"Mommy, I know you're hungry. Kumain ka muna," sabat ni Alya sa usapan namin kaya agad na napatingin sa kanya si Hunter, namimilog ang mga mata.

Sinamaan ni Alya ng tingin ang lalaki.

"My mom isn't lying, sir. We've been living on an island for years," maarteng saad niya.

"Alya," tawag ko sa bata.

Lumingon siya sa akin at bahagyang ngumuso.

"Finish your food," bulong ko bago ibinalik ang tingin kay Hunter. Nakaawang na ngayon ang kanyang mga labi, at nakakunot ang may kakapalang mga kilay.

I took a few long, slow breaths. He could be entertaining theories in his head. Kilala niya rin naman kasi si Rouge at halatang-halata naman kung sino ang kamukha ni Alya.

He sighed. "I'm sorry, Debs. I didn't mean to disturb your peaceful lunch... maiwan ko na muna kayo."

Tumango ako. "It's okay, Hunter. Salamat."

He bid us goodbye. The staff immediately called him "Sir," and I realized that he probably owned the restaurant. Siya siguro ang nag-serve dahil marami ang tao sa loob at kulang sila sa manpower.

We ate in silence. Alya was pouting like something pissed her off. Nang mapansin ko 'yon ay inabot ko ang kamay niyang nakapatong sa mesa.

"Mommy can handle herself well, baby, okay?" malambing na saad ko. "He's an old friend. 'Wag kang masyadong magalit d'yan."

Dahil sa inis niya sa lalaki ay medyo natagalan kaming kumain. Sa huli tuloy ay kinuha ko na sa kanya ang pinggan niya at sinubuan siya para mapabilis kami.

"Debs, walang signal dito sa loob. Hindi ko matatawagan si Harv. Sa labas muna ako," ani Rapsly bago tumayo.

"Huy, pasama ako!" utas ni Cali. "I have to call Lenin."

Tinanguan ko lang sila. Medyo marami pa kasi ang pagkain ni Alya kaya baka matagalan pa kami.

Wala pang limang minutong nakalalabas ang dalawa ay sunod na tumayo si Cliff. I looked at him as he ruffled his thick hair with his fingers.

"Saan ka?" tanong ko nang kunin niya ang wallet niya.

"Restroom," maikling sagot niya bago isang beses na hinaplos ang buhok ni Alya. Lumingon sa kanya ang bata at ngumiti. Matapos iyon ay umalis na rin siya.

"Mommy, I want ice cream..." pakiusap ni Alya nang dumaan ang isang waiter na may dalang ice cream.

"Hindi mo pa nga nauubos ang pagkain mo, eh."

"Please?" She looked at me, pleading. "Matcha po..."

I chuckled at my daughter's cuteness. Nagtawag ako ng waiter at umorder ng request niya. Pinagpatuloy ko ang pagpapakain sa kanya at wala pang ilang minuto ay naubos niya na ang nasa pinggan. Hindi na rin bumalik si Clifford sa upuan namin at sumenyas na lang sa akin na sa labas na siya maghihintay.

Sa gulat ko ay si Hunter ulit ang nag-serve sa amin ng ice cream.

"Hello ulit," nakangiting bati niya.

I smiled back. "Hi... may kailangan ka ba?"

Alya tugged on the sleeve of my shirt to show her disapproval. Alam kong napansin iyon ni Hunter dahil agad na lumawak ang ngiti niya.

Inilapag niya ang ice cream sa mesa namin at kumunot ang noo ko nang makitang dalawa iyon.

"Isa lang ang order namin," agap ko.

He smiled before slowly sitting in front of us.

"Sagot ko na," aniya.

Nag-init ang mga pisngi ko sa hiya. "Ikaw na nga ang sumagot ng pagkain namin, eh! Huwag na!"

Loving the Sky (College Series #3)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz