"A-Alya was so hard to raise. Gabi-gabi siyang umiiyak kaya madalas ay hindi ako nakakatulog tapos may binabantayan pa akong boutique. I wanna give up so many times! I wanna jump out of the sea and drown myself... kasi pagod na ako! Kasi mag-isa ako! Kasi 'yong taong nangako sa akin, ginago lang ako!"

Hindi siya sumagot. Tinatanggap niya lang lahat ng sinasabi ko na parang dapat niyang pakinggan ang lahat ng 'yon. Puwede niya akong talikuran na lang at 'wag pansinin lalo at may mga tumitingin sa amin.

"Tapos magpapakita ka na parang walang nangyari?! Na parang walang kwenta lahat ng mga taon na nagdaan?! You robbed me of my dreams and my youth!"

Gusto kong isigaw lahat! Gusto kong sabihin sa kanya kung gaano kahirap sagutin ang tanong ng mga tao sa paligid ko kapag itinatanong kung nasaan ang tatay ni Alya! Gusto kong isumbat ang hirap ko na balansehin ang pagtatrabaho at pagiging ina! Gusto kong ipamukha sa kanya na nakaya ko kahit hindi ko siya kasama! Na nakaya ko kahit mag-isa lang ako!

"Sana nagsinungaling ka na lang, Rouge. Sana no'ng gabing 'yon, sinabi mo na lang na hinanap mo si Solene o nalimutan mo ang fashion show..." Umiling ako. "Kasi mas madaling tanggapin 'yon... kaysa sa katotohanang hindi mo ako minahal."

"Reese..." His voice cracked. "Reese, I'm sorry... I'm sorry..."

Dahil sa panghihina ay wala na akong nasabi. Tanging mabibigat na paghinga lang naming dalawa ang naririnig ko. Ang ingay ng mga sasakyan at mga taong dumadaan ay hindi rumerehistro sa isip ko. Life was just too unfair. Hindi ko kayang tanggapin na kailangan siya ni Alya... na parte na talaga siya ng buhay ko. Na kahit mahal na mahal ko pa rin siya, hindi magiging sapat 'yon para malimutan ko lahat kasi 'yong tiwala ko sa kanya, tuluyan nang nawala.

I thought of Alya and her frowning face. Sa paglalagi namin dito sa Cebu ay pansin ko ang lungkot niya na alam ko ang dahilan kung bakit. She may deny it to herself but I knew my daughter too well.

At kung ang pagdurusa ko sa presensya ni Rouge ang makapagpapasaya sa anak ko, I had to take a bullet for her.

Rouge was right. Tapos na. Hindi na mababalikan. Kahit isumbat ko sa kanya ang lahat, walang mangyayari kasi nadurog na ako.

I swallowed before looking at my feet. It was time for me to gather all my courage.

"Alya needs a father," I said, almost panting.

Nag-angat ako ng tingin at kitang-kita ko ang paglapat ng gulat sa mukha niya.

"Is that okay?" hinang-hinang tanong niya, nanunubig pa rin ang mga mata. "P-papayagan mo ba 'ko?"

Blangko ang mukha kong tumango sa kanya. "Kung gusto mong mapalapit sa anak mo, bumisita ka sa kanya. Kahit kapag nakabalik na kami sa isla, sikapin mong pumunta kahit isang beses sa isang buwan. Kung mahirap 'yon, kahit isang beses sa tatlong buwan." Naninikip ang dibdib ko dahil alam kong isinasangla ko na naman ang puso ko sa desisyong ito.

Hindi ako makakaiwas. Makikita at makikita ko pa rin talaga siya. And I had to brace myself. I couldn't let myself fall again.

"Araw-araw akong pupunta!" agap niya, nanginginig ang boses. "Kung kinakailangang bumili ako ng bahay sa isla, gagawin ko!"

Umiling ako. "You have your life here, Rouge. Wala akong sinasabing isuko mo ang buhay mo para kay Alya. I will not ask you to provide for her financially, dahil kaya ko naman."

"'Wag naman, Reese. Gusto kong bigyan kayo ng magagandang bagay." Lumungkot ang boses niya. "Ayun na lang kasi ang magagawa ko para makabawi ako sa inyo, eh..."

I scoffed. "Hindi ako... si Alya lang. Sige, kung gusto mo siyang bigyan ng kung ano, gawin mo. Pero hindi mo kailangang bumawi sa akin. Nanay lang naman ako ng anak mo, hindi mo ako responsibilidad."

Loving the Sky (College Series #3)Where stories live. Discover now