PAG-IBIG

13 6 8
                                    

By:@Majesty_Wp

Pag-ibig?
Ito lagi ang aking naririnig.
Marahil nalilito kayo kung ano nga ba ito.
Lahat naman siguro tayo.
Bagkus isa lang ang alam ko,
Ang pag-ibig ay nakakasakit ng puso.

Naranasan mo na ba ang umibig?
O ikaw ay inibig?
Pag-ibig ay hintayin,
Ito'y magkukusang darating.
Huwag kang padalos-dalos baka sa huli'y ikaw ay masaktan.
At lubos mo itong pagsisihan.

Masaya ba kapag ikaw ay umibig?
Depende! Hindi sa lahat ng pagkakataon ikaw ay masaya.
Minsan ikaw ay magdurasa.
At mahihirapan pa.
Sa salitang pag-ibig may kalakip na sakit at pighati.
Hindi ito matatawag na pag-ibig kung hindi ka makakaramdam ng salaghati.

May pag-ibig na dumarating sa tamang panahon
Pero maling pagkakataon.
May mag-ibig ding dumarating sa tamang pagkakataon pero sa maling panahon nga lang.
May mga tao talagang pinagtagpo ng tadhana,
Pero hindi itinadhana.


May nakapagsasabing masaya raw kapag ikaw ay umibig.
Pero bakit maraming tao ang lumuluha dahil sa pag-ibig.
Masaya ba talaga ito?
O nakakasakit lang ito ng damdamin ng tao?
Takot kang masaktan?
Anong silbi ng takot mo kung hindi mo susubukan?


Kung handa ka nang umibig,
Ibigin mo muna ang iyong sarili bago ang iba.
Baka 'pag umibig ka nang sobra.
At nasaktan ka, hindi ko alam kung makakabangon ka pa.
Kaya pag-ibig mo'y ilaan sa tamang tao.
Huwag sa taong trinato kang basura at hindi pinahalagahan ang iyong pagkatao.

                  

                  ||MAJESTY_WP||

Yayımlanan bölümlerin sonuna geldiniz.

⏰ Son güncelleme: Jan 12, 2021 ⏰

Yeni bölümlerden haberdar olmak için bu hikayeyi Kütüphanenize ekleyin!

TULA PARA SA 'YO (Koleksiyon Ng Aking Tula)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin