"I'm sorry," I whispered before following them.

Hawak ni Cliff si Alya habang sina Cali at Rapsly naman ay kasabay kong naglakad papasok. My thoughts were drowning me. Hindi ko matanggap na wala na si Abuelo at lalong hindi ko matanggap na hindi ko manlang nalaman 'yon.

I bit my lower lip when I remembered all the things he did for me. Sa dami ng babaeng nagkagusto kay Rouge, ako lang ang pinayagan at tinanggap niya. And I knew that he didn't do that because I came from a wealthy family. Umpisa pa lang, pinagkatiwalaan niya na ako para sa puso ng apo niya.

His mansion used to be our refuge. That magical spot where our dreams grew, where our love blossomed, and where our youth was spent.

Tulala ako habang isine-serve ang pagkain sa table namin. My friends were laughing, trying to brighten the atmosphere. Inipitan din ni Cliff si Alya para makakain ito nang maayos. Lumilipad ang isip ko sa mga nangyari sa nakalipas na maraming taon.

"Debs?"

A man's voice distracted my train of thought.

Nag-angat ako ng tingin rito, at agad na nawala ang naiisip ko nang makita ang pamilyar na lalaki na dala-dala ang tray ng pagkain para sa amin.

"Hunter!" I blurted out.

Tumawa siya at tuluyang lumapit sa puwesto ko. Hindi siya naka-uniporme ng pang-waiter. He was wearing a plain navy-blue shirt and black pants. Naka-wax din ang buhok niya.

"It's been so long!" sabi niya bago tumingin sa mga kasama ko. "It's on me," aniya pa sa mga ito.

"We can pay," nahihiyang sagot ni Rapsly.

"Nah." Umiling si Hunter. "Ayos lang. Ako na ang bahala."

Hindi ako nakaimik dahil hindi ko pa napoproseso na narito siya sa Cebu. I mean, he was from Isabela, and meeting him here was unexpected.

Itinukod niya ang tray sa mesa at nginisian ako.

"How are you?" tanong niya.

I smiled, trying to straighten my thoughts. "I'm good."

He smirked. "Are you busy today? Let's catch up! Ang tagal na no'ng huli kitang nakausap!"

Tumingin ako sa mga kasama ko na hindi nakatingin sa amin. Kanya-kanya sila ng pag-iiwas ng tingin na akala mo ay may namamagitan sa amin ng lalaki. Well, he tried to flirt with me back then, but that was years ago!

"Come on, Debs! Just a friendly chitchat after this," pangungulit niya habang may masayang ngiti sa labi.

I breathed heavily. He didn't change at all.

"I'm not quite sure about that, Hunt," I answered with all honesty. "May gagawin kasi ako ngayong araw... and it's urgent," I added upon remembering Rouge.

He nodded. "Then, can I have your number?"

My friends cleared their throats kaya umayos ako ng upo. Bumaling ako kay Alya na ngayon ay masama ang tingin sa lalaki.

Binasa ko ang pang-ibabang labi. The talk was going on a little longer than I had expected. Nakakahiya namang paalisin na lang bigla ang lalaki.

"Uh... I don't have a phone." I chuckled.

Tumango-tango siya at sumeryoso ang mukha. "I get it."

"Huh?" tanong ko sa biglaang pagbabago ng mood niya.

"You don't have to lie to reject my invitation, Debs." Umayos siya ng tayo at isa-isang binalingan ang mga kaibigan ko.

"Hunt, I really don't have a phone!" pagtatanggol ko sa sarili dahil bahagya akong nakonsensya.

Loving the Sky (College Series #3)Where stories live. Discover now