Kabanata 01

4.3K 79 12
                                    

"Elaine, sweetheart, please do bring this with you. Iwe-welcome natin 'yung mga bago nating kapitbahay."

Agad akong napatayo at sumunod sa sinabi ni mommy. Kahapon ko pa alam na may mga bago kaming kapitbahay kasi nakita ko iyong mga moving trucks sa labas. Hindi naman ako dapat ma-excite ng ganito pero sa lahat kasi ng bahay dito sa village namin, kami lang ang literal na walang kapitbahay kasi wala pang nakakabili ng property sa paligid. We are finally going to have our very first neighbors and my chances of having my playmate just went up to the sky!

Pero agad din nadurog ang pagka-excited ko noong malaman ko agad na wala pa silang kasamang batang kasing age ko.

"Don't be rude, Elaine, smile! Hindi naman por que wala kang kalaro, sisimangot ka na."

Natawa si Mrs. Cassidy, siya ang may-ari ng bahay na kapitbahay namin. "Nako, alam ko 'yang disappointment ng hija mo." Tinignan niya ako at napa-pout pa siya na parang may iniisip. "Wala kasi akong anak na babae pero meron akong binata. Would you like to meet him instead?"

Tumingin ako kay mommy. Better have that than nothing.

Ngumiti naman siya kasi alam kong gusto niya ring mag-stay para makapag-coffee pa sila ni Mrs. Cassidy. "Basta 'wag kang magulo. He will be your kuya so don't annoy him much, okay?"

Ngumiti ako at nag-thumbs pa kay mommy. Kailangang gawin ko ang best ko para magkaroon ako ng playmate. Kahit na nga ba guy siya at hindi girl, at least, hindi na ako magiging mag-isa kapag maglalaro ako.

Sinamahan muna ako Mrs. Cassidy papunta sa isang kwarto sa second floor at kumatok siya doon. "Cade? Nandito si Elaine. She's from next door. Please, anak, magpakilala at i-entertain mo muna siya."

Nang bumakas ang pinto, sa totoo lang medyo nag-expect na ako na magiging rude kung sino man si Cade. I always watch it from the movies that younger kids do not really get along with older kids. Pero mali agad ang pag-aakala ko dahil unang tingin pa lang...

"Sorry, mom, I was talking to someone. Kanina pa po kayo nakatayo diyan?"

"Hindi naman, pero pwede ko ng iwan si Elaine sayo, 'di ba?"

Tinignan niya ako at agad na nginitian. In-offer niya sa'kin ang kamay niya. "Hi, Elaine. I'm Cade. Nice to meet you."

Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero talagang nanginginig pa ang kamay ko nang i-shake ko ang kamay niya. Hindi ko rin alam kung napansin niya iyon o talagang hindi na lang niya pinansin. He kindly smiled at me again and offered me to come into his room.

Tinanong niya kung ilang taon na ba ako at noong sinabi kong nine na ako, tumawa siya kasi twelve na daw siya. Hindi ko alam kung anong nakakatawa doon pero hindi naman ako na-offend.

Kuya Cade is a handsome kid. Hindi ko alam kung paano ko ie-explain pero kapag ini-imagine ko ang totoong itsura ng gwapo, ganyang mukha sa kanya ang mai-imagine ko. Plus, sobrang tangkad niya pa and he is wearing his eyeglasses!

Ang lakas ng tibok ng heart ko at minsan ko lang ito maramdaman; tuwing manonoood lang kami ni mommy ng horror! Pero hetong tibok ng puso ko ngayon, hindi ibig sabihin nito na natatakot ako or kinakabahan kay Kuya Cade. Heto iyong tibok ng puso na sinasabi ng mga kaklase ko...

Iyong tibok na malakas kapag nakita na si crush.

Fudge. Na-crush at first sight ko na agad si Kuya Cade!

Cade Saavedra: Seduce MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon