ALAALA

27 11 11
                                    

By: @Majesty_Wption a user

Aking sinta,

Balikan natin ang ating alaalang nagdaan.

Alaalang nagbigay kulay sa ating pinagsamahan.

At sa unang pagkikita ako'y nabighani nang lubusan.

Pagbigkas mo sa 'king pangalan,

Aking binabalik-balikan.

Mga ngiti mo'y kay sarap pagmasdam.

Mga tawa ma'y kay hirap kalimutan.

Hindi ko malilimutan ating mga alitan.

Pero sa huli ito'y ating nasosolusyonan.

Kapag ako'y galit,

"Di mo ako mahal?" ang laging sinasambit.

Sa panahong ako'y nag-iisa,

Ikaw ang laging kasama.

Sa hirap ng pinagdaanan,

Ikaw lang ang palaging nand'yan na aking masasandalan.

Saksi ang bituin at kalangitan

Sa ating pagmamahalan.

Pagmamahalang nauwi sa kasalan.

At sandalan pa 'rin kita 'pag ako'y may problemang

Maraming taon na pala ang nagdaan.

Hindi pa 'rin nagbabago ang nararamdaman.

Walang makakahadlang sinuman

Sa ating paglalakbay tungo sa walng-hanggan.



A/N:

Tambay muna sa Wattpad bago magmodule😅. Btw, Good morning readers😇.

Don't forget to vote, follow and comment.

Social Media Accounts:

Facebook: https://www.facebook.com/chairelmae.delvalle
IG:@chairelmae_majesty
Twitter: Chairelmae

Thank you so much^_^
-Majesty_Wp







TULA PARA SA 'YO (Koleksiyon Ng Aking Tula)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα