Ang Madramang Buhay ni Aning

13 2 1
                                    

Ano'ng kurso mo?

Gagraduate ka ba on-time?

Baka naman nagbubulakbol ka?

May boyfriend?

Eh baka girlfriend na?

Kung ka-MU pa lang, ipagpaliban muna


Saan ka na nagtatrabaho?

Malaki ba ang sahod?

May kotse na ba?

Kailan ka mag-aasawa?

Ilang ba'ng gusto mong anak?

Mas marami, mas mabuti

Nang sa iyong pagtanda'y ika'y may makasama


Aanhin mo naman ang pera mo?

Madadala mo ba 'yan sa langit?

Ano'ng silbi ng lahat kung

Wala kang asawa't anak?

Oh? Ano ka ngayon?

Hindi ka kasi nakinig nang

Sinabi kong tatanda kang dalaga


Oh, si Aning?

Maganda nga ang kolehiyong pinag-aralan,

Pitong taon naman bago siya nakatapos

Balita ko hindi nag-nobyo kasi nobya ang gusto

Ang hilig sa barkada, rinig ko'y

Muntik nang madisgrasya


Oh, si Aning?

May trabaho nga'y kay

Liit naman ng sahod

Lahat yata nang katrabaho niya,

De-kotse na

Ayon, lagpas kalendaryo na ang edad,

Ni manliligaw, bokya


Naku, si Aning?

Malamang nalulunod na sa pera 'yan

Wala ngang pinapalamon

'Di rin yata marunong tumulong

Ang lungkot ng buhay niyan,

Walang asawa't mga supling

'Di kasi nakinig no'ng pinagsabihan namin


Sandali!

Preno muna.

Hingang malalim.

Wala rito si Aning upang

Ipagtanggol ang kanyang sarili


Ang daming boses,

Ang daming may pakialam

Sa buhay ni Aning na malayo sa perpekto

Hind sumasabay sa agos,

Nakakapagod ang paliko-liko

Pati na rin ang baluktot na mga komento

Pwede namang manahimik nalang

Pero ayon, ikwenento kay Manong sa kanto


Si Aning?

Nanahimik ata, purgang-purga na

Sanay na?

Hindi ako sigurado

Pumasok sa kanang tenga

At lumabas sa kaliwa ang

Lahat ng patutsada nila

Pero ito, sigurado –

Masaya siya

Hindi pa kontento, pero masaya 

Stranded ka pa rin ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon