang mag pakilala sa mga magulang ko?"

Napaikot naman ang mata ko. "Tumigil ka na. Male-late na tayo"

"Parang kanina lang ayaw mo pa. Tapos ngayon ikaw na tong nagmamadali" humalakhak pa siya. Iniwan ko nalang siya at naglakad na. "Wait. Wag mo kong iwan"

Napahinto naman ako at hinarap siya. "Bakit naman kita iiwan? Magkaiba ang pinapasukan nating University kaya tumigil ka"

Napangiti siya dahil sa sinabi ko. Anong sinabi ko para mapangiti siya? "So, Mahal mo na talaga ako?"

"Pinagsasabi mo?"

"Kakasabi mo lang na hindi mo ako iiwan" ngumisi pa Ito.

Napaikot nalang ang mata ko. "Kinikilig ka naman?"

"Bakit naman hindi?"

Napatigil naman ako at hinarap siya. "Dito ang daan papuntang University namin" turo ko sa kana. "At diyan ka Naman" turo ko sa kaliwang daan. "Pano? Aalis na ako ah" paalam ko at naglakad na.

Malapit lang apartment sa University. Talagang tamad lang akong pumasok. Hindi ko nga alam Kong bakit ako napapayag ng lalaking yon. Tsk. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Pero nararamdaman kong may sumusunod sa akin.

Hinarap ko siya at nakangiti lang Ito. Taka naman akong tumitig sa kaniya. "Bakit naka sunod ka sa akin?"

"Gusto ko lang maka sigurado na papasok ka talaga. Mamaya niyan baka tumakas ka"

"Tsk.." nagpatuloy nalang ako sa paglalakad. Ng makarating na sa gate at hinarap ko siya ulit. "okay na? Umalis kana. Sumakay ka nalang sa sasakyan"

"Nag aalala ka?"

"At bakit naman ako mag aalala?"

"Dahil mahal mo ako" ngumisi pa Ito. Inambahan ko siya ng suntok pero nakailag Ito. "Don't hurt me, Sandria. Love me instead"

Binawi ko ang kamay ko at tumalikod na. Inis akong naglakad papasok. Rinig ko pa ang pahabol niyang sigaw.

"Susunduin kita mamaya!"

Hindi ko nalang siya nilingon. Nakakainis naman oh! Ayokong pumasok eh! Anong gagawin ko dito? Makikinig hanggang matapos ang araw? Eh kung tumakas kaya ako?

'hindi ka makakatakas'

Parang may hanging na bumulong sa akin. Kainis Naman! Naisip ko pa sanang mag trabaho ngayon sa Club V!

Gulat namang napatingin sa akin si Vanessa ng makita niya ako. Umupo na ako sa tabing upuan niya at gulat parin ang reaksiyon niya. Nakanganga ang bibig at nanalalaki ang mga mata.

"Itikom mo ang bibig mo kong ayaw mong mapag kamalan ko yang basurahan" pagsalita ko.

"T-totoo ka ba?" Sinundot-sundot niya pa ako. "T-totoo nga..pero.."

Tinignan ko siya ng deretso. "Ano bang problema—"

Napatigil nalang ako ng niyakap niya ako bigla. "Kyahh!! Nandito ka ba para humingi ng tawad sa akin? Alam ko naman na hindi mo ako natitiis eh. Wala kang kasama. Wala kang tagaluto. Wala kang—"

"Wala kanang sasabihin?" Nilagyan ko ng tissue ang bibig niya. Nakakarindi ang boses. Nakahakot tuloy kami ng atensiyon.

Masamang tingin naman ang ipinukol niya  sa akin. At kinuha sa bibig niya ang tissueng nilagay ko. "Ang sama mo talaga, Sandy! Akala ko pa naman mag kakaayos na tayo dahil nandito ka"

"Umalis ka kaya pano tayo magkakaayos kong umalis ka ng araw na yon?"

"Sorry na Kasi..." Kumapit pa siya sa braso ko. "Nasabi ko lang yon dahil na din sa sama ng loob ko. Pero bati na tayo ngayon? Ha? Pleaseee..." Pangungulit niya.

Napatango nalang ako. Mabuti nalang at dumating na ang lecturer namin. Kaya tumahimik na si Vanessa. Hindi ko alam kong makikinig ba ako o piliing maglayag ang isip ko.

Sa isang iglap..nagbago ang buhay ko. Nagbago ang dating ako. Hindi na ako katulad ng dati. Kaya ang katanungan Lang sa isipan ko ay...

Ganito ba kapag nagmahal ka??..

Hindi mo batid kong binago ka ba niya. O binago mo ang sarili mo para sa kaniya?

Ito ba ang pagmamahal??

"Hoy, Sandy! Nakikinig ka ba sa akin?"

Gulat naman akong napatingin kay Vanessa. "Ano ba yon?"

Nakahawak lang ang dalawa niyang kamay sa magkabila niyang baywang. "Kanina pa Kita kinakausap! Pero parang nasa ibang mundo ang isip ng kausap ko"

"Ano nga Kasi yon?"

"Ano ba kasing iniisip mo?"

"Hindi na mahalaga yon. Ano ba kasing sinabi mo?"

"Ang Sabi ko nagugutom na ako. Pumunta na tayo sa cafeteria"

Napatingin naman ako sa loob ng classroom. Break na namin? Pero parang kanina lang naglalayag pa ang isip ko ah?

"Ako nalang ang oorder para sa atin" Sabi niya ng makaupo na ako sa mesa.Tumango lang ako sa kaniya.

Biglang nag vibrate ang cellphone ko kaya taka naman akong tumingin dito. Wala namang kumokontak sa akin maliban Kay Vanessa kaya nagtataka ako kung sino ito.

Tatay. Yan ang nakalagay na name ng nag text. Binuksan ko naman ito at binasa.

Vander: Hi, Nanay! Wala kaming pasok sa next subject kaya uuwi mona ako at kukunin ang sasakyan. Para Hindi na ako mahirapang sunduin ka mamaya.

Napahinga nalang ako ng malalim at nag type ng mensahe.

Ako: Hindi mo na ako kailangang sunduin. At paano mo nakuha ang number ko?

Mabilis naman itong nag reply.

Vander: Hulaan mo ^‿^

"Sino yan?"





>>>To be continued....

What is Love?[COMPLETED]✓Where stories live. Discover now